V

44 8 6
                                    

CHAPTER V

Kinagabihan, sinimulan na naman siya ng mama niya.

Nang pinaliwanag niya dito na wala pa talaga siyang extra money na mabibigay, pinagsalitaan na naman siya nito ng mga masasakit.

Normal naman na iyon sa kanya; hindi naman na niya pinapansin 'yon. Ang kaso, mukhang lasing ang mama niya ngayon kaya wala nang filter ang bibig; nang lumapit ito para hilahin ang buhok niya, nakumpirma na niya ang kanyang teorya.

Amoy alak ang hininga nito.

"Ma, bakit hindi na lang muna kayo magpahinga?" Sabi niya dito, sinubukan niyang alalayan ito papunta sa sariling kwarto pero tinampal lang nito ang kamay niya.

"Anong klase kang anak? Wala ka man lang mabigay sa'kin-ni piso wala-pinapag-aral kita ng matino, tas wala ka man lang mabigay? Iba na talaga henerasyon ngayon eh, no? Lalandi-landi, kakarengkeng ng ke aga aga, pagnabuntis wasak kinabukasan! Sino sa tingin mo nag-asikaso sa mga bayarin mo sa ospital nang manganak ka? Ako-ako lang at wala nang iba dahil kahit sarili mong nanay inayawan ka. Kahit nga tatay wala ka, eh. Sino sa tingin mo nagpalaki sayo? Ha? Sumagot ka! Tas ito igaganti mo? Aba'y napaka-"

"Ma," putol niya sa iba pang sasabihin nito. "Tama na. Tara na sa kwarto."

"Wala ka talagang modong babae!"

Hindi na niya pinansin ang iba pang masasakit na salita na binibitawan nito sa kanya habang inaalalayan niya ito sa kwarto. Nang mapagod ay ito na mismo ang humiga sa sariling kama at pinaalis na siya.

Uminom siya ng tubig pagkatapos at nagtungo na sa sariling kwarto. Nakita niya si Chastity na busy maglaro ng doll house.

"Mama!" Tumakbo ito sa kanya at hinagkan siya. Napangiti naman siya dito. Buti na lang at busy ito at hindi lumabas ng kwarto.

"Anong ginagawa mo, baby?" Tanong niya dito pagka-halik sa pisngi nito.

"Play house, mama!" Sagot naman nito sa maliit at cute na boses. Hindi na nawala ngiti ni Cherish; pakiramdam niya ay nawala nang bigla ang hinanakit niya. "Play!"

Natawa siya, "Sige mamaya baby, play play tayo. May kailangan lang gawin si mommy ha?"

"Okay!"

Pagkatapos niyang mag-shower ay pumunta siya sa may bakuran nila. Siniguro muna niya na walang makakarinig sa kanya.

"Hello?"

Napangiti siya ng bahagya nang kumonek sa wakas ang tawag nila. "Hi Raley! Musta?"

"Oy, okay lang naman. Ito single ulit."

Natawa naman siya. "Ano? Nasa'n na yung magandang foreigner na kasama mo last time?"

"Wala na. Fling lang naman 'yon."

"Kailan ka kaya magkaka-jowa ng matino?"

"Kapag may dumating na babaeng matino."

"Eh paano kapag wala nang dumating?"

"Ehdi maghahanap! Problema ba 'yon?"

Natawa ulit siya. "Bakit kasi ayaw mong i-try sa mga lalake?"

"Yuck!" Bulalas nito. "Never ako titikim ng talong, mas bet ko ang seafoods."

Natawa ulit siya dito. Itong pinsan niyang si Raley ay isang lesbian-lipstick lesbian ayon dito-na ang hanap ay kapareho rin nitong lipstick lesbian.

Ito ay mga lesbian na bihis babae o di kaya ay mas girly pa sa totoong babae, pero sa babae din naiinlove.

Bukas naman siya sa iba't ibang sexual preference. Hindi lang talaga niya maintindihan kung bakit ayaw ng mga ito sa mga gwapo at sa mahahabang...basta 'yon.

Just One WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon