I

106 11 2
                                    

CHAPTER I

Susmaryosep, Joselito! Hindi ka pa ba magbabago ha? Paulit ulit na lang ganyan! Pauli-ulit na lang!

Napakurap si Cherish, napakunot ang noo nang magising siya bago pa man tumunog ang alarm clock niya. Heto na naman ang mga kapitbahay niya; inunahan na nila ang manok sa pagtilaok.

Parang hindi na nga niya 'ata kailangan pang mag-alarm.

Umagang umaga ay naguumpisa na naman sila sa daily devotion nila.

Napa-iling na lang siya nang mag-simula ng magrambulan ang mga magagaling niyang kapitbahay. Ayon sa naririnig niya, hindi nagbubuhos ng pinag-ihian itong bunsong kapatid na lalaki ni Nang Carol. Lasengo pa yata, kaya rinding rindi si Nang Carol tuwing umuuwi ito nang paumaga na-lasing at hindi nagbubuhos. Parang amoy imburnal daw ang banyo.

Tsineck niya ang phone: 4:50am. Napaka-aga pa pala.

Matutulog na sana ulit siya-9am pa ang pasok niya-pero agad namang napuno ang kwarto niya ng malakas na iyak. Kahit papungas-pungas pa ay agad na pinuntahan niya agad si Chastity sa sarili nitong higaan.

Halos magtatatlong taon na ang anak niya, pero minsan ay umaakto parin itong parang baby. Baby parin naman talaga ito para sa kanya, at forever na iyon; 'yon nga lang ay ugaling baby parin 'to hanggang ngayon.

Sinusumpong ito tuwing umaga, lalo na pagka-gising. Siguro ay naiirita 'to sa mga sigawan sa kapitbahay nila.

Kinarga niya ito at inalo. "Shh...Shh, tahan na baby, hindi ikaw ang inaaway ng mga bad na kapitbahay. Tahan na..."

Mas lalo lang ito umiyak, mas lumakas pa. Napa-sigh na lang siya. Napapitlag siya nang may kumalabog; napatingin siya sa pintuan nang umulit yon.

"Hoy, Ring!" Kinakatok pala siya ng mama niya. "Hoy! Patahanin mo nga iyang anak mo. Ang aga-aga sinisira mo na agad ang araw ko, ha?"

"Ay, mother dear, ako ba ang naiyak? Bakit sa'kin ka naiinis?" Pasigaw niyang sabi para marinig siya ng mama niya. Baka hindi na siya marinig nito dahil kabilaan ang maingay; iyong iyak ng baby niya at ang sigawan ng kapitbahay. "Try niyo pong patahanin din sila Nang Carol, kanina pa nangawa, eh! Baka sakaling tumahan din si Chastity, ehdi peaceful na ang Earth."

"Sinasagot mo na ako ngayon, babaita ka?" Balik na sigaw ng mama niya. Kinalabog ulit nito ang pinto niya. "Buksan mo to...isa!"

"Heto na nga po oh, pagbubuksan na-aray ko ma!" Napahiyaw siya sa sakit. Pagkabukas niya ng pinto ay sinabunutan na agad siya nito.

Hindi naman talaga iyon totoong sabunot-mabait naman ang mama niya ng slight-hinila lang nito ang buhok niya ng ubod ng lakas. Napa-sad face na lang siya. Inayos niya muna ang pagkakarga sa umiiyak parin niyang anak. "Ano ba ginawa ko sa'yo ma at sinasaktan mo ako ng ganito?"

"Naku, Ring, ako ay tigil-tigilan mo sa kadramahan mong yan, ke-aga aga..." nakakunot ang noo na sabi ng mama niya. "At yang bibig mo ha-" dinuro nito ang bibig niya. "-ayusin mo 'yang pananalita mo kung ayaw mong tampalin ko yan."

Napahawak siya sa may dibdib, parang na-offend. "Hala siya? Ano'ng nasabi kong hindi maganda? Pinapatahan ko lang naman si Nang Carol sainyo, eh. Ang aga masyado ng daily-aray ko!" hinila na naman nito ang buhok niya. Minasahe niya ang nasaktang anit. "Ano na naman ba ma?  Nakakasakit kana talaga. I hate you na..."

Napaiwas na lang siya nang akmang sasabunutan siya ulit nito.

"Nasagot ka pa ha? Nasagot ka pa?" Pinandilatan siya nito.  "Wala ka talagang modo eh; wala kang karapatang sabihin sa'kin yan. Baka nasa lansangan ka ngayon at namamalimos kung hindi dahil sa'kin."

Just One WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon