SIMULA

114 3 0
                                    

SIMULA

"What is your Dream Ms. Erelah Everly?"

I smile widely as my teacher asked me for my dreams. I don't even think twice to tell it in my whole class.

"Ang maikasal po sa taong mahal ko. 'yun lang po ang pangarap ko po ma'am"

Nagtawanan ang mga kaklase ko at napapasapo naman sa kanyang noo at napapailing ang aming guro. I was in elementary when I think about it, and until now, it never changes. My dream stay the same.

That was the foolish of me. I was being dreamy. I always thought that I am living in a fairytale and my prince charming will catch me everytime I fall.

My little dream world got shattered into a thousand pieces possible and I found myself drowning in this painful reality of my life.

Where does my heart takes me? I've gone too far away.

So far that I lost my way.

And where does my fragile heart takes me? It leads me to you.

And you know what was the feeling?

It was Love In Sandness.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ugh, kayo na pala ni Ken. Bat di mo man lang sinabi sa'kin Yasmine?"

Tanong ko sa aking matalik na kaibigan. Nagkibit ito ng balikat.

"Pag sinabi ko sayo maiingit ka lang! Kukulitin mo lang ako na ihanap ka na ng boyfriend na naman. Haynako Erelah "

Aniya at umiling-iling. Napaisip din ako. Sabagay tama siya? Pano ba naman yung kadate ko na si Mark ginagamit lang pala ako. Tapos yung huling lalaki naman na akala ko magkakamabutihan na kami 'yun pala ay niloloko lamang ako at ang gusto lang pala ay ang virginity ko!

Kahit easy to get ako ni kailanman hindi ko ibinigay ang sarili kong puri ng ganoong kadali sa kahit na sinong lalaki ano!

"Oh huwag ka ng malungkot. Birthday ni Ken. May party mamaya sa bahay nila, sama ka?"

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Ok lang naman sakin kung magmahalan ang dalawang kaibigan ko na sina Yasmine at Ken. Ayoko lang makaramdam na napag iiwanan ako. Ayoko lang makaramdam na mag-isa.

"BILIAN MO NAMAN MAG-AYOS ERELAH. ABA AT ANONG ORAS NA!"

"OO ETO NA!! MATATAPOS NA!"

sigaw ko pabalik. Hindi kasi ako makapamili ng damit. Lahat kasi maganda sakin? Haha. Sa huli pinili ko na lang ang kulay puting bistida. Mukha kasi akong anghel kapag nakaputi ako hehe.

" -___-+ ikaw ba yung may birthday Erelah, masyado mo naman pinaghandaan!"

Tumawa ako rito at nag pose pose pa sa harap niya ayon at binatukan ako. Pag talaga itong si Yasmine kasama mo walang araw na hindi ka duguan. Buti nakakaya siya ni Ken? Sabagay mahilig naman 'yon sa mga sadista. Bagay talaga sila.

"Sorry. Ito kasing si Erelah ang tagal mag ayos jusko. Akala ko di na kami makakaabot."

Umirap ako. Sus, eh kung alam ko lang gusto niya lang makita agad itong si Ken at makasama na habang buhay.

"Haha ok lang. Halika papakilala ko kayo sa mga kaibigan ko."

Hindi maipagkakaila na may kaya ang pamilya nila Ken. Ang hardin nito ay sobrang lawak at engrande ngayon dahil sa birthday party na gaganapin. Nakita ko ang mga grupo ng mga kalalakihan na sa tingin ko'y mga kaibigan nga ni Ken. Nakita ko pa nga si Dylan. Ngumiti ito sa akin at kumway pa.

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon