NINE

5 1 0
                                    

CHAPTER 9:
Blind Date

"Ituloy mo ang date mo ngayong araw, sa coffee shop 3pm."

Umiling ako kay Yas. Ano pa at pupunta ako sa blind date? Wala rin naman magiging laman ang isipan ko kundi si Ren.

Ren dito
Ren doon.
Ren na lang kahit saan.

Kaasar ><

Ang daming dapat isipin at problemahin, pero ito at puro Ren na lang ang laman ng isipan ko simula noong magkita kami, ay hindi simula pa lang ng pumunta ako rito sa maynila!

"Ano ka ba naman Erelah? Can't you see? Nakalimutan ka na ni Ren. Nakalimutan na niya ang mga pangako niya, kaya tumigil ka na sa kahibangan mo. Di na siya babalik sayo, di ka na niya babalikan kaya mabuti pang kalimutan mo na siya at humanap ka na ng iba!"

Na ngilid ang mga luha ko sa sinabi ng kaibigan. For those years, I set my hope and faith on his words, I believe for his love, I never doubt it even once. Naniwala ako na babalik s'ya sa akin, naniwala ako sa mga pangako niya. Naghintay ako. Kahit na alam ko medyo tagilid na. Umasa ako na ako pa rin.. hanggang sa huli.

Girlfriend niya ako diba? Kasintahan niya ako! Hindi naman kami nag break. Sabi niya tutuparin lang niya pangarap niya eh..

Ngayong natupad na.. bakit bigla nawala ako sa mga plano niya sa buhay.

"How could you say those words to me Yas? You don't know how much I endure all those years waiting for him. Then? You will just tell me to forget Ren? Tangina Yas. Siya ang unang pag-ibig ko, siya ang lahat sa akin. Kaya.. paano? Paano ko siya makakalimutan kung itong puso ko gusto parin maniwala at maghintay."


Hindi ko na mapigilan hindi ang humagulhol.  Pilitin ko man ang sarili, kumbinsihin ko man ng paulit ulit ang sarili ko di ko parin magawa. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si Ren. Mahal na mahal, sa tingin ko nga ay baliw na ako sa kanya. Kaya kung mawawala siya sa akin ay mabuti pang mawala na lang din ako sa mundong 'to.

Hindi ko makita ang sarili ko kung wala si Ren sa buhay ko. Is this obsession? Is this wrong? I don't know. I really don't know anymore. Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko si Ren. Kung kailangan ko maghabol sa kanya, lumuhod at magmakaawa balikan niya lang ulit ako ay gagawin ko. After all we're still in a relationship right? I'm his fvckin girlfriend for god's sake!! Damn it.

"Alam mong concern lang ako sayo. Alam mo na ayaw kong nakikita kang nasasaktan. Erelah, please lang just.. give it a try? huh? Please.. just once. Kapag di nag work out sige.. hindi na ulit kita kukulitin"

Bumuntong hininga ako habang sumusuko na tumatango na lamang sa kanya. Ano pa nga ba? May magagawa pa nga ba ako?

"Thanks.. you know what, I am very happy that you have learned how to love faithfully in one person, but I never thought that I will wish right now that you shouldn't have changed at all. It never crossed my mind that I would pray that you should have stay the same, like the girl who falls in love at first sight in every man she met."

I never regret loving Ren, until now he owns every pieces of me. Para sakin, si Ren na ang una't huling lalaking mamahalin ko.

Wala akong pinagsisihan na kahit na ano, ni hindi ko rin hinihiling na sana ay tulad parin ako noon na sa kung kani-kanino naiinlove. Ngayon na nagmahal na ako ng tunay ay gusto kong panghabang buhay na ito. Hindi ko na ata kayang pang isipin na magmahal ng iba bukod kay Ren.

Noong umalis siya, matapat akong naghintay sa mga sulat niya at sinuportahan siya sa kanyang pangarap. Ipinagpatuloy ko ang pagpapadala ng sulat at pagtawag sa telepono pero dumating sa punto na itinigil ko na rin dahil nagbago na ang address niya, hindi na rin nito bigla sinasagot ang bawat tawag ko.

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon