PROLOGUE

161 11 1
                                    

-x-

Mata.

Kung meron mang magtatanong kung anong parte ng katawan nito ang nagustuhan niya, iyon ay ang mga mata nito.

Mata, atsaka labi.

Ang dalawang parte na iyon naman talaga ang una niya napansin; nang unang maglapat ang tingin nila sa isa't isa.

Nginitian siya nito, iyong ngiting kahit sinong babae ay malalaglag ang panty. Ang mata nito ay puno ng mischief, puno ng kalandian-kung siya mismo ang tatanungin.

Alam na agad ni Cherish kung anong klase itong lalake.

Kinuha niya ang cocktail na inorder ng pinsan niyang si Raley at tumayo.

"Hoy Ring! Sa'n ka pupunta?" Tawag nito sa kanya nang lumakad siya palayo.

Inayos muna niya ang skirt ng mini black dress niya, bago nginitian ito, "Sa may smoking area. Saglit lang ako,"

Tinaasan siya nito ng kilay, "Kailan ka pa natutong mag-yosi?"

"Basta!" Iyon lang ang sinabi niya bago lumayo. Hindi naman talaga siya nagyo-yosi. Pupunta lang siya do'n para itest kung pupuntahan siya nung lalakeng kanina pa nakatingin sa kanya. "Babalik ako agad, wait lang kayo diyan!"

Kasalukuyan siyang nasa loob ng isang sikat na club sa Makati; inaya siya ng pinsan na gumimik kasama ang syotang babae nito na foreigner. Hindi naman talaga siya gumigimik-siguro dati-nagbago na ang lahat ng nakagawian niya nang magka-anak siya.

Hinindian niya ito sa una, pero mapilit ito. Sila na raw bahala sa transpo at sa gagastusin. Kahit maging sa susuotin niya. Eh, sino ba siya para tanggihan ang grasya?

Kaya heto siya, nakadantay ang mga braso sa may railing, ang kaliwang kamay ay may hawak na cocktail glass, at nagbabakasaling lalapit sa kanya ang lalaki.

"Hi..."

Hindi mapigilan ni Cherish ang mapangiti nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Nilingon niya ito, at biglang naexcite nang makita na sa malapitan ang lalaki.

Shet na malagket!

Hindi niya mapigilan ang mamangha. Napakaganda ng mga mata nito. Sa ilalim ng malilikot na pula at asul na ilaw, napansin niya na kakaiba ang kulay ng mata nito. Parang pinaghalong light brown at green-pwede rin naman na dahil lang ito sa makukulay na ilaw, pero para kay Cherish ay ito na yata ang pinakamagandang set of eyes na nakita niya.

At ang mga labi nito.

Shet na super lagket!

"Hey," Inangat niya ang tingin nginitian ito, sinubukang palabasin ang dimples na wala siya.

Suot niya ang 3 inches heels na pinahiram ng pinsan sa kanya, pero pakiramdam niya ay ang liit niya pag katabi ang lalaking 'to.

Totoo na mas matangkad siya kaysa sa average na Filipina, standing 5'7 in height; kung hindi siya naka-kuba o naka-slouch. Pero kahit nakaheels na siya, halos hanggang tenga lang siya nito.

Gaano katangkad kaya ito?

"Filipina?" Tanong nito sa kanya, nakatutok ang mata sa kanya. Parang gustong matunaw ni Cherish.

Just One WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon