CHAPTER 27:
I still want.Napapangiti ako habang tinititigan si Yuuki. Pano kanina pa niya niyayakap at pinupunas-punasan ang trophy ng banda nila. Like she can't still believe that they won the music battle yesterday against Nevaeh.
And speaking of her, she's now ok with Ren. That's what she told me. Ang sabi niya hihingi raw ng tawad sa akin si Ren sa ginawa niya, busy lamang dahil nasa ibang bansa pa rin sila hanggang ngayon sa promotion ng kanilang album. Well, para sa akin wala na iyon. Anim na buwan rin naman ang nakakalipas yung sakit at pighati unti-unti na naghihilom.
"Busy pa rin ba kayo ngayon? Gusto ko sana mag celebrate tayo!"
Nilingon ako ni Yuuki, kuminang ang kanyang mga mata ngunit agad din napalitan ng lungkot. Ngumuso ito sa akin.
"Huhu may pupuntahan kaming event ngayon. May mga bagong investors ang company ng entertainment namin so we have to be there."
Bumuntong hininga ako. Since they started their debut, walang araw ata na hindi sila naging busy. Although I'm very happy that they have a lot of opportunities for their band, syempre hindi ko pa rin maiwasan ang malungkot kapag ganito busy silang lahat at naiiwan ako mag isa.
Lumapit sa akin si Yuuki at niyakap ako, nanlalambing. Humalakhak ako noong sinimulan niya sundutin ang tagiliran ko.
"Babawi ako sa'yo Erelah. Susubukan ko makauwi ng maaga. So that we can still celebrate."
Aniya sabay kindat sa akin. Lumayo ito noong tumunog ang kanyang cellphone. Pinanood ko s'yang sagutin iyon.
"Talaga? Oh sige! Oh s'ya Gin pumunta kayo rito. Sunduin niyo kami."
Buong galak na lumapit sa akin si Yuuki. Kulang na lang tumalon at pumalakpak s'ya sa sobrang saya.
"My gosh. You can come with us, Erelah! Halika na't magbihis na tayo. Susunduin tayo nila Gin, pupunta tayong event! Biliss!!"
Napakurap-kurap ako sa kanyang sinabi. Teka lang, hindi maiproseso ng utak ko yung sinasabi ni Yuuki ngayon. Ako? Isasama nila? For real? Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o na eexcite.
"Ok lang ba? Nakakahiya naman. Baka--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil mabilis niya akong pinutol.
"Yes, of course its very fine to come Erelah. Sabi ko kasi ipagpaalam ka kung pwede magsama ng iba sa event, ok lang naman daw. So go, go Erelah. Maligo na at mag-aayos pa tayo!"
Sakto pagkatapos naming mag-ayos ay s'yang pagdating ng Starlight members. Naging mainggay ang loob ng apartment namin ni Yuuki sa pag dating nina Hiro, Gin at Levi na mga naka tuxedo pa. Formal event daw kasi ang pupuntahan namin.
Mabilis na lumapit sa akin si Hiro habang may malawak na ngiti sa kanyang labi. Napatingin ako sa ngayong inaabot na niyang bouquet of flowers sa akin.
"Flowers for you, my lady."
Naririnig ko ang mga hagikhikan nila Yuuki sa gilid. Nanonood na naman sila at kulang na lang ang popcorn para mas mag enjoy sila.
Ngumisi ako kay Hiro at buong galak ko iyon tinanggap. Ang puso ko, alam kong maligaya sa tuwing gagawin ito ni Hiro. Masaya ako at pakiramdam ko isa akong prinsesa sa fairytale at si Hiro ang prince charming ko. Ganoon ang feeling dahil ganoon ako itrato ni Hiro. Para akong prinsesa para sa kanya.
Busy ang banda nila pero, halos walang palya araw-araw niya akong binibigyan ng bulaklak. Malapit na nga maging hardin itong apartment namin sa mga bulaklak na binibigay niya sa akin eh.
"S-s-ss-salamat.. a-ang g-g-ganda.. ng f-flowers."
Kinagat ko ang pang-ibabang labi sa pagiging utal. Sheyt, ang lakas ng pintig ng puso ko. Pakiramdam ko mahihimatay ako.
BINABASA MO ANG
Love In Sadness
Teen FictionLOVE IN SADNESS AUTHOR BY: borapurple21 Erelah Everly is a provincial girl who only dreams of marrying the person she truly loves. She's also the kind of girl who tends to love at first sight, in short,'marupok'. Not until she meets Ren Zindler, who...