CHAPTER 3:
ManilaDumating na ang araw na kinatatakutan ko sa buong buhay ko. Sana isa na lamang itong panaginip at gigising ako na kamasa pa sila.
Tahimik ang byahe. Even though I want to cry so bad I just couldn't. Ayokong mag-alala sila sa akin. Gusto kong ipakita na malakas ako at ok lang ang lahat sa akin.
At isa pa.. hindi na kami mga bata para kailanganin pa ang isa't isa. Ito na ang tamang oras para matutong tumayo sa sariling paa at hindi na umasa sa iba.
"Erelah, mag-iingat ka palagi huh? Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Tatawag ako palagi at dadalaw ako kapag may free time." - Yasmine
Niyakap ako nito ng sobrang higpit. Natawa na lang ako dahil gusto niya na ata akong mamatay sa sobrang higpit ng kanyang pagkakayakap.
Pinatong naman ni Ken ang kanyang kamay sa aking ulo at ginulo ang aking buhok. Nakakainis at ginagawa parin nila akong bata hanggang ngayon.
"Oh mag-aral ka ng mabuti huh Erelah. Kumusta mo palagi kami kay Tita Eralin. At please lang itigil mo na 'yang Fall in love at first sight syndrome mo dahil wala kami ni Yassie para bantayan at gabayan ka. Ok?"
Tumango ako rito at natawa. Well, for so long na wala na ang syndrome ko na yan simula noong makilala ko si Ren. At isa pa.. may pangako na kong pinanghahawakan.
"Well, wala na ang syndrome ko na yan haha. Nagbago na kaya ako!"
Sabi ko sa mga ito. Nagtaas pa ng kilay ang dalawa at sabay na tinignan si Ren na tahimik lamang kaming pinanonood. Alam ko naman, na alam nila Yas at Ken iyon kahit hindi ko pa sabihin alam nila na mahal ko nga siyang tunay si Ren.
"Well, doon lang kami maghihintay ni Ken."
Ani Yasmine. Ngumiti ako rito at tumango. I really appreciate it everytime they give us time and space ni Ren. Ok lang naman kahit na nariyan sila at manood samin eh.
Lumapit sakin si Ren at marahang inabot ang aking mga kamay. His soft and warm hand, can I get to hold this again?
"This is not our farewell Erelah. I'll comeback to you. I promise when I finally reach my dream, I will comeback to you.."
Such an assurance. I will believe in those words and set my faith to him. I'll wait. I can wait.
"Then . . I'll patiently wait for you, Ren."
Ngumiti ito sa akin at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Naramdaman ko ang panginginig ng kanyang balikat, umiiyak siya. Umiiyak ngayon sa harap ko ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ako makapaniwala, ito ang unang pagkakataon na makikita ko siyang umiyak.
"I'll work hard so you don't need to wait for so long. Then, let's get married after that Erelah Everly."
I wish the time will stop even for once. I want to stay like this forever with Ren. I don't want to let go of him, I don't want this moment to end.
II'll set all my hope and faith on those words and promises.
*Ren, I will wait.*
****************************************
"Sama ka pupunta tayong bar?"
Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Pinipigilan ang sariling pumayag sa inaalok ni Gino sa akin.
"Sama ka na Erelah, it just once in awhile. You have to have fun y'know."
Noong bahagian ako nito ng ngiti ay halos walang sa sarili ko na lamang itong tinanguan. Ghosh, here I am again. Gumagana na naman ang pagiging marupok ko.
BINABASA MO ANG
Love In Sadness
Teen FictionLOVE IN SADNESS AUTHOR BY: borapurple21 Erelah Everly is a provincial girl who only dreams of marrying the person she truly loves. She's also the kind of girl who tends to love at first sight, in short,'marupok'. Not until she meets Ren Zindler, who...