CHAPTER 12:
Let's Get MarriedAng dami kong gustong sabihin at itanong kay Ren. Pero lahat ng aking iniisip ay naglaho ngayong nandito na siya sa aking harapan at yakap-yakap.
"Ohh.. nagkita na kayo sa wakas."
Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Ren noong marinig kong magsalita mula sa likod si Yuuki. She's smiling widely. Bigla ay nahiya ako ng sobra sa inakto.
Hindi ba siya galit? Di ba gusto niya Ren? Hindi ba may namamagitan sa kanila?
"Yea. Thanks, couz. I owe you big time."
Humalakhak si Yuuki at sinapok si Ren.
"Ano ka ba, wala 'yon. Bayad na bayad ka na sakin haha"
Biro ni Yuuki dito. Ako naman ay parang lutang at nagkakabuhol-buhol ang mga iniisip. Hindi ko alam kung ano bang nangyayari. Nasaan ba ako? Sino ka? Sino ako? Ang gulo ng sitwasyon. Akala ko ba.. may something fishy sa dalawang 'to?
"Oh I forgot to tell you Erelah, Ren is my cousin."
Sabi ni Yuuki at kumindat kindat pa na para bang simula palang ay alam na niya ang lahat tungkol sa amin ni Ren.
Ibig sabihin nito.. ibig sabihin siya at si Ren ay wala talagang something fishy? Ibig sabihin si Yuuki at si Ren ay MAGPINSAN?
Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa nalaman. Naiinis ako kasi di niya agad sinabi sa akin! Ilang gabi at araw akong nagseselos ng dahil sa kanila ni Ren tapos ay magpinsan naman pala!
"I'm sorry Erelah, sa ganitong paraan pa tayo nagkita."
Umiling ako kay Ren. Ok lang, ang importante ay nandito siya ngayon at magkakausap na rin kami.
"Ooohh, mamaya na kayo mag-usap halina at ihain na muna natin yang niluto mo Erelah."
Tumango ako kay Yuuki at tinulungan ito sa paghahanda ng mga pagkain at ganoon rin si Ren. Sa totoo lang ay gustong gusto ko na makausap at mapag-isa kasama si Ren, kaso nandito nga pala ang mga kabanda niya..
And speaking of the devil!
Raizen Weinstein is here? Ugh. Ang malas naman, magkikita na naman kami noong sira ulo na 'yon. Ayoko na nga makita pa ang mukha noon! Ang gaspang ng ugali! Nakakainis. ><
"HEREEEEEE OUR SPECIAL MENU FOR TODAY PRESENT TO YOU BY OUR CHEF ERELAH EVERLASTING I MEAN EVERLY!!!"
halos gusto ko na lang magpalamon sa lupa noong biglang isigaw, OO isinigaw niya talaga ang pagkakasabi noon!
Grabe, Yuuki kumalma ka. Asan ang mahinhin at di makapag basag pinggan na Yuuki na kilala ko? Bat bigla naging ibang tao.
"Erelah Everlasting?" -Naoki
Umiling ako dito at natawa. Huwag mong sabihin na niniwala siya na 'yon ang apelyido ko.
"Ah, hindi. Erelah Everly. It's nice to meet you."
Mabilis na naglahad ng kamay sa akin si Naoki at buong galak ko naman itong tinangap.
"I'm Naoki Alliston, it's nice to meet you too."
Ngumisi ako rito. Sunod na nagpakilala ang misteryosong myembro ng Polaris si Zero Valerius. He is the quietest member of the Polaris. Ganon man, ay friendly din naman ito. Hindi nga lang palangiti kaya napagkakamalang masungit.
Nilingon ko si Raizen Weinstein na tahimik akong pinagmamasdan. Tumaas ang kilay nito at tumayo at nilahad ang kanyang kamay.
"Raizen Weinstein."
BINABASA MO ANG
Love In Sadness
Teen FictionLOVE IN SADNESS AUTHOR BY: borapurple21 Erelah Everly is a provincial girl who only dreams of marrying the person she truly loves. She's also the kind of girl who tends to love at first sight, in short,'marupok'. Not until she meets Ren Zindler, who...