CHAPTER 7:
Yuuki and Ren"Ito, ito mura 'to! Mas makakatipid tayo nito!"
Sabi ko at na eenganyo sa mga murang bilihin.
"Ah, Erelah I think the price is really indeed cheaper but.. uhm.. it looks like it won't last long for a day?"
Tinitigan kong mabuti ang mga napiling bibilhin namin, oh marami na nga siyang damage at.. mukhang naka ilang libong ulit na rin na repair ang mga gamit na ito para mabenta ulit.. pero kasi ang mura eh. 50 pesos, buy 1 take 1 pa!
"Doon na lang tayo tumingin ng paninda, it's not as cheaper as the price here pero masasabi kong mas affordable and good quality parin ang tinda roon."
Nagkibit ako ng balikat at hinayaan siya sa gusto niyang mangyari. Tama nga siya at mas maganda nga ang quality ng mga gamit dito, ok din naman ang presyo.
We buy only important things. Like, utensils, plates and other things for kitchen, tapos ay sofa, tv and refrigerator! Yay, and we buy also a microwave oven!
"Uwaaaaaa ubos na ang pera ko! OMG! wala pa kong trabaho Yuuki!"
Nagpapanic na sabi ko. I only have 5,000 pesos in my bank account right now. Kailangan ko na talaga maghanap ng trabaho ngayon din!
"Haha that's alright. Hati naman tayo sa renta eh."
Nanginang ang mga mata ko. Mabuti na lang at nandito si Yuuki at mas nakakatipid ako. Nandito kami sa star mall at namimili ng mga gamit.
"Tara doon oh! Bili tayo ng CD! Sale ang album ng Polaris!!!"
Aniya at nagmamadali akong hinila papasok sa music department. Marami kang makikita syempre related sa musical. May mga merchandise pa ng mga sikat na mga Muscian dito. Pero of course, Polaris is the most popular among those. Actually, they take almost all over the country.
"Wow! Mabuti meron pang isa single album si Ren!! Ang swerte naman natin!"
Kinuha niya iyon at buong galak na ipinakita sa akin. Ngumiti ako, pilit at hindi na nagsalita.
"Wait, I'll buy also their merchandise! And uwaaa poster ang gwagwapoo nila rito!"
Hinayaan ko siyang tumingin at lumibot. Ako naman ay natuod sa aking kinatatayuan. Napatulala na lang ako sa kaharap kong malaking poster kung saan may imahe ni Ren kasama ang ibang members ng Polaris. It was poster for their new album this year.. In the other side, I see the poster of one of the most popular soloist singer Nevaeh Amherst. In the poster, she was with Ren. It was a promotion for their first collaboration song.
The album sales are almost sold out. I couldn't be so proud of him. Masaya ako sa lahat ng mga karangalan na meron siya ngayon. Ang makita siyang nakamit na ang mga pangarap ay sobrang kinagagalak ng aking puso. But, I don't know why I feel so empty inside. I don't know why there are still parts of me that feel incompletely happy about it. Alam ko naman na masaya ako para sa kanya pero hindi ko maiwasan makaramdam ng pagkamuhi.
Dahil ba.. hindi niya tinupad ang mga pangako niya? Dahil ba hindi niya ako binalikan agad? Gayon'man ay alam kong mahal ko parin siya. Hindi nag bago. Ni hindi nagkulang, kundi mas lalo ko lang siya minamahal.
"Hey Erelah? Ok ka lang ba?"
Tsaka lang ako bumalik sa sarili noong tawagin ako ni Yuuki. Napailing ako. Fan na fan nga siya nito ang dami niyang binili eh.
"Ito oh, bumili rin ako ng iyo. Magaganda ang kanta ng Polaris. Sigurado magugustuhan mo rin yan katulad ko!"
Excited na sabi nito. Kinuha ko ang album ng Polaris at ang collaborating album niya with Nevaeh.
"Alam mo ba lahat ng kanta nila sobrang nakaka inspired! Gustong gusto ko talaga si Naoki, yung drumer nila! Ang galing nga. Syempre gusto ko rin si Ren kasi ang galing niya kumanta! Pati si Zero at Raizen galing mag guitar! OMG Idol na Idol talaga nila ako!"
Tahimik lang akong nakikinig sa mga kwento niya pero sa totoo lang lumilipad at hindi na ako makapag isip ng matino kapag tungkol na kay Ren ang pinag-uusapan.
"They're going to have a small fan gathering. The tickets are free!! Grabe, sikat na sikat na sila ngayon pero ito at may palibre parin para makita sila! Ilalabas ang ticket sa weekend, sigurado paunahan 'yon dahil limited lang ang ticket na ipapamigay. It will be like a concert too since mag peperform din sila. Ito ang huling main event nila dito, after that they will start a world tour. This year will be very tight schedule for them."
Magkakaroon sila ng fan gathering? Gusto ko sana pumunta. Ang problema hindi ko pa kayang makita siya. Nagdadalawang isip ako. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling magkita kami.
"Erelah, ikaw? Mahilig ka ba sa mga banda? Fan ka rin ba ng Polaris?"
I do love music, But I love the music that Ren sing the most.
"Oo.. mahilg din naman ako sa music."
Simpleng sagot ko rito.
"Talaga? Sa totoo lang ang Polaris ang naging inspiration ko para ipursue ang pagkanta. Noong nagsisimula pa lang sila, suportado ko na sila. Si Ren, ang pinaka nagbigay ng pag-asa sa akin para ipagpatuloy ko itong pagkanta ko. Sana, katulad niya matupad ko na rin ang pangarap ko."
Inakbayan ko ito at pinisil ang kanyang pisngi. I haven't even heard her sing, but it's enough to tell that her voice is beautiful just by hearing her speak and talk. Katulad noong makilala ko si Ren, magsalita pa lang ay parang kinakanta na ang mga salita. They also have this powerful determination, no doubts that she will make her dreams come true in the near future.
"For sure, matutupad mo rin yang mga pangarap mo. I will be your first and biggest fan Yuuki. Siguro, mamaya bigyan mo na ko ng autograph? Haha"
May trabaho pa si Yuuki, at hindi rin siya makaka-uwi agad dahil may gig pa siya mamaya. Pinapapunta niya nga ako, pero titignan ko pa. Kapag nakahanap ako agad ng trabaho, baka nga pumunta ako sa gig niya at panoorin siyang kumanta.
"You can start working tomorrow morning. Make sure you'll be on time."
Halos magtatalon ako sa tuwa noong matanggap ka'agad ako sa isang restaurant.
"Thank you so much po ma'am. I will work hard po."
Maaga pa, at makakapunta pa ako sa gig ni Yuuki. I didn't text her na pupunta ako para isupresa siya.
Maraming ng tao at mukhang sikat nga itong si Yuuki kasi siya ang laman ng usapan. Napangiti ako dahil hindi nga malabo na maabot niya ang kanyang pangarap na maging sikat na Muscian.
Dahil hindi pa naman nagsisimula ay naisipan ko na muna pumunta sa CR. Habang naglalakad, hindi ko inaasahan na makikita ko si Yuuki. Tatawagin ko na sana noong may biglang lumitaw na lalaking naka cup at sunglasses.
"Ren?"
Tahimik sa bandang lugar na ito, kaya rinig ko ang pagtawag ni Yuuki sa pangalan nito.
Wait, Ren?
"What are you doing here Ren? Baka may makakita sayo!"
Nagtago ako sa gilid dahil nakitang kong nagsimula silang magmasid kung may tao ba sa paligid.
"Sorry Yuuki. I have something to talk to you.."
Nanikip ang dibdib ko. Alam ko at may ideya na ako. Pero ngayon, kumpirmado na. Ang lalaking ito ay si Ren Zindler.
Damn. How I miss to hear his voice!
"Oh, I see. Pero bago 'yan bigyan mo ko ng ticket sa fan gathering niyo?"
Narinig ko ang pagtawa ni Ren. Hinawakan niya ang kamay ni Yuuki at hinila na ito paalis. Gusto ko pa sana sundan sila at makinig kung ano ba ang pag-uusapan nila.. kaso nanghina na ang aking tuhod.
Si Yuuki at si Ren?
Bakit? magkakilala sila?
Bakit sila magkasama?
Napapikit ako ng mariin. I like Yuuki so much as my friend now.* I can't.. hate her just because.. of Ren.*
BINABASA MO ANG
Love In Sadness
Teen FictionLOVE IN SADNESS AUTHOR BY: borapurple21 Erelah Everly is a provincial girl who only dreams of marrying the person she truly loves. She's also the kind of girl who tends to love at first sight, in short,'marupok'. Not until she meets Ren Zindler, who...