TWENTY ONE

8 1 0
                                    

CHAPTER 21:
Let it be me

After my break-up with Ren Zindler, I turned myself back at my old self again.

Such a stupid for loving someone faithfully when my heart can afford to love one after another. From now on, I'm not going to steady with just one person.. I'm not going to let my heart again be in love only to break it apart.

Ren, I won't mourn for you.

Why would I waste tears?
Why would I feel sad?
Why I should be the one to be miserable here?

S'ya ang nang iwan sa akin. Mas pinili niya yung kaibigan niya kaysa sa akin. Mas mahal niya kaysa akin! Tangina niya! Napaka walanghiya niya.

Kung mas mahal niya pala yung kaibigan niya, sana hindi na siya bumalik at pinaasa ako! Eh ano kung pumunta akong manila? Ano kung pumunta nga ako para sa kanya? Ano? Naawa siya? Potangina. Naawa lang siya? Grabe. Naghintay ako ng parang tanga sa probinsya eh. Kahit na alam ko ghosted na ako, umasa ako na baka busy lang siya sa debut niya, sa buhay professional musician niya.. pala sa ibang tao na pala busy.

Habang tinutupad pala niya ang pangarap, may minamahal na rin pala s'yang iba. At nasaan ako ron? Nasaan ako sa pangarap niya? Sa puso niya? Wala na.

Ngayong bumalik ako, pumunta ako sa maynila kahit sana paliwanag na lang niya, closure man lang sa pinagsamahan namin billang magkasintahan noon. Dahil noong iwan niya ako, girlfriend pa rin naman niya ako. Hindi naman kami nag break. Pagkatapos bumalik nga s'ya. Pinaniwala na naman niya ako na mahal niya pa rin ako. . nag suot pa siya sa daliri ko ng singsing hindi naman pala niya kayang panindigan.

Sa huli mas pinili niyang saktan ako, kaysa ang masaktan ang kaibigan niyang si Nevaeh.

"Whooooaaahhh"

I shouted like there's no tomorrow. Nandito ako ngayon sa bar, nagpapakasaya. What? It's been a week since my break up with Ren. It just feel so good to be this free and wild again. Hindi ko ito nagawa noon.. dahil ang puso ko masyadong faithful sa taong pinaghintay at pinangakuan lang ako pero sa huli ay sasaktan at iiwan lang din pala ako sa huli. Sinayang ko ang mga ganitong pagkakataon sa kakahintay.

Now that he's gone in my life? I will be the same girl again who falls in love at first sight in every man she met again. Tutal noon pa naman malandi na ako at marupok na. Kaya bakit ako magpapalugmok at iiyakan yung taong sinayang lang ang pag-ibig ko?

Minsan na nga lang magmahal ng seryoso, ganito at sinaktan pa ako.

"Hi miss."

Nilingon ko iyong lalaking sumasayaw sa gilid ko. Nakangisi ito sa akin habang malagkit ang mga tingin. Tumaas ang kilay ko ngunit inentertain ko naman ito. Bakit hindi? Cute naman siya.

"Hi, may girlfriend ka na ba?"

Humalakhak siya sa ibinulong ko sa kanya. Dahil mas maririnig niya ako ng malinaw kapag ibinulong ko sa kanyang tainga ang sasabihin. Malakas kasi ang tugtog dito sa bar.

Nagulat ako noong bigla nitong hinapit ang baywang ko palapit sa kanya. Nakangisi parin ito sa akin habang pumupungay ang kanyang mga mata. Suminghap ako at medyo inilalayo siya sa akin dahil hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa niya ngayon dahil hindi lang niya ako hinahapit palapit sa kanya hinihipuan niya na rin ako! Manyakis at bastos naman pala!

"Wala naman akong girlfriend, pwede bang ikaw na lang?"

Bulong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Cute sana 'to eh kaso bastos naman! Alam kong marupok at malandi akong tao pero hindi ako tanga na papayag na ganituhin ng mga lalaki!

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon