TWENTY TWO

6 0 0
                                    

CHAPTER 22:
Date

"Erelah, want to come to our practice?"

Nilingon ko si Yuuki pagkatapos ay malungkot na ngumunguso sa kanya.

"Titignan ko Yuuki? Magkikita kasi kami ni Raizen mamaya.."

Hininto nito ang ginagawa at ngayon ay ang buong atensyon ay na sakin na. There her cat eyes. Masyadong mapanuri, talagang wala kang maitatago na sekreto.

"Are you sure with that womanizer? I hate Ren for being such a jerk but I hate Zen one thousand times more for being a fvckin playboy."

Humalakhak ako sa sinabi nito. Alam ko namang tutol siya sa pakikipag date ko kay Raizen. That's right, I accepted his proposal to date him. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag siguro dahil sa sobrang lungkot at wala akong magawa kung hindi ang tanggapin ang inaalok niya. Well, it just a date after all. We're just going to try if this relationship will work though.

Anim na buwan na rin ang nakakalipas simula noong mag date kaming dalawa ni Raizen. Hindi ko nga aakalain na magtatagal kami ng buwan, I mean this is Raizen we are talking about. Playboy siya at hindi nagseseryoso sa babae. Pero ngayon, hindi ko alam kung seryoso ba siya sa amin dalawa ngunit na aappreciate ko ang mga effort niya.

"We're just dating Yuuki, he's not yet my boyfriend nor my husband so please, don't hate him that much."

Nagkibit ito ng balikat sa akin.

"You don't know much about Raizen yet, so think carefully if you continue dating him. 'cause Erelah, I have seen him playing his games and you wouldn't want to experience it."

Her voice is full of horror. Halos magsitayuan ang balahibo ko sa balat!

Hindi ko na lang pinansin ang pagbabanta niyang iyon. Alam ko namang nasasabi niya lang iyan ay dahil galit siya rito.

"Pero kung makakapunta ka sa praktis mamaya, pumunta ka Erelah. I will introduce to you my band members."

Ngumisi ito sa akin, pinanlakihan ko naman siya ng mga mata at hindi makapaniwala.

"Totoo? Ibig sabihin may banda ka na? Mag dedebut na kayo?"

Excited na tanong ko rito. Hindi ako makapaniwala. Dahil simula noong nagkahiwalay kami ni Ren, ang relasyon nilang magpinsan ni Yuuki ay na apektuhan. Nagalit kasi si Yuuki kay Ren at umalis sa entertainment ng Polaris. Aniya'y ayaw niya na raw makita pa ang pinsan at si Nevaeh na magkasama. Same entertainment lang kasi si Nevaeh at ang Polaris.

I was really shocked when she told me about that. I mean, it's her dreams we're talking here. Akala ko talaga wala siyang back up plan, pala may nag iiscout din pala na entertainment sa kanya.

Ang entertainment na nag scout sa kanya ay wala pang ganoong pangalan sa industriya. Sinabi ko sa kanya na bumalik na lang siya doon sa entertainment ng Polaris dahil mas sigurado ang pagsikat niya roon.

Pero nakapag bitiw na ito ng mga salita at hindi na iyon mababawi pa. Kahit pa tutol ako sa gusto niyang iyon, ay wala na rin akong nagawa pa dahil nakapag desisyon na siya. Aniya pa sakin ay ayaw niyang sumikat ng dahil lang sa tulong ng kanyang pinsan na si Ren. Kung sisikat man siya iyon ay ginawa niya ang lahat ng makakaya at pinaghirapan niya ito.

I feel so guilty. Feeling ko kasalanan ko kung bakit may alitan sila ni Ren ngayon. Ilang beses ko ng sinabi sa kanya na makipag-ayos siya kay Ren pero siya itong may ayaw. Kahit anong paliwanag ko na ok lang sakin kung magkikita sila ni Ren, kung mag usap pa sila dito sa apartment namin ay ok lang talaga sakin basta ba yung wala ako sa araw na 'yon eh. Ok lang maiintindihan ko naman kasi magpinsan sila kaya di maiiwasan.

Love In SadnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon