TWENTY

5 1 0
                                    

CHAPTER 20:
Break up

"Damn Ren! How dare him to do this to you!"

Galit na galit si Yuuki noong dumating, Lalo na noong makita niya akong umiiyak. Agad niya akong dinaluhan pagkauwing-pakauwi nito.

Raizen was busy on his cellphone. Panay ang tunog at tawag mula roon.

"Yuuki, please take care Erelah. I have to go now. Nagkakagulo na sa agency."

Aniya. Tinignan ako nito pero wala na kong narinig pang salita sa kanya ay nagmamadali na itong umalis.

"Mabuti na lang at nandito si Raizen. Agad niya akong tinext, kaya nagmadali akong umuwi."

Ngumiti ako dito at niyakap ang aking sarili. Hindi parin matigil ang mga luha. Gulong-gulo na ang isipan ko at hindi na ako makapag-isip ng matino. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.

Ren.. ano na ba itong nangyayari?

Hindi ko na alam. Sa totoo lang hindi ko na talaga alam. Akala ko ngayon nagkabalikan na kami ni Ren, magiging ok na ang lahat. Ni hindi pa nga namin na aannounce ang tungkol sa engagement namin sa publiko tapos may mga ganito ng pangyayari! Paano na namin 'to masasabi? Maipapaalam sa publiko? Kung mas pinapatunayan at binibigyan nila ng dahilan ang mga tao na may relasyon sila!

"Erelah, Huwag kang mag-alala.. a-ano sigurado may dahilan si Ren. Nagkausap na ba kayo?"

Nagkausap? Kailan? Kagabi ba?

Eh ngayon? Ngayon na may lumabas na issue na ganyan, na isip niya ba ako? ni pumasok ba sa kanyang isipan na nasasaktan ako ngayon?

Napapaisip tuloy ako, kung lahat ba ng mga sinabi niya totoo. Yung mga pangako niya ba matutupad pa ba namin 'yon. At kung mahal niya pa ba talaga ako? Para kasing naguguluhan na lang siya sa nararamdaman niya noong dumating ako. Para bang noong bumalik ako sa kanya, noong nagkita kami, noong nalaman niya na nandito ako sa maynila ay responsibilidad niya na lang ako.

Muling may nag doorbell. Hindi ko aakalain na sila Yas at Ken iyon. Umiiyak na niyakap ako ni Yas.

Hindi ko alam kung gagaan ba ang loob ko dahil nandito si Yas na umiiyak o ano. Kaya ayokong magsasabi sa kanya ng mga problema, mas emosyonal pa kasi sya sakin.

"What's happening with Ren? Ano iyong binabalita na naghalikan sila noong Nevaeh na iyon? Ang kapal ng mukha niya! Engage na kayo, gumawa pa ng iskandalo!" -Yas

Galit na galit si Yas. She looks like she's ready to start a war right now. Pinakalma naman siya ni Ken.

"That might be a fake news. Hindi naman masyadong kita ang mukha noong lalaki sa litrato." -Ken

Nag aalinlangang tumango si Yuuki sa sinabi ni Ken. Kung paano sila magsalita ay para bang mas kinukumbinsi pa nila ang mga sarili na 'sana nga ay hindi iyon si Ren.'

I want to believe it too. But you know, I saw him in that party together with Nevaeh. Hindi naman ako bulag at mas lalong hindi ako ulyanin. Kung itatanggi niya nga iyon sa akin at sabihin na hindi siya ang nasa litrato at wala siya sa party na iyon ay hindi na ako mag dadalawang isip pang hiwalayan at tapusin ang relasyon naming ito.

Dahil kung totoong mahal niya nga ako ay hindi niya kailangan pang maglihim at itago ang mga bagay na iyon sa akin.

Tsaka, halata naman sa litrato na kinunan noong gabing iyon eh. Kahit pa hindi ganoon makita at kalinaw ang mukha noong lalaki sa litrato ay alam kong siya 'yon. Sa tindig at kasuotan pa lang alam ko na si Ren iyon.

"Huh, recently I just so happy na binalita mo sakin na nag proposed na sayo si Ren. Akala ko talaga matino siya, akala ko hindi ka na niya sasaktan, akala ko pa naman. Umasa ako na mapapasaya ka na niya ngayon Erelah. pero ano 'tong ginagawa niya sayo? Palagi ka na lang umiiyak ng dahil sa lalaking 'yan! Palagi ka na lang niya nasasaktan!"

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon