FOURTEEN

6 0 0
                                    

CHAPTER 14:
Galit na mga mata

"Magkikita kayo ni Ren?"

Tumango ako kay Yuuki. Nagluluto ito ng almusal. Itlog at hotdog -,- eh yan lang naman ang alam niyang lutuin eh.

Sa dinner ako naman ang naka quota

"Saan kayo magkikita? Just make sure na walang makakakita sa inyo na paparazzi. Mahirap na ano!"

Ngumisi ako. Mas paranoid pa siya sa akin sa lagay na 'yan.

"Ikaw? Magkikita ba kayo ni Naoki mamaya?"

Umupo ito sa aking harapan noong matapos na magluto. Napabuntong hininga ito.

"Magkikita? Siguro. Sa totoo lang kahit naman halos araw-araw na kaming nagkikita.. wala parin proseso. Ako lang naman may gusto sa kanya, ako lang naman yung laging na ngungulit sa kanya.."

Napatulala ito sa kawalan. Hindi ko alam na ganoon pala ang relasyon nila. Akala ko pa naman maayos ang lahat at parehas sila ng nararamdaman pala... Unrequited love story pala ito.

Actually, Yuuki has been scouted of the same entertainment of Polaris. So no wonder, she can meet Naoki daily now.

"Don't worry. He may still not see your worth, he may not see your value and importance right now.. but someday for sure he will acknowledge you and your feelings for him."

Tumayo ito at nangingilid ang mga luhang niyakap ako. Napangiti ako.

"Salamat Erelah ㅜ.ㅜ But considering Naoki, it will takes him million years to realize that huhu"

Umiling ako dito habang napa sapo sa aking noo. Wala naman dapat pang ipag pasalamat.

"Cheer up now Yuuki! Do your best for your dreams and for the love you had for Naoki."

I'm happy to see how she completely determine now. Pupunta na siya sa studio para mag practice nang mag practice sa pagdebut nito. Wala pang nirerelease na date kung kailan, pero na revealed na ng entertainment ng Polaris na may mga bago silang trainee. Ang alam ko ay bubuo sila ng banda, sa ngayon hindi parin buo at wala pang confirmation na members kaya mukhang matatagalan pa ang debut ni Yuuki.

I can't wait to see Ren anymore. Tumawag lamang siya ng isang beses noon, pero ok lang. Ang importante ay nagkausap at narinig ko ang kanyang boses. Alam ko naman na busy siya at marami siyang ginagawa. Naiintindihan ko, handa akong maghintay.. kahit gaano pa katagal, basta.. basta siguradong dadating siya.

"Grabee oh, tignan mo! Last night yan, huling araw ng concert ng Polaris. Special guest nila si Nevaeh!"

"Oo nga. Ang ganda talaga niya, para siyang diwata. Pati ang boses ang ganda rin."

"Ang sweet nila ni Ren! Grabe shipper talaga nila ako. Kailan kaya sila aamin?"

"Sinabi mo pa, sa tingin ko talaga may something sa dalawang 'yan. Tignan mo oh niyakap pa siya Nevaeh, ang sweet lang."

Puro bulong-bulungan ng mga estudyanteng babae na kumakain dito habang may pinapanood sa kanilang cellphone. Nakita kong clip iyon ng concert ng Polaris. Nandoon nga si Nevaeh bilang guest nila sa huling concert nila.

Somehow, I feel so miserable. Kahit pa alam ko naman na .. ako ang mahal ni Ren hindi ko parin maiwasan hindi mangamba. Kahit na anong isipin ko, hindi ko magawang hindi magduda.

Napailing ako. Ano ba itong mga kabaliwang naiisip ko? Magkikita kami ni Ren. Aniya pupunta raw siya dito sa resto para sunduin ako.. kaya wala dapat akong ikabahala.

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon