"Hindi mo naman ako love eh. Ako nalang mag-alaga sa sarili ko..."
"Love kita... Kung hindi, eh 'di sana hindi ako nandito ngayon...Hindi sana ako umakyat ng bakod mo para lang makita ka. Sobrang nag-aalala ako sa'yo..." Sabi ni Rita habang hinahawi ang buhok ni Ken sa noo.
"Wait, umakyat ka ng bakod? Nakaya mo? Naks!" Nagawa pang mag-biro ni Ken.
"Oo naman, no! Expert na ko sa pagbubuhat ng katawan ko..."
"Sana true, naalala ko nung binuhat kita mula sa salas. Napilayan ata ako nun eh..."
"Hoy! Andami pa ring energy mang-asar?"
"Hmmp. Siguro pinuntahan mo lang ako dito para awayin kasi hindi ako nakapunta sa condo..."
"That's not true, my care and concern for you is genuine..." Depensa ni Rita.
"Hanggang saan ang care and concern mo? Girlfriend levels na ba?" May ngiting sabi ni Ken.
"Maybe..." Bulong ni Rita.
Napa-upo bigla si Ken, akala mo naturukan ng adrenaline shot.
"Pakilakas?" Excited niyang sabi.
"Ssshhh! Mahiga ka na muna. May lagnat ka pa..." Sumunod naman si Ken.
"Pabitin! So love mo nga ako?"
"Oo nga! Mamaya na yan. Asan muna mga towel mo or cold pack? Kailangan kitang punasan...." Tumayo si Rita at naghintay ng instructions ni Ken.
"Diyan sa drawer sa left side... No baba pa..." Pagturo nito.
"Ok na 'to ha. Eto gagamitin ko... Eh balde or something meron ka?"
"Tingnan mo nalang sa CR...Oh huwag ka na masyado magkalikot diyan, baka kung anong makita mo..." Sabi ni Ken.
"Hala! Bakit ano tinatago mo? Ikaw Ken ha..." Biro ni Rita.
"Wala naman... Hindi lang ako prepared ma-house raid..."
"Ikaw talaga, bababa muna ako. Umidlip ka muna, huwag pasaway..." Mahinang pinisil ni Rita ang pisngi ni Ken.
"Yes, Ma'am!"
...
Bumalik si Rita dala ang isang maliit na batya na may malamig na tubig.
"Ooohhh...ang lamig!" Sabi ni Ken ng maramdaman ang dinamping towel ni Rita.
"Ganun talaga, tiisin mo. Uminom ka na bang gamot?"
"Uminom lang akong paracetamol kagabi, pero hindi na ko nakababa ulit. Nanghihina ako eh..."
"Kawawa ka naman, pero nakakainis ka rin! Hindi mo ko tinawagan..."
"Bakit pa, busy ka naman kay Kim..." Sumimangot si Ken.
"Ano? Kim pa rin? Hindi ka pa rin naka-move on?"
"Balita ko kay Yam, nagkita kayo ulit eh...May pa-dinner daw."
"Despedida yun bago siya bumalik ng Canada. Kaya ba ang cold mo sa akin nitong nakaraang mga araw?"