CHAPTER 1:
Mahal ko na ngaThat night, Ren stays in my mind. Not only in my mind, but he takes every inch and every pieces of my heart.
I think I'm in love at first sight with him.
Alam kong mabilis akong mahulog sa iba at ganoon din kabilis maglaho ng damdamin ko para sa kanila.. pero ang isang ito ay sadyang kakaiba sa lahat. Hindi ko alam at hindi ko mapunto kung bakit sa lahat ng lalaking nagustuhan ko, ito na ata ang pinaka masasabi kong matindi at seryoso.
"Talaga mag transfer siya rito?'
Masigla at masaya kong tanong kay Ken. Halos mapatalon pa ako sa tuwa sa nalaman. I couldn't believe this. Dito niya pala tatapusin ang high school niya. Galing maynila kasi si Ren Zindler ang kaibigan ni Ken. Kaya may pagkakataon pa na mas mapalapit kami sa isa't isa.
"Sus ang saya mo Erelah ah? Don't tell me siya naman ang bago mong biktima?" -Yas
Nakaka offend ah. Biktima talaga?
"Oo, bakit gusto mo ba si Ren Erelah?"-Ken
Ngumisi sakin si Ken. Pinagtaasan ko ito ng kilay. Hindi ko rin naman ito itatanggi dahil kung ilalakad naman niya ako sa kanyang kaibigan ay ok lang sakin! Mas ikatutuwa ko pa nga iyon!
Ako pa, magpapakipot pa ba. Eh gusto ko nga yung tao! Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.. kaya mag eeffort ako ng sobra para mapansin niya lang ako!
"Ano pa bang bago dyan Kennie, alam mo naman sa susunod na linggo may bagong biktima na naman yan. Haynako."
Hinampas ko na si Yasmine. Aba sumusobra na ata siya huh. Di naman ako ganoon masyado ah? Slight lang naman. Di pa ko malala ano. Mabuti na lang at nakilala ko na rin ang tunay at bukod tangi kong prince charming! Siya ang gagamot sa disorder kong love at first sight in every man I encounter. Hehe ang corny pero ... Wala eh, ganito siguro talaga kapag umiibig ang isang tao? Nagiging mais este nagiging korni hahaha
"Papasok na siya pag nagsimula na ang semestral."
Days passes, and Ren started to study in our school. Bago pa lang pero matunog na agad ang pangalan. What do you expect though? Gwapo, mabait, matalino, perpekto. Na sakanya na ang lahat ng hahanapin mo sa lalaki. Full package. Walang labis, walang kulang.
"Hi Ren!"
"Ren, will you be my friend?"
"Uhm.. Ren d-do you have a girlfriend?"
"Uh.. will you be my date Ren?"
Aba at itong mga hampaslupa at inuunahan pa ko kay Ren! Gusto ko sanang makipag sagupaan doon kaso.. ewan ko pero hindi ko magawa. Ngayon lang ako dinalaw ng kahihiyan ko ah? Dati naman malakas ang loob ko na ipakita sa mga lalaking gusto ko na may hidden agenda ako sa mga ito pero ngayon sa unang pagkakataon si Erelah Everly ay nahihiya sa isang lalaki? Wow. Bago 'to ah.
Nasisiraan na ba ako ng bait? O sadyang na kuntento na ang puso ko na tumibok sa iisang tao?
"Erelah Everly!"
Nilingon ko sila Yasmine kasama ang boyfriend na si Ken at ... kasama rin nila si Ren! Totoo ba 'to?
"Ok ka lang ba Erelah?" - Yasmine
Lumapit na sila sakin mismo dahil hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Yea, you look so pale Erelah. Is there something wrong?" - Ken
Umiling ako dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko. Gosh, talaga ngang nasisiraan na ko ng bait para umakto ng ganito! Ano bang nangyayari sakin? Ganito ko ba siya sobrang kagusto at nawawala na ko sa sarili?
