CHAPTER X
"Pag sinagot mo itong tawag ko kahit hindi mo alam na ako yung tumatawag, maniniwala na-"
Bahagyang napapitlag si Cherish nang makarinig siya ng boses sa kabilang linya. Hindi nga lang baritonong boses ang narinig niya-boses iyon ng isang batang lalaki.
"Heyow, heyow, heyow!"
"Yan-yan?" Takang sambit niya. "Teka, ganyan boses mo sa phone? Pang-2 years old?"
Nilayo niya ng konti ang phone sa tenga nang makarinig ng malakas na pagpukpok; pinapalo siguro nito ang phone. Hindi niya alam ang mararamdaman-maiinis ba o magtataka...?
May narinig siyang kalukos at mahinang boses ng lalaki na malapit sa naiimagine niyang boses ni Yannis. Kinabahan siya bigla; dahil sa panic at pag-alala na ibababa nito ang tawag ay sinigaw niya ang pangalan nito.
"Hoy Elijah Yannis, huwag mong ibababa 'to!"
"Hello? Cherish?" Malinaw na niyang dinig ang boses ng binata. Jusmiyo, kahit sa phone ay napaka-sexy ng boses nito. "Ikaw ba yan?"
"Oo, ako nga. Mabuti naman at sinagot mo tawag ko."
"Errr, salamat sa pamangkin ko," sagot nito. "Natuwa siya sa ringtone ko kaya yung phone ko ang pinagdiskitahan. Ano palang meron? Namimiss mo na ba ako ulit?"
"So kung hindi dahil sa pamangkin mo, hindi mo sasagutin ang tawag? Sabi na nga ba, eh. Hindi mo sinave ang number ko. Nagtatago ka sa totoong girlfriend mo, ‘no?"
Natawa ito, "Wala akong girlfriend. At bago ka magtampo diyan, sinave ko number mo. Cherish with heart pa nga, eh. Kahit nga simpleng 'Hi' lang na text mo, prinintscreen ko pa at nilagay sa ‘my favorites’. Hindi ka kasi nagrereply kahit ilang beses kitang tinetext. Kaya nagtaka ako nang makita na tumatawag ka. Akala ko nga nananaginip lang ako."
Ilang beses nga talaga siyang tinext nito, pero hindi niya pinapansin. Ayaw kasi niyang isipin nitong haliparot na 'to na interesado na rin siya rito.
"Ang corny mo pala minsan no?" Sabi na lang niya. "May favor kasi ako, Yan. Pero kung busy ka sa pagbaby-sit sa pamangkin mo, nevermind na lang."
"Anong favor?"
Kinapalan na ni Cherish ang mukha niya.
"Baka pwede mo akong ihatid sa may amin."
"Ha? Bakit? Nasaan ka ba?" Sagot ni Yannis. Pansin niyang naging seryoso na ang boses nito.
"Alam mo yung 5 star hotel malapit sa mga sosyal na condominium sa may Makati? Nasa may labas lang ako ng main entrance."
"Anong ginagawa mo diyan, gabi na ah? Huwag mong sabihin na nakipag-date ka sa iba?"
Gusto sana niya itong lokohin, pero masyado siyang balisa para makipaglokohan ngayon. "Nasa art exhibit kami."
"Kami? Sinong 'kami'?"
"Bestfriend ko. At si Theon."
"Bestfriend mo at si Theon-" saglit na natigilan ito. "Teka, bestfriend mo pala yung magandang babae na nanalo as Miss Photogenic last year? May pupuntahan daw siya eh, kasama si Nicola ba yun?"
"Oo-" hindi na niya naitago pa ang pagkainis. "Please naman oh, sabihin mo na agad kung pwede ka o hindi. Wala akong time makipag-usap ngayon."
"Kailangan na kailangan mo ba talaga?"
"Oo!" Halos pasigaw na sabi niya. "Oo, kailangan na kailangan ko na talagang umuwi, Yan-yan."
Mukhang naramdaman na rin nito ang panic niya. "Okay. Be there in...estimated time...5 minutes."

BINABASA MO ANG
Just One Wish
Teen Fiction(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...