"Dito na ko sa labas ng condo mo." Ang text message ni Ken kay Rita ng 7:50 ng umaga.
"May 10 minutes pa ako. Wait ka muna diyan, Coach." Naka-upo pa si Rita sa sofa, nagdo-double check pa siya ng gamit niya.
"Bilisan mo nalang, baka ticket-an ako ang tagal ko ng naka-hazard dito."
"Luh siya. Wala naman atang violation na ganun. Bakit kasi ang aga mo? May sharp-sharp ka pang sabi."
"Masyadong ginalingan ni Waze eh, hindi ako na-traffic. Baba na huy."
Hindi na sumagot si Rita at pinuntahan na lang si Ken.
"Excited ka naman masyado!" Pagbati ni Rita pagsakay niya ng kotse ni Ken.
"I want to make the most of my time. Good morning nga pala, Rita."
"Good morning. Saan tayo kakain?"
"Sa All-Day breakfast."
Pagdating sa restaurant...
"Uy, parang masarap to..." Sabi ni Rita pagkakita ng special silog sa menu.
"Masarap ang bawal...Sorry, eto ang breakfast mo." Tinuro ni Ken ang isang low calorie meal mula sa menu. Picture palang ay tila nalalasahan na ni Rita ang pagka-tabang nung pagkain.
"Ano ba yan! Bakit mo pa ko dinala dito? Tinatakam mo lang ako eh..." Inis na sagot ni Rita.
"Kakayanin mo yan, self-control is the key. Mind over katakawan." Nag-order na sila at pinili ni Ken yung meal na nagustuhan ni Rita.
"Nang-aasar ka talaga eh noh."
"Tama ka naman kasi, masarap nga 'to. Huwag mo nalang tingnan mamaya. Sa akin ka nalang mag-focus." Kinindatan ni Ken si Rita.
"Lalo lang sasama loob ko..." Sabi ni Rita.
"Bakit ang landi niya?" She thought.
"Siya nga pala Rita, mayroon akong proposal sa'yo." Sabi ni Ken habang kumakain.
"Proposal agad? 'Di pa nga kita jowa eh." Agad na sagot ni Rita.
"Ano girl, G na G lang? Saan nanggaling yun?"
"Uy ikaw ha... Palaban ka rin. Gusto mo pala ako maging jowa ah... Akala ko ba professional lang tayo?" Pang-aasar ni Ken.
"Nagbibiro lang ako, as if naman!"
"Sa bibig nahuhuli ang isda! Your interest is well noted. Pero sige, mamaya ka sa akin. Serious work topic to..."
"Ano nga kasi?"
"Gusto mo bang kumita ng extra?"
"Networking ka din? Tatanungin mo ba ako kung open minded ako?"
"Hindi—"
"Sabi na eh, kaya mabulaklak ka magsalita... Typical scammer! Tsk."