CHAPTER 13:
HappinessNatatakot akong magising sa aking pagtulog, baka kasi lahat ng nangyari ay isang panaginip lang. Na baka kapag idinilat ko ang mga mata ko ay baka hindi ko na makita pa si Ren. Masydong mabilis ang mga pangyayari na para bang hindi na makatotohanan ang lahat.
Ang mainit na sinag ng araw ay tumama sa aking mukha, bigla ay naramdaman ko ang marahang paghaplos ng isang tao sa aking pisngi. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita si Ren na pinagmamasdan ako. Ngumiti ito sakin at hinalikan ang noo ko.
"Good morning."
Mabilis akong napatakip sa aking mukha. Uwaaaah nakakahiya!!! ><
Huwag niyong sabihin kanina pa siya dito? Pinapanood akong matulog? Uwaa mamaya may tulo pa ako ng laway, ang pangit ko pa! Hindi pa ako nakakapag-ayos at nagpapaganda. Nakakahiya ka talaga Erelah! Ngayon na nga lang kayo nagkasama at nagkita ni Ren hindi mo pa nagawang mag-ayos! Baka iwan ulit ako ni Ren? Kasi ang pangit ko matulog, may panis na laway pa! Aaahhhhhh end of the world na talagaaaaaa><
"Pfft, hey are you shy? Haha. Don't worry I love your morning face and your snore while sleeping hahha!:D"
Mas ibinaon ko ang mukha sa unan. Nakakahiya. Humihilik pa pala ako habang natutulog!
"Erelah, look at me.."
Hindi ko ito pinansin. Ayoko ngang makita niya na ganito ang itsura ko. Baka maturn off siya at bawiin niya pa ang mga sinabi sakin. Oh, and speaking of the ring! Mabilis kong hinagilap ang kamay ko kung saan suot ko ang singsing na bigay sakin ni Ren. Maganda ito at kumikinang. Mukhang mamahalin pa nga, hindi na sana siya nag abala dahil ok lang naman sakin kahit mumurahin at simpleng singsing lang ang ibigay niya. Ang importante ay iyong ikakasal na kami at magsasama na habang buhay!
Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at hinarap ako sa kanya. Ngumiti ito at pinisil ang aking pisngi, hindi ko tuloy maiwasan mapanguso sa ginawa.
"I have to go now, may flight kami para sa world tour concert. It might takes a month.."
Oo nga pala! Nakalimutan ko na ang tungkol dyan, kaya pala at ayos na ayos na siya ngayon. Aalis na naman pala siya, hindi na naman kami magkikita.
"O-ok. Uhm, mag-ingat ka hah? Tsaka ano galingan niyo sa performance niyo Ren."
Ginulo niya ang buhok ko. Ito na naman at ginagawa niya akong aso!
"Yea. Take care of yourself too, my Mrs. Zindler."
Pakiramdam ko walang ng ipupula ang mukha ko sa sinabi niya. Nagwawala ang puso ko sa sobrang kilig at galak sa itinawag sakin ni Ren. Feeling ko tuloy, talagang ikinasal na ko sa kanya at mag-asawa na kaming dalawa!
"Ok, sweet couple hinahanap na kayo sa labas."
Si Yuuki na may mapaghiwatig na mga ngiti sa labi bago lumabas ng kwarto. Nagkatinginan kami ni Ren, napailing ito at natawa. Hinila na nito ako sa kama at siya na mismo ang nagsuklay at nag-ayos sa aking buhok.
"Pwede ka ng hairstylist haha"
Biro ko dito, he sexily raise his eye brows to me, pagkatapos ay sinundot sundot niya ang tagiliran ko kaya hindi ko mapigilan hindi mapahagalpak sa tawa.
"Sabi ni Yuuki bilian, hindi maglandian!"
Sabi ko rito at kinurot niya ang ilong ko.
"Ugh, Kung isilid na lang kita sa maleta Erelah? Para naman hindi na ulit ako mangulila sayo."
BINABASA MO ANG
Love In Sadness
Teen FictionLOVE IN SADNESS AUTHOR BY: borapurple21 Erelah Everly is a provincial girl who only dreams of marrying the person she truly loves. She's also the kind of girl who tends to love at first sight, in short,'marupok'. Not until she meets Ren Zindler, who...