Dahan-dahang binaba ni Ken si Rita sa kama.
Pagkatapos ay tumayo lang si Ken malapit sa may pintuan, walang ginawa kung hindi titigan ang kasintahan."Ang ganda-ganda talaga ng baby ko. Lord, ang swerte ko naman!" Pag-iisip ni Ken.
Nagkibit-balikat naman si Rita. Nakataas ang kilay niya kay Ken.
"Ba't tulala ka, baby?" Natatawang tanong niya.
Lumapit lang si Ken sa kama at umupo sa gilid malapit kay Rita. Humiga naman si Rita at akmang binalot ang kumot sa kaniya.
"Salamat sa pagbuhat sa akin baby, matutulog na ako..." Nilabas niya ang dila niya para mambelat, para bang nang-aasar.
"Sinong nagsabing matutulog tayo ha???" Hinablot ni Ken ang kumot, humiga siya at binalot ang kumot sa kaniya.
"Ikaw. Hahaha." Sagot ni Rita.
"Inusog ko lang, tatapon ko sa lapag..." Sabi ni Ken, na may pilyong ngiti.
"Huy! Bagong palit lang yan, loko ka..." Pagsita ni Rita.
Maayos namang tinupi ni Ken ang kumot sa dulo ng kama, lumapit at pinalupot ang mga braso niya sa bewang ni Rita.
"Want to play a game?" Tanong ni Ken.
"Monopoly?"
"No."
"Jackstone?"
"Huh? Meron ka?"
"Paborito ko yun larong yun nung bata ako. Andami kong pustahan na napalanunan noon. Nandun nakalagay sa isang cabinet mga lumang gamit ko...Minsan trip ko mag-laro eh." Paliwanag ni Rita.
"Cute mo! Sabi ko diba magwre-wrestling tayo..."
"Talo na ako, lakas mo kaya. Hmmp."
"Malakas sa'yo? Yieee." Hirit ni Ken.
"Hmm. True."
"Strip poker nalang?"
"Hoy!"
"Hindi ka marunong mag-poker?"
"Marunong, pero wala naman akong baraha dito. Ikaw ha, sugalero ka pala..."
"Sa'yo lang ako susugal, baby. Sana, ikaw din...I love you!"
"Na-isip mo pa yun? I feel the same way. I love you too..."
Isang halik na naman sa lips ang binigay nila sa isa't-isa.
"Alam ko na, strip jackstone nalang!"
"Bakit kailangan may strip na naman? Landi!"
"Alam mo na..." Kinindatan ni Ken si Rita.
"Pinahirapan mo pa sarili mo, pwede naman derecho mag-strip." Seryosong sagot ni Rita.
"Hala ang baby ko, gumugusto!" Aliw na aliw si Ken.
"Joke lang!"
"Anong joke? Dapat lahat ng sinasabi natin we mean!" Sabi ni Ken.
"Ikaw lang ba pwedeng humirit?"
"Oo! Wala na, masyado mo na akong pinaasa, baby... Nambibitin ka naman!"
Tumalikod si Rita kay Ken, sinimulan naman siyang kilitiin ni Ken mula tenga pababa sa bewang. Pinalo ng malambing ni Rita ang kamay niya at ginantihan ng kiliti si Ken sa kili-kili nito.
"Babyyyy!" Tawa ng tawa si Ken.
"Naka-ganti din!" Sigaw ni Rita.
Tuloy lang ang harutan nila. Ang strap ng sleeveless ni Rita ay nahuhulog na. Gulong-gulo na rin ang buhok ni Ken, palarong tinanggal kasi ni Rita ang t-shirt niya para lalo siyang makiliti.