Level Up: Nine

618 22 11
                                    

"Tara kain na tayo anak, yung lunch dala ni Ken lahat yan." Sabi ng mama ni Rita pagpasok nila ng dining.

Tiningnan ni Rita ang pagkain sa lamesa, sobra-sobra pa ito para sa apat na tao.

"Ang dami naman, Ken!" Sabi ni Rita.

"Hindi ko alam kung ano favorite niyo, kaya may chicken, may beef, may pork, may seafood, may gulay din. Upo ka na, Ta..." Hinatak ni Ken ang isang upuan at pinaupo si Rita bago ito pumuwesto sa katabing upuan.

"Masarap ka pala magluto, Ken." Sabi ng papa ni Rita.

"Thank you po! Pasado na po ba? Promise po, hindi magugutom yung anak niyo sa piling ko..." Sabi ni Ken.

"Oo naman. Pero huwag mo masyado busugin si Rita ha, sayang naman parang malaki na pinayat niya oh... Yung braso mo anak lumiit na. " Biro ng papa ni Rita.

"Pa naman eh, nang-aasar ka rin!"

"Maging proud po kayo, pinaghirapan po niya yan. Pero totoo po, yung anak niyo medyo matakaw!" Kwento ni Ken.

"Masarap kumain, bakit ba..." Pikon na sagot ni Rita.

"Huwag ka mag-alala Ta, kahit lagi kang gutom, alam mo naman yung ang minahal ko sa'yo eh...You'll always be beautiful to me..." Pagbawi ni Ken, sabay pisil sa pisngi ni Rita.

"Hmmp. Ang landi mo, sa harap pa talaga ng magulang ko..." Sagot ni Rita, na pigil ang kilig.

"Ayyy. Mommy at Daddy nandiyan po pala kayo." Balin ni Ken sa dalawa.

Tinawanan lang sila ng parents ni Rita.

"Ang palaban din talaga nitong si Ken, ano?" Sabi ng papa ni Rita.

"Ay makapal po mukha niyan talaga..." Sabi ni Rita.

"Nega na naman siya, pwede bang confident lang?" Reklamo ni Ken.

"Saan ka natuto magluto?" Tanong ng mama ni Rita.

"Yung mama ko po, mahilig magluto. Sa kanya ko namana ang love ko sa pagkain. Kaya ayun, nag-aral po ako nung college..."

"I see. Pwede mo gawing negosyo..."

"Yun nga po ang pinagkakakitaan ko, pero goal ko rin magkaroon ng restaurant."

"A man with a plan. Ok na ako anak, sagutin mo na siya." Biglaang sabi ng papa ni Rita.

"Ha? Pinapamigay mo na ako agad, Pa? Ikaw po ba magmamahal?" Natatawang sagot ni Rita. Akala niya mas kikilatisin pa ng tatay niya si Ken.

"Kahit sandali pa lang, nakikita ko na kung gano ka ka-kumportable sa kanya. Nakikita ko mas masaya ka, anak. Mukha namang aalagaan ka niya. Importante lang sa akin ay yung mahal ka at mahal mo rin, yung hindi ka sasaktan. Kung sino piliin mong mahalin, susuportahan kita, anak." Paliwanag ng papa niya. Na-touch naman si Rita.

"Saka anak, hindi na kami bumabata. Gusto na namin magka-apo." Dagdag ng mama ni Rita.

"Uy, hindi ko po kayo bibiguin diyan!" Excited na sabi ni Ken. Maharot niyang inangat ang mga kilay niya kay Rita.

"Ikaw ha...Smile ka pa diyan. Yun talaga habol mo. Tsk." Tinampal niya ang mukha ni Ken.

"Aba siyempre po sa near future pa, hehe." Sabi ni Ken.

"Masyado pang maaga, Ma at Pa. Kikilalanin ko pa 'tong mokong na to eh." May pag-gigil niyang hinawakan ang mukha ni Ken sa chin nito at palarong pinisil.

"Cute ko no? Pero, Ta...Ako, kilalang-kilala na kita... If you know what I mean?" Sabi ni Ken.

"Hoy!!!" Nanlaki ang mata ni Rita.

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon