"Good morning, baby! Let's eat breakfast at your place today? :)"
Napangiti si Rita nang mabasa niya ang text message ni Ken the next day. Hindi pa sila nagkita simula noong umuwi si Rita galing sa townhouse. Busy kasi sa work si Rita at binilinan niya si Ken na huwag muna siya bisitahin para makapag-pahinga pa ito at hindi ma-binat.
Bumangon na si Rita at naghilamos ng mukha bago tinawagan si Ken.
"Good morning, my baby! Wala akong food dito eh, paano yun..."
"Siyempre ako na bahala. I only have one request, can I sleep in your bed tonight?"
Malambing na tanong ni Ken."Morning palang, night na agad ang nilu-look forward mo? Baby ha..."
"Oh bakit? Gusto lang naman kita makasama buong araw eh... Saka unfair naman ata baby kung ikaw lang ang nakaka-sleepover. Ako rin sana, diba?"
"Sige na, punta ka na dito... Huwag masyado excited makita ako, ha? Ingat sa pag-drive. Love you."
"Love you more."
...
Inabangan ni Rita si Ken sa lobby ng condo niya. May dalang dalawang bag ng groceries si Ken at isang backpack. Nilapag niya muna ito sa isang table sa lobby.
"Baby, bakit bumaba ka pa?" Bungad ni Ken pagdating niya.
"Excited rin ako makita ka eh..." Nilapitan naman niya si Ken at niyakap.
"Marunong na rin magpa-kilig baby ko ah...Parang hindi tayo nagkita nung isang araw lang..." Abot tenga ang ngiti ni Ken.
"Nahawa na ata ako sa'yo...Ayaw mo ba?"
"No complaints here, only encouragements...I love it, baby!"
"Oh tara na, akyat na tayo."
Eto ang first time na nakapasok si Ken sa unit ni Rita. Lagi lang kasing sa lobby sila nagkikita, at hindi rin naman nag-insist si Ken na maka-akyat.
"Welcome, baby!" Sabi ni Rita pagbukas ng pintuan. Inikot ni Ken agad ang condo, napatigil siya sa bedroom.
"Wow! Nice place...Ang aliwalas at ang ganda ng design, baby. Parang gusto ko na lang tumira dito..." Umupo si Ken sa gilid ng kama.
"Luh siya!"
"Joke lang! Siyempre dun ka sa bahay ko titira noh, duh!" Hirit naman ni Ken.
"Ay iba rin, siya na agad nag-decide eh..."
Nilapitan siya ni Ken at niyakap siya mula sa likod.
"Sorry..."
"Ha, bakit?" Hinarap siya ni Rita, at tiningnan sa mga mata.
"Baka iniisip mo controlling ako eh..." May pangamba sa boses ni Ken. Kumunot naman ang noo ni Rita.
"Saan naman nanggaling yun? Ang seryoso mo naman, baby...Nagbibiruan lang tayo ha." Nanibago siya kay Ken. Ngayon lang niya nakita na ganito ito.
