SIXTEEN

4 1 0
                                    

CHAPTER 16:
Thank You

Dumating na ang mga kabanda ni Ren. Hindi ko aakalain na may dadalin na girlfriend itong si Zero!

Non-showbiz girl ang kasintahan ni Zero. Aniya magka childhood best friend sila nito at noong magkaroon ng pagkakataon na magkita muli ay hindi niya na pinalagpas ang pagkakataon para ligawan at maging kasintahan ang kaibigan. Hindi naman siya nabigo dahil parehas naman sila ng nararamdaman.

"Uwaaah ang sweet naman ng love story niyo Shanon! Sana yung isa rin dyan marealize niya na ang swerte niya at may babaeng katulad ko na nagmamahal sa kanya!!!!!!!"

Nagtawanan kami kahit naman hindi sabihin ni Yuuki kung sino iyon ay alam na namin dahil halata naman na si Naoki ang pinariringgan niya eh. Kung makatitig ba naman kay Naoki parang sumisigaw ito ng 'HOY, IKAW 'YON NAOKI , HUWAG KANG MANHID!'.

"We can date instead Yuuki if you want haha."

Nilingon ko si Raizen na nilagok ang alak. Naka ngisi ito kay Yuuki na para bang nang aakit, imbis na kiligin si Yuuki ay kinilabutan lamang ito na siyang nagpatawa sakin.

"No thanks Zen. I don't date a womanizer."

Humalakhak si Raizen at napailing-iling sa sinabi ni Yuuki.

"Then, if Naoki ask you for a date will you say yes? But you know Naoki is not as different as me. The only differences was that asshole pretending to be an angel."

Sinapak ito ng pabiro lang naman ni Naoki habang napapasapo sa kanyang noo sa mga sinabi ni Raizen tungkol sa kanya.

"What the fuck Zen. At least I am not rebellious as you haha. I can maintain my image as a good and loyal one"

Nag poker face ako. Is this alright to say it infront of Yuuki? Tinignan ko si Yuuki na napayuko na lamang at tahimik na ininom ang alak at hanggang sa sinundan niya pa ito ulit at hindi na nga nag papigil pang magpakalasing.

Tinignan ko si Naoki na walang paki sa kung ano man ang nararamdaman ni Yuuki ngayon dahil sa sinabi niya. O ni hindi ba pumasok sa kanyang isipan na baka masaktan si Yuuki sa mga sinasabi niya.

Huh! How insensitive this man can be. Wala ngang pinagkaiba kay Raizen!

Akala ko pa naman ay matino ang isang ito, mukhang si Ren at Zero lang ang masasabi kong may paninindigan dito!

"Yuuki can find another man who is worth of her love. Not like those disgusting one who only knows is to break women's heart."

Sabi ko at pinagtaasan ng kilay si Naoki. Naramdaman ko ang paghawak ni Ren sa aking kamay na para bang pinipigilan ako sa mga maari ko pang sabihin at gawin.

Hindi ko na kasi mapigilan. Naiinis ako dahil imbis na pahalagahan niya ang pag-ibig na binibigay ni Yuuki para sa kanya ay binabaliwala at binabasura niya lamang ito. Kung hindi niya pala gusto si Yuuki, at least magbigay naman siya ng kahit na konting konsiderasyon sa mararamdaman ng tao.

"Its alright Erelah. It's not that he's at fault. I'm the one who chose to fall in love though."

Aniya sa malungkot na boses. Hindi na ako nakapag salita pa. Sinamaan ko na lang ng tingin si Naoki. Kung pwede ko lang irant ang isang 'to pasalamat siya at mabait si Yuuki! Nako kung hindi makakatikim pa siya sakin ng mga matitinding salita!

"Enough of it, nandito tayo para magsaya diba? We're having a celebration for the success of our concert and also for Ren and Erelah's Engagement."

Ngumiti sa amin si Zero at kinindatan ako. Tumawa ako dito at napatango.

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon