CHAPTER XII
Simula nang ninakawan siya ni Yannis ng halik, walang araw na lumilipas na hindi siya nito hinahalikan-nakaw man o hindi.
Halik lang naman. 'Yon ang katwiran ng puso niya sa utak niyang matino pa mag-isip.
Palagi rin siya nitong hinahatid sa bahay nila. Ang katwiran naman niya do'n, mas convenient ang motor kaysa magcommute pauwi.
Minsan tuloy ay hindi niya maiwasang isipin na tine-take advantage lang niya ang binata. Meron din katwiran ang isip niya do'n; gusto talaga niyang makasigurado na si Yannis na nga ang hinihintay niya.
Kahit mukha siyang nakikipaglokohan dito, may takot pa rin siyang nararamdaman sa kaibuturan ng kanyang puso.
Ngayong araw ay iba sa mga araw na hinahatid siya nito. Imbis kasi na umuwi agad, gusto raw nito makita muna si Chastity. Pinayagan naman niya ito.
Saglit lang sana si Yannis sa kanila, pero itong anak niya ay may ibang plano.
Tuwang-tuwa ito habang pilit na inaayos ang pigtails na ginawa nito sa buhok ng binata; siya naman ay natatawa at napapailing na lang habang nagluluto ng hapunan nila.
"Mukhang nakakita ng bagong kalaro 'tong si Chastity ah," sabi niya rito nang magsimula ng kalikutin ng anak niya ang make-up kit niya. Nasa salon daw kasi sila kunwari, si Yannis ang customer nito. "Akalain mo yun, giliw na giliw siya sa'yo. Ikaw naman, game na game. Pwede na ba kitang i-hire bilang baby-sitter niya?"
Biro lang ni Cherish 'yon, pero hindi niya ineexpect na seseryosohin 'yon ni Yannis. "Uy, gusto ko yan. Kahit huwag mo na akong bayaran, kiss lang-ouch!"
Hindi niya napigilan ang mapahagikhik nang aksidenteng matusok ni Chastity ang ilong nito ng brush. Humagikhik din ito, "Wag kasi likot!"
"Ayan, malikot ka kasi," Dagdag niya.
"Sorry sorry," yun lang ang sabi ni Yannis. Hinayaan lang nito na pinturahan ng bata ang pisngi nito ng napaka-tingkad na color pink. Tumingin ito sa kanya makalaunan. "Seryoso, gusto ko 'yang offer mo. Pwede ko rin siyang ipakilala kay Cedric para may makalaro rin siya. Okay ba 'yon?"
"Joke lang kasi 'yon. Kaya ko siyang alagaan mag-isa."
"Alam ko naman," sabi naman nito. Sinimulang pinturahan ni Chastity ang kanang mata nito ng purple. "Pero kung gusto mo ng help, nandito lang ako."
Kumabog ng slight ang puso niya sa offer nito, ang dating sa kanya ay parang sinasabi nitong willing ito maging daddy para kay Chastity...
Iniwan niya saglit ang nilulutong isda at umupo sa may gilid ng sofa nila, pinagmamasdan niya ang dalawa sa paglalaro. Hindi niya mapigilan ang mapa-ngiti, malapit na niyang isipin na sana ay si Yannis na lang ang totoong ama ng anak niya.
"Alam mo, wala talaga sa image mo na mahilig ka sa mga bata," sabi niya dito. Gusto niyang matawa nang nilalagyan na ni Chastity ang labi nito ng lipstick at pinapa-pout ito. "Hindi ko talaga akalain, Yan-yan."
"Paanong hindi, eh ako mismo ang nag-alaga kay Cedric simula baby hanggang sa paglaki. Nakasanayan ko nang may kasamang makulit na bata sa bahay."
"Pero lalaki ang pamangkin mo 'di ba? Iba pa rin pag sa babae. Siguro naman hindi niyo ginagawa yan," nginuso niya ang kasalukuyang ginagawa ng dalawa.
Natawa naman ito, huminto lang nung sinaway ng anak niya na huwag makulit. "Pangarap kong magkaro'n ng anak na babae."
"Bakit hindi ka gumawa ng iyo?"

BINABASA MO ANG
Just One Wish
Teen Fiction(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...