FOUR

11 2 0
                                    

CHAPTER 4:
Apartment

"H-Happy Valentine's Day!"

Ngumusi ito sa akin at napahalakhak.

"Wow, this is the best gift I have ever received in my life.. aww"

Aniya then he hug me so tight. Humalakhak din ako. Hindi ko alam kung sarcastic ba yon pero nakakakilig haha.

I have a very big Ribbon in my head, and syempre nakatago ako sa isang malaking kahon at binalot ang sarili para iregalo kay Ren. Kinulit ko pa ang mga kaibigan para isupresa si Ren. Di naman ako nabigo, dahil lagpas hanggang langit ang mga ngiti nito sakin.

"Mabuti naman Ren nagustuhan mo. Ang hirap kayang gumawa ng kahon na magkakasya 'yang matabang si Erelah!"

Sinamaan ko ng tingin si Yas. Pang-asar naman niya akong tinignan habang nakalambintin kay Ken. Sus, akala mo siya hindi niya 'to ginawa eh sa kanya nga lang ako kumuha ng ideya. Ginawa niya kasi ito last year kay Ken so gusto ko sanang subukan naman kay Ren hehe

"Then, let's have a double date?"

Suggest ni Ken. yieeeE sa kanilang dalawa talaga ni Yas, si Ken ang masasabi kong pinaka romantic. Etong si Yas wala namang alam 'yan kundi manakit eh at mang-asar e. Tsk, tsk base on my experience haha.

We go to the semi bar restaurant to celebrate this Valentines. There, pwede kang kumanta dahil meron itong mini stage. You can also use instrument. Merong piano at guitar doon.

Noong matapos ang taong kumakanta ay nagulat kami noong biglang tumayo si Ren papunta sa stage. Nagkatinginan kaming tatlo at sinundot sundot naman ni Yas ang tagiliran ko habang si Ken ay tahimik lang habang may makahulugang ngiti rin sa labi.

"Yieeee ang sweet, tignan mo oh kakantahan ka ni Ren!" -Yas

Tumawa ako at itinuon ang mga tingin kay Ren habang inaayos ang guitar at ang mic habang naghahanda sa pagkanta.

"Hoy, ikaw naman pumunta ka rin doon sa stage. Sayawan moko ganon Ken. Ang pait mo tignan nandito ka lang sa tabi ko!"

Tumawa ako sa sinabi ni Yas.

"Mamayang gabi na kita sasayawan Yas hihi *smirk*"

Ayon at ang dalawa ay nagsimula ng magbanatan haha. Kawawang Ken, bugbog na naman kay Yas. Bugbog sa pagmamahal haha!

Natigil lang at tumahimik ang lahat ng tao noong magsalita na si Ren sa unahan. Diretso ang titig nito habang nakatingin sa akin, nakangiti at wala ni bakas ng kaba sa kanyang gagawin.

"I am dedicating this song for the special girl I love the most. Hope you like it, Happy Valentines Day Erelah."

Simple message yet so sweet and genuine. I can't stop smiling while watching him. No one ever makes me feel so embrace and special like this. He's the first guy who introduced me what true love is.

"Ren.."

"Ren... Ren, Ren!"

Tawag ko sa pangalan niya, na puno ng takot ang aking boses. Bakit? Bakit? Anong nangyayari? Bakit unting-unti siyang naglalaho?

"Ren, huwag kang umalis.
Ren, miss na miss na kita.. Ren, please bumalik ka na.. Ren.. Ren,"

Nanikip ang dibdib ko at unti-unti na rin akong nahirapang huminga. Napahawak ako sa aking dibdib at pinilit na pakalmahin ang sarili.

"ERELAH!!! ERELAH! WAKE UP!!"

"ERELAH!!!"

Para akong umahon galing sa pagkakalunod noong idilat ko ang mga mata at nakita ko si Yasmine na puno ng pag-aalala. Mabilis akong niyakap nito.

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon