Level Up: Seven

656 22 20
                                    

"Dito na tayo..." Sabi ni Ken kay Rita na nakatulog na naman.

"Antukin pala siya, parang mantika matulog...Cute!" 

Pinagmasdan niya na naman ito at 'di niya ma-iwasang mapa-ngiti. May kaunting liwanag mula sa poste ng ilaw sa labas, at tamang-tama ito kay Rita. Kinuha niya ang phone niya at naisipang kuhaan ng picture ang tulog.

Click. Flash.

Unti-unting dumilat si Rita, si Ken naman ay nag-madaling i-switch ang camera sa selfie mode.

"Dito na?" Sabi ni Rita. Nagse-selfie ka ba?"

"Oo? Picture naman tayo oh?"

"Ano ba yan, kaka-gising ko lang eh."

"Fresh ka pa rin, huwag kang mag-alala."

Isang matipid na ngiti ang binigay ni Rita sa camera. "Ang damot sa ngiti." Komento ni Ken.

"Wala ako sa mood, wala pang pagkain."
Masungit na sagot ni Rita.

"Sige na po, magluluto na... Welcome to my humble home!" Sabi ni Ken pagbukas niya ng gate ng townhouse niya - isang two-storey house na may maliit na garden sa harap at garaheng kasya ang isang sasakyan sa gilid.

Na-upo si Rita sa sofa. "Ikaw lang nakatira dito?" Tanong niya.

"Yeah...Sa Laguna nakatira family ko." Paliwanag ni Ken. "Wait, Rita. Dito lang ako sa kusina ha, magluluto na ako...Feel at home ka lang diyan, buksan mo na rin TV if you like."

"No, samahan na kita diyan! I wanna see how you work your magic sa kusina." Sinundan naman siya ni Rita.

"Naku, masarap 'tong lulutuin ko. Specialty ko 'to eh..."

"Siguraduhin mo lang masarap yan, ha. Pero baka maging biased ang taste buds ko, dahil gutom na gutom na ako."

"Ay ayoko ng unfair judgment! Kain ka muna diyan ng saging sa lamesa..." Sumunod naman si Rita.

"Ano ba yang niluluto mo?"

"Truffle pasta. Tapos may steak akong na-prepare kanina..."

"Ang sosyal ha, parang may okasyon! Mukha na talaga 'tong date..." Makahulugang tingin ang binigay ni Rita kay Ken. Nginitian lamang siya nung isa.

"Well...Pakuha nalang ako ng wine diyan sa cabinet, Rita..."

"Naku, may alak...Tsk..."

"May balak?" Biro ni Ken.

"Ano nga bang balak?"

"Depende, kung payag ka..."

"Hay nako, Ken Chan. Bilisan mo nalang pag-luto dali..."

Pagkatapos mag-luto ni Ken ay hinanda na niya ang lamesa.

"Dinner for two is served!"

"Thank you, todo effort ka eh!" Tinikman na ni Rita ang mga niluto ni Ken.

"Uhmmm. Hmmm." Napangiti lang si Rita at pinalo-palo ang kamay ni Ken.

"Uy, huwag mong kalimutan ha. Rita yung pangalan mo!" Hirit ni Ken. Uminom muna ng tubig si Rita.

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon