XV

40 4 0
                                    

CHAPTER XV

Napabuntong hininga si Cherish pagkatapos ilahad lahat kay Race ang kwento na inilahad sa kanya ng mama niya ilang araw na ang lumipas. 

Sinabi na rin niya ito kay Nicola. Dahil alam nito ang lahat ng rants niya sa mama niya dati, mas pumanig ito sa totoong mama niya. 

Ito namang si Yannis ay kampi sa mismong mama niyang nagpalaki sa kanya. Pinaintindi nito sa kanya kung bakit nagawa ng mama niya 'yon. 

Kung susuriin talaga ng mabuti ang nangyari, ang isang pagkakamali ay pinatungan pa ng isa pang pagkakamali. Kaya siya tuloy ang nagdurusa ngayon. 

"Okay, so ano tingin mo ang dapat na gawin?" Sabi niya kay Race nang tahimik lang itong nakatulala sa kung saan. Para bang pinagiisipan din nito ang sitwasyon niya. "Gusto ko lang naman kasing makita 'yong totoong mama ko. Kaso, kapag ginawa ko 'yon baka magtampo si mama at iwan na lang ako bigla. Okay na kami, pero parang malaki pa rin ang galit do'n sa pinsan niya. Baka bigla na lang topakin at iwan kami." 

"Hindi naman kasi agad-agad nawawala 'yong galit. It takes time. Mukhang kailangan pa ng mama mo ng maraming oras para mag-heal." 

Nag-sigh siya. "Nalilito lang talaga ako. Ano kayang dapat gawin?"

"Ano sa tingin mo ang dapat?" Balik na tanong ni Race sa kanya. "Ikaw lang naman kasi talaga makakasagot niyan." 

"Kaya nga kita tinatanong, Race." 

"Ganito na lang; kung ikaw ang nasa sitwasyon ng mama mo, ano'ng gagawin mo?" 

"Itatama ko lahat ng maling ginawa ko. Kailangan kong harapin ang pinsan ko at sabihin sa kanya ang totoo. Naku, ako ang gumawa ng mali eh. Dapat ako rin mismo ang magtatama." 

"O, eh 'di nasagot mo rin." 

Napatingin siya rito. "Paano nasagot doon 'yong tanong ko?" 

"You're a strong woman, Cherish Gale," sabi naman nito. Iba ang tingin nito sa kanya; iyong tingin na parang alam nito ang hirap ng pinagdadaanan niya. Na para bang may sarili rin itong pinagdadaanan na kaparehas ng kanya. "Kahit ano'ng pagsubok na ibigay sa'yo, nakakaya mong harapin 'yon ng buong tapang. You're not like Celestine..." 

"Celestine?" 

Natawa lang ito at napa-iling. "Basta 'yong babaeng takbo nang takbo palayo imbis na komprontahin ang problema at ayusin." 

"Ah, nahiya ka pa. Si Nammy ang tinutukoy mo no?" 

Tumawa lang ulit ito. "Just be yourself, Cherish Gale. And I know you'll be fine." 

Tiningnan niya itong si Race. May napansin siya rito; kapag nagsasalita ito ng Ingles, hindi ito tumatawa ng parang nababaliw. Ito 'yong Race na maraming nalalaman at parang matured kung mag-isip. May kutob na talaga siya rito, ayaw lang niya sabihin pa kung ano 'yon. 

Pero sa totoo niyan, ineexpect na niyang lalabas ang seryosong Race. Isa rin 'yon sa dahilan kung bakit tinanong niya ito sa sitwasyon niya. 

Kung tutuusin, tama naman talaga ito. 

Hindi na niya kailangan pang magtanong dahil alam na niya ang dapat gawin. 

"Salamat ha," sabi niya rito, sabay ngiti. "Kung sino man ang kausap ko ngayon." 

Biro lang niya 'yon, pero hindi niya inaasahan ang pag-sagot nito ng ''Red." 

Nagtaka siya. "Red?" 

Tiningnan siya nito at ngumiti. Jusko, para siyang namalik-mata. Hindi si Race ang nakita niya ng ilang segundo; isang lalaking hindi niya kilala ang nakatayo ngayon at nginingitian siya. 

Just One WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon