EIGHTEEN

5 1 0
                                    

CHAPTER 18:
Party

"It's a formal birthday party. Kailangan ay naka semi-gown or naka gown ka mismo. Pangmayaman na party kaya ang pupuntahan mo hindi lang bastang party lang Erelah."

Kinabahan naman ako sa mga sinabi ni Yuuki. Parang ayoko na tuloy tumuloy.

"Sumama ka na Yuuki, parang ma out of place pala ako roon eh."

Humalakhak ito habang inaayusan ako ng buhok, siya na rin ang nag prisintang mag make-up sakin. Pinahiram niya pa ako ng damit. Nakakahiya na nga sa kanya sobrang abala na ang ginagawa ko.

"Gusto ko sana eh, kaso may gig ako ngayon. Nakapangako na ko eh."

Bumuntong hininga ako. kahit na isa na siyang trainee ay nag aavail parin siya sa mga gig. Aniya malaki daw ang kita niya kesa sa pagtinda ng donuts. Eh hindi na rin kasi siya nagtratrabaho doon dahil busy na siya sa pag practice kaya itong gig niya tuwing gabi ang pinagkakakitaan niya ngayon.

"Nandyan naman si Raizen, for sure he'll accompany you."

Umirap ako, ano bang pumasok sa isipan ko at pumayag akong sa alok nito! Kapag talagang nasusuhulan ako ng pagkain eh malaking problema talaga ang dala sakin!

As if naman mananatili lang sa tabi ko ang isang 'yon. Kapag nakakita panigurado ng magandang babae yan si Raizen ay kakalimutan na niyang isinama niya ako sa party na 'yon.

AahH >< parang ayoko na talaga! Bago pa ako maka angal ay natapos na sa pag-aayos sa akin si Yuuki at sakto namang pagdating ni Raizen.

Pinagbuksan siya ni Yuuki ng pinto ako naman ay parang ayokong lumabas sa aking kwarto. Ayoko ngang makita si Raizen. Ngayon ay sising-sisi na ako sa naging desisyon.

"ERELAH, LUMABAS KA NA DYAN AT MAGPAKITA KAY ZEN!"

napatingin ako sa salamin at napatitig sa aking sarili. Parang ibang tao ang nasa harap ko ngayon.

Hindi ko maalala ang huling makita ang sarili na ganito at naka-ayos. Ang huli ay noong graduation ko noong college ay inayusan ako dinala pa nga ako sa parlor eh. Ah, sana makita rin ako ni Ren ngayon. I wonder what will be his reaction? For sure he will tease me and praise me after that.

Dang, I miss him already. Should I call him now?

"Erelah.."

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Napatakip ako sa aking bibig at nangilid ang mga luha.

"Ren..?"

Lumapit ito sa akin, malabo at hindi ko ito makita ng maayos. Niyakap niya ako, ang init ng kanyang pagkakayakap ay nagpapagaan sa aking dibdib.

"I'm sorry, but this is Raizen."

Sa sobrang pagkamiss ko kay Ren ay napagkamalan ko na si Ren si Raizen.

Lumayo na ako dito at humingi ng pasensya. Nagalit naman si Yuuki sakin dahil pumangit tuloy ang make-up nito sa akin kaya kinailangan pang ayusin ulit.

"Sorry.."

Umiling ito sa akin at napabuntong hininga.

"Huwag mo na munang isipin pa si Ren, magsaya ka at inejoy mo ang sarili mo sa party ok ba 'yon?"

Ngumiti ako dito at tumango-tango. Noong matapos ay nakita ko si Raizen na nasa balkonahe at naninigarilyo na naman.

"I told you, don't do smoke when you are with me."

Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya sa kanyang suot na tuxedo na itim. Ang buhok niya ay kalahating nakatali dahil mahaba ang buhok nito hanggang balikat. He looks hot and sexy with that kind of hairstyle.

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon