Level Up: Epilogue

1.1K 42 17
                                    

A/N: The real last chapter. 😊 Thank you ulit sa lahat ng feedbacks, votes and comments niyo sa Level Up. Thank you for the love! Hehe. I hope you enjoyed Coach Ken and designer Rita's love story ❤️ Sa uulitin!

—————————————————-

"This is it." Malalim na huminga si Rita. Hawak-hawak niya ang bouquet ng flowers sa isang kamay, at nakapatong naman ang isang kamay niya sa tiyan niya. Hinimas-himas niya ito dahil naramdaman niyang gumalaw si baby. Excited din ata ito na makasal ang Mommy at Daddy niya.

Kasabay ng pagtugtog ng violin ang unti-unting pagbukas ng pintuan ng simbahan.
Dahan-dahang nagsimulang naglakad si Rita, isa-isang pinagmasdan niya ang mga mahalagang tao sa buhay nila ni Ken. Lahat sila, naka-ngiti lang at nakatutok sa bawat hakbang niya.

Niyakap ni Rita ang magulang niya pagka-abot niya sa kinatatayuan nila. Nag-simula na silang maglakad papunta sa harap ng altar. Nandoon si Ken, iyak ng iyak sa tuwa pero at hindi mapakali sa kinatatayuan niya, halatang aligaga na na makarating siya.

Pagkarating nila ay inabot ni Ken ang mga kamay ng mga magulang niya, niyakap ang papa at bineso ang mama ni Rita.

"Promise po, I will take care of Rita and our child. Mahal na mahal ko po siya..." Sambit ni Ken.

Hinawakan na ni Ken ang kamay ni Rita ng mahigpit, at ma-ingat siyang inalalayan papunta sa kinauupuan nila. Malambing niyang hinimas ang tiyan ni Rita para kamustahin ang anak nila.  Hinalikan niya ang kamay ni Rita. Hinaplos naman ni Rita ang mga kamay nilang magka-kapit.

"You may now kiss the bride..."

Hindi pa nangalahati sa katagang iyon si Father ay nai-angat na ni Ken ang veil ni Rita, at nai-lapat na niya ang labi niya sa asawa niya. Naghiyawan ang mga bisita nilang nanonood at nagtawanan. Napa-iling nalang si Father at sinimulan ang palakpakan.

Sa reception nila...

"Ladies and gentlemen, please welcome Ben&Ben!" Sabi ng host.

"What? Nandito sila? Akala ko yung hired band lang natin ang tutugtog?" Excited na tanong ni Rita at malambing na pinalo ang braso ni Ken.

"Surprise, baby! Do you like it?"

"I love it! Alam mo namang favorite ko sila... How?"

"That's why I asked them to play...They're a friend of a friend. Luckily, they're available..."

"Thank you, baby..." Mabilis na hinalikan ni Rita si Ken.

"Anything for the love of my life..."

"We'd like to call on the new Mr. and Mrs. Chan for their first dance...Congrats on choosing to spend the rest of your life together, this song is for you...Para sa lahat ng nagmamahal..." Pag-tawag sa kanila ng banda.

"Umaga na sa ating duyan
'Wag nang mawawala
Umaga na sa ating duyan
Magmamahal, oh mahiwaga

Matang magkakilala
Sa unang pagtagpo
Paano dahan-dahang
Sinuyo ang puso?"

Mabagal silang sumayaw sa gitna ng garden, bawat kembot nila ay na-aayon sa awit ng musika...

"Ok ba, baby?" Tanong ni Ken. Kinuha niya ang kamay ni Rita at nilagay ito sa dibdib niya, sa puwestong sakto sa puso niya.

"Sabi sa'yo baby, okay na nag-dance classes tayo...Galing-galing mo oh..." Pinisil ni Rita ang pisngi ni Ken.

"I have the best teacher naman kasi - you..."

Level UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon