FIFTEEN

6 0 0
                                    

CHAPTER 15:
Just Love Me

I slowly open my eyes, still I can't forget the looks on Raizen's eyes. Somehow, there's inside me that feel so bothered.

Napabuntong hininga ako. Ang aga-aga at ang lalaking 'yon ang naiisip ko. Kamuntik ko ng makalimutan ang tungkol sa hindi pagdating ni Ren sa aming pagkikita.

Bumangon na ako at niligpit ang hinigaan. Paglabas ko ng kwarto ay laking gulat ko noong makitang naka upo si Ren sa sofa at tahimik na nagkakape. Napakurap-kurap ako.

"Ren?"

Tawag ko rito na agad namang lumingon sa akin. Agad niya akong binati ng kanyang ngiti at lumapit sa akin.

"Good morning, anong gusto mong breakfast? Ipagluluto kita."

Hinila niya ako at iniupo sa bangko at pumunta sa kusina para maghanda ng lulutuin niya.

"Scrambled egg or sunny side up?"

Sigaw nito mula sa kusina. Tumayo ako para puntahan siya roon. Nakasuot na ito ng apron ko na kulay purple. Ang cute niya tignan. *--* nakalimutan ko ng inindian niya ako kagabi.

"Scrambled egg. Ako na ang magluluto Ren? Magpahinga ka na lang. Alam kong wala ka pang pahinga simula noong nag concert kayo."

Nag aalala kong paanyaya rito. Umiling ito sa akin at nagsimula ng magpirito.

"Hindi na Erelah, isa pa pangbawi ko na ito sayo.."

Aniya sa malungkot na boses. Ngumiti ako dito at umiling.

"Ok lang Ren. Wala naman sakin iyon, ang importante nandito ka ngayon? Hehe"

Pinisil nito ang aking ilong at napahalakhak. Somewhat, it feels so good and peace. The pain that I am feeling last night have just vanish.

"Hindi ka ba galit sakin?"

Medyo nagulat ako sa tanong niyang iyon pero agad din naman akong nakabawi.

Galit? Bat naman akong magagalit? Siguro naiinis? Naiirita ako? Naghintay ako ng matagal pagkatapos ay malalaman ko lang na kaya hindi niya ako napuntahan ay dahil lang sa nag away sila ni Nevaeh.

But it doesn't matter anymore. Lahat iintindihin ko, uunawain ko siya ng buong puso kahit na gaano pa ito kakumplikado. Kahit na anong pang pagkakamali niya, patatawarin ko siya.

"Hindi, masaya ako at nandito ka at kasama ko ngayon. Masaya na ko 'non Ren."

Pinatay niya ang kalan at hinarap ako, ang mga mata niya ay napuno ng kakaibang kalungkutan at pinaghalong pagod habang nakatitig sa akin. Niyakap niya ako at malalim ang bawat paghinga.

"Ren.."

Tawag ko dito. Bigla ay gusto ko na lang na yakapin at ikulong siya sa aking bisig.

"Erelah, can you please be honest to your emotions? Kung galit ka, kung naiinis ka, kung malungkot ka.. ipakita mo sakin. Kasi.. nahihirapan na kong, makita ang mga ngiti mo habang iba ang sinasabi ng iyong mga mata sakin."

Nagulat ako sa sinabi nito, hinaplos niya ang aking pisngi.

"Patawarin mo ako at pinaghintay muli kita.."

Tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam na mabigat pala para sakin ang lahat. Hindi ko alam na masakit at nasasaktan pala ako. Ni hindi ko 'yon namalayan. Dahil hanggat maaari ay ayokong ng isipin pa ang mga bagay na alam kong makakasakit sakin. Hanggat maari pinipigilan ko makaramdam ng ganoong emosyon..

Kaya ngayon, nang sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon tsaka ko lang na realize na marami pala akong kinikimkim sa aking dibdib.

"Ren.. sobrang sakit.. sobrang nasasaktan na pala ko.. pero ok lang, ok lang sakin dahil mahal na mahal kita. May takot na rin sa aking puso na baka sa susunod na paghintayin mo ulit ako.. baka baka hindi mo na talaga ako balikan. Natatakot ako Ren.. natatakot akong tuluyan kang mawala sakin."

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon