Paglabas ni Rita mula sa locker ay nakita niya si Ken na may kausap na babae. "Ito na siguro yung Samantha na sinasabi ni manager."
Nanood muna siya sa usapan ng dalawa. Si Ken, mukhang seryoso lang na nag-eexplain. Naka-maintain ang one arm's length na distansya, at ang mga kamay nito ay nakalagay lang sa likod hangga't maaari. "Proud of my jowa. Hayyy, salamat naman!"
"Excuse me, nakaharang ka, Miss."
Narinig niya ang isang lalaki na bumulong sa kanya. Sa sobrang focused niya ay hindi niya napansin na isang malaking harang siya sa main hallway. Wala lang talagang masyadong tao pa sa gym kaya walang dumaraan."Ay, sorry." Sagot niya rito. Nginitian siya nung lalaki.
"Kung ikaw naman yung haharang ok lang, Miss..." Sagot ng lalaki.
"Huy! Pwede ba kuya, dumaan ka nalang wala nang daldal.... Taken na ako. Lagot ka sa boyfriend ko!" Masungit na sagot ni Rita.
"Sayang naman, sige see you around..." Sumenyas naman si Rita ng kamay na para bang nagpapalayas.
Pumuwesto siya sa isang bicycle at patuloy na nanonood kay Ken at Sam.
"Sige Coach, ready na ako. Ano unang gagawin?" Sabi nung Sam. Tiningnan siya ni Rita mula ulo hanggang paa.
"Wala nga akong makitang waistline, ano pang ipapayat niyan?" Pagpuna niya."Mag-treadmill ka ng 15 minutes minimum. Just keep going, hangga't kaya pa. Let me know when you're done. " Sabi ni Ken.
Na-senti naman si Rita bigla. Parang kahapon lang yung araw na nakilala niya si Ken. Ang bilis ng pangyayari. Naalala niya kung gaano siya kainis na inis kay Ken noon. In denial pa siya na nagkaka-gusto na siya simula pa lang at crush na niya ito. Ngayon, mahal na mahal na niya. Iba talaga ang life, weather-weather lang.
Iniwan muna saglit ni Ken si Sam, nag-ikot ikot ito ng tingin na para bang may hinahanap. Nang makita niya si Rita ay kinindatan niya ito. Ngumiti naman si Rita sa kanya at nag-heart sign sa dalawang kamay niya. Natawa sila dahil pakiramdam nila ang baduy nila. Pero wala naman silang paki-alam, sariling mundo lang nila sapat na.
Nagdesisyon muna siyang makinig ng music, naka-medium volume lang kahit na full-blast siya lagi makinig, habang pumapadyak sa stationary bike. Hindi naman niya namamalayan ang oras dahil busy pa rin siya mag-bantay kay Ken.
...
Makalipas ang 20 minutes ay nakita niyang tumigil mag-treadmill si Sam. Agad naman tinanggal ni Rita ang earphones niya ng makitang lumapit ito kay Ken.
"Coach, I'm done na! What's next?"
"Rest for a bit while I set up yung mga equipment na gagamitin natin sa drills."
"Umm. Ok."
Paalis na si Ken ng mahinang hatakin ni Sam ang kamay niya.
"Ay! Coach, wait...Pwede pa-favor?"
"Ano yun?"
"Pwedeng palagay ng bimpo sa likod? I forgot kasi...Papunas na rin muna ako ng pawis, if that's fine with you? Dito sa may neck ko oh..."
"Ummm." Umiwas ng tingin si Ken kay Sam. Hinahanap niya ulit si Rita kung saan niya ito nakita kanina ngunit nawala na ito. Alam niyang kahit walang malisya ay magseselos ito. Nakita niyang wala na ito sa bike. Hindi niya alam if it's a good or a bad sign.