"do you want to go to the clinic Erelah? Mukhang masama talaga ang pakiramdam mo."
*Dug* *dug* *dug* *dug* *dug* *dug*
I almost have an heart attacks when he suddenly talk! Oh jesus, If it's not love, I don't know what feeling is this anymore.
"Mabuti pa nga. Ipagpapaalam ko na lang kayo sa next subject Ren. Alagaan mo ang kaibigan namin."
I didn’t understand anything Yasmine was saying at all. I was too flattered and so overwhelmed for what I am feeling right now. It's so new to me to be real! I have never felt this way before. It's too strong, that even myself cannot handle this.
"Erelah? Are you really ok?"
Napatulala na lang ako sa harap niya noong hawakan niya ang noo ko. Kumunot pa nga ang noo nito habang seryoso akong sinusuri.
"You don't have a cold though. Pero namumutla ka naman. Let's go to clinic Erelah para makapag pahinga ka."
Hinayaan ko na lang siyang gawin ang gusto niya. Pumunta kami sa clinic at ang sabi wala naman akong sakit. Namumutla nga lang talaga ako! Panong hindi? Kung hindi ko siya kasama edi sana normal ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko haha.
Grabe, na sisiraan na ata talaga ako ng bait!
"Don't worry about the class, Ken and Yasmine excuse us. Kaya magpahinga ka na muna kapag ok na ang pakiramdam mo tsaka na lang tayo bumalik sa classroom."
I can't say anything. I want to say something but there's no words coming out. Para bang napipi na ako ng tuluyan.
Gusto ko ngang makapag pahinga at itulog na lang lahat ng nararamdaman ko pero.. hindi ko magawa. Hindi ko kaya sa tuwing iisipin ko na kasama ko si Ren dito sa clinic and worst kaming lang dalawa rito. Ugh, calm the fvck down Erelah.
"You can't sleep?"
Tanong nito. Nilingon ko siya at pinagmasdan. Puno ng pag-aalala niya naman akong tinititigan. Bigla ay gusto kong ialis lahat ng pag-aalala niya tungkol sa akin pero hindi naman ako makapag salita!
Hindi ako makapaniwala na nangyayari sa akin ito. Dahil madalas ako pa nga ang mag f-first move sa lalaking gusto ko! Hindi ako mahihiya, hindi ako natatakot dahil ganoon naman talaga ako kapag may gustong lalaki eh. Ewan ko kung saan ba ako humuhugot ng kakapalan ng mukha o nang lakas ng loob para gawin ang mga bagay na 'yon.
Pero ang isang 'to. Kay Ren Zindler, tumitiklop ako! Yung kalandian ko hindi ko mailabas at maipakita! Para bang matutupok ako kapag nandyan s'ya. Pakiramdam ko ikakamatay ko kapag nalaman niya ang nararamdaman ko pagkatapos ay marereject lang pala.
Ngayon lang ako natakot na malaman ng taong gusto ko ang nararamdaman ko para sa kanya.
Lahat ng ito ay dahil lang sa isang tao. At iyon ay si Ren Zindler na kakakilala ko pa lang pero pakiramdam ko luluhod at hahalikan ko na ang lupa sa namumuong damdamin ko para sa kanya.
Noong ngumiti ito sakin pakiramdam ko iyon na ang naging katapusan ko.
Alam kong masyado pang maaga para sabihin ang mga salitang ito pero.. sa tingin ko mahal ko na s'ya.
"It's alright. Sleep and rest Erelah, I'll be here. I won't leave."
*Mahal ko na nga, si Ren Zindler.*
BINABASA MO ANG
Love In Sadness
JugendliteraturLOVE IN SADNESS AUTHOR BY: borapurple21 Erelah Everly is a provincial girl who only dreams of marrying the person she truly loves. She's also the kind of girl who tends to love at first sight, in short,'marupok'. Not until she meets Ren Zindler, who...