CHAPTER III
Napaka daming tao!
Pagpunta palang nila sa loob ng exclusive gymnasium, akala mo ay may gaganapin na concert. Kali-kaliwa pa ang mga banner, parang na-excite naman siya.
Hindi niya talaga inaasahan ang dagsaan ng mga tao; akala niya ay usual fan gathering lang ang magaganap.
Naka-close na rin niya sa mga -Babies-iyong tawag sa grupo ng fansclub ni Theon-na kikitain niya ngayon.
Hindi naman siya natakot kahit na first time lang niya mamimeet ang mga ito. Mabait ang tumatayong admin na si Jeka, medyo palagay rin ang loob niya dahil kasama niya si Nicola.
Ang kailangan lang niya gawin ngayon ay hanapin ang grupo na iyon sa gitna ng mga maiingay na mga fangirls.
"Ganito na ba gawain ng mga taong walang magawa?"
Napatingin siya sa kaibigan niya nang magsalita ito. Napa-iling siya; kahit kailan talaga itong si Nicola, akala mo ay palaging may PMS. Laging masungit.
"Hindi lang kasi fans ni Theon ang nandito," sabi na lang niya. May nakita siyang banner na may pangalan ng binata. "Tara doon tayo,"
Pagtingin niya ulit kay Nicola ay sakto na inadjust nito ang sunglasses na suot at napa-sigh. Kung hindi niya lang kaibigan ito ay kanina pa tumatawa.
Paano ba naman kasi, hindi lang ito naka-sunglasses, naka-shawl pa at mask.
"Hindi ka ba naiinitan sa suot mo?" Nagpipigil ng tawa na tanong niya. "Para kang artistang ayaw magpa-interview. Aminin mo nga sakin Nammy, may tinataguan ka ba, ha?"
Sinabi lang nito na huwag nang pansinin ang suot. Sa totoo lang, kung siya ang tatanungin, para talagang may tinataguan itong si Nicola. Baka naman isa sa mga maglalaro ngayon ay 'yong ex nitong si Matteo; base sa nakikita niyang banners, hindi lang sikat na players ang dadalo sa practice game, pati narin yung iba pang online celebrities.
Baka naman sikat yung ex nito.
Napatingin siya sa dalang phone nang mag-vibrate ito. Sabi dun sa GC ng mga -Babies, nasa may bandang kaliwa daw sila. Do'n daw yung usual na pwesto ng fansclub nila.
Sumiksik siya sa mga tao para makapunta dun sa lugar na sinasabi nila; meron pa talagang screenshot ang mga ito para di raw siya maligaw. Nang icheck niya ang kaibigan, nakita niyang nakisiksik din ito.
"Dito na tayo," Sabi niya makalaunan. "sabi nila dito daw talaga pwesto ng fellow Theon's Babies."
Hindi kumibo si Nicola.
Nadistract siya nang may mga bumati sa kanya. Binati rin niya ang mga ito pabalik. Mukhang madami-rami na ang myembro na present. Napansin din niya na saktong-sakto ang pwesto nila para makita ng buo ang basketball court.
Mas lalo siyang nadistract nang magsimulang maghiyawan ang mga tao; yung ibang mga Babies ay sinimulang alug-alugin ang banners na dala. Nagtitilian na rin ang mga ito.
Salamat sa pagiging matangkad niya, malinaw niyang nakita na lumabas na nga ang mga players. Mas lalong tumindi ang hiyawan nang may sumulpot na lalaking maputi na singkit at naka-jersey.
Mukhang ito na si Theon.
Infairness ha, mas gwapo nga ito sa personal. Hindi niya pinagsisisihan na maging isa sa mga Babies. Napakagandang distraction ng lalake.
Inaasahan niya na nasa likod parin niya si Nicola, pero ibang babae na ang nakita niya pagkalingon. Hindi na lang niya pinansin; siguro ay pumunta ito sa mas tahimik na lugar at piniling magbasa na lang.
BINABASA MO ANG
Just One Wish
Teen Fiction(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...