CHAPTER XVII
Few days after...
Napangiti si Cherish nang makita si Yannis na naghihintay sa loob ng isang sikat na restaