TWO

20 2 0
                                    

CHAPTER 2:
Promise

"Pupunta ka ba sa gig ni Ren mamaya?"

Yasmine casually asked me. Its been awhile. This is our last year in High School. I met Ren in my 8th Grade, year 2012. Now finally at gagraduate na rin kami. Huh, mabilis lang talaga lumipas ang mga araw. Ni hindi mo man lang maiisip ito na pala yung mga pagkakataon na kailangan nyo na maghiwalay at magkanya-kanya.

"Oo.. anong oras at saan ba?"

Ngumiti sakin ang kaibigan. Napayuko ako at nakaramdam ng lungkot. How can she smile like that, when they are all going to leave me behind.

"Are you still sad about it Erelah? Dadalaw naman kami dito. At isa pa palagi kitang tatawagan at padadalhan ng mga sulat. At syempre pagnakapag tapos ka na ng college, sumunod ka samin sa maynila."

Tumango na lang ako sa sinabi nito. I really want to go together with them. Go to manila, and be with my friends. Syempre ay gusto ko rin ituloy sa maynila mismo ang pag-aaral ko.. pero hindi pupwede. Dahil hindi ko kayang iwanan mag isa rito si mama lalo pa't may sakit ito at kailangan niya ako. Kailangan niya ng may mag-aalaga. Wala naman maaasahan sa pamilya kundi ako lang din naman. Ang kuya ko ay nag tratrabaho at may sarili ng pamilya. Ang papa ko... may iba ng pamilya. Ako na lang ang meron si mama. I can't just leave her here alone.

Kaya.. Walang kasiguraduhan kung makakasunod pa nga ba ako sa kanila sa maynila. Ugh! I should not feel so sad about it but still... I can't help it.

I dress casually. I am going to see Ren. He's been doing gigs in almost every day. Nakakatuwa nga dahil may tinatago pala siyang talento. Magaling kumanta, magaling sa lahat ng instruments. Yes, Ren know how to play piano, any kind of guitar, he even know how to play saxophone and clarinet. As long as violin too. Can you believe it? He is born talented guys. Maganda ang boses at marunong din sumayaw. Tell me is there something he can't do at all?

Standing right in the midst of this crowd, where Ren is performing now. I felt like he is too far to be reach by someone like me. He has a big dream, he wants to be a professional musician, while me? I only wanted to be a housewife where I can serve and love my husband. Too simple as that. I don't think I can match for his dreams. I don't think I'll be able to do that for him at all.

While watching him singing I can't help to be teary eyed. Pakiramdam ko palaging may gap sa mga puso namin, pero noong tignan niya ako, noong magtama ang mga mata namin ni Ren habang nag peperforme siya sa stage, the gap that I am feeling have just vanish. Dang, I want him all by myself.

"Ahh ang galing mo talaga kumanta Ren! Grabe, ikaw ang kumanta sa araw ng kasal namin ni Kennie huh?"

Tumawa ang mga ito at ako'y nanatiling tahimik lamang. I just watched them silently and passionately. I don't want to forget this moment. I want to memorize it and cherish it from the bottom of my heart.

"Sure, why not Yasmine. It would be my pleasure to sing in your wedding day "

Aniya sabay tingin sa akin at ngumiti. I really do love his smiles. He always has this very genuine smile. There’s no doubt why so many women fall for him so hard.

"Your so quiet Erelah.." - Ren

Nagkatinginan silang tatlo sa akin. Ngumisi na lamang ako pagkatapos ay umiling at sinubukan na maging masaya at energetic para sa gabing ito.

"Oh ikaw na maghatid sa mahal naming kaibigan Ren huh?"

Yasmine said. Umirap ako. Ito naman alam na alam kung ano kahinaan at gusto ko!

"Siguraduhin mong iuuwi mo si Erelah Ren."

Tumawa ako kay Ken na pinag babantaan na ang sariling kaibigan. Umalis na nga ang dalawa dahil may pupuntahan pa silang family dinner. Oo, baka nga magpakasal na rin yan dalawa. Ang kaso ang alam ko ayaw pa ng pamilya ni Yasmine dahil gusto na muna nila ito makapagtapos ng kolehiyo.

"Hey"

I almost forgot that I am with Ren. Napatingin tuloy ako sa kamay niyang nakahawak na ngayon sa aking kamay na siyang nagpatigil sakin maglakad.

"Are we cool? Did I do something wrong?"

Ngumiti ako rito at umiling. Wala naman, wala nga ba? Eh kung wala naman pala Erelah bakit nagkakaganyan ka? Bakit naiinis ka? Bakit hindi mo matanggap na aalis na siya pagkagraduate niyo.

Gustong gusto ko makipagtalo sa kanya at sabihin na huwag na siya umalis pa. Gustong gusto kong sabihin na manatili na lang siya at ako na lang ang piliin niya. Pero bakit ko gagawin iyon kung ito ang pangarap ni Ren? May malaking pangarap siyang gustong matupad at hindi niya iyon matutupad kapag ako ang pinili niya. Isa pa bilang isang girlfriend niya dapat lamang ay suportahan ko siya sa mga gusto. 

Pero ang hirap pala. Ngayon pa nga lang iniisip ko na aalis din ito papuntang maynila ay na ngungulila na ako. Paano ko pa makakaya sa araw na lumisan na s'ya? Sila ng mga kaibigan ko.

"You're not answering me Erelah. If there is something wrong, just tell me.."

"I.. don't like you to act so cold to me. "

Sa ilang taon, at hindi man ganoon katagal masasabi kong nakilala ko ng lubusan si Ren. He is a very nice person and someone who works hard for his dreams. He is kind and gentleman too. Those are good reason to be head over heels to Ren but I have no concrete reason why do I love Ren this much. I only know that this feeling is so true and genuine.

"There's so many stars in the sky Ren, It looks.. beautiful."

That was an excuse. Dahil pakiramdam ko ay maiiyak na ako ano mang oras. Dahil kung hindi ako titingala ay hindi ko mapipigilang hindi tumulo ang mga luha. I am too emotional. I am so selfish. Because the truth is I really want him all by myself and I just wanted him to give up his dreams and choose me.

Nagulat ako noong yakapin niya ako at siniksik sa kanyang dibdib. Hindi ako makagalaw. Ito na naman at nababato na naman ako sa kinatatayuan ko. Habang dinig na dinig ko rin ang bilis ng pintig ng kanyang puso.

"I, Ren  Zindler will promise to love Erelah Everly only. I am not going to look at any other woman but only to my only love Erelah."

He smiles at me then he holds my hand and make it into a pinky swear.

*We made a promise that night.*

"Ease all your worries Erelah. Because I'm all yours, That's a promise."

*Those are the words I hold dear 'till the very end.,*

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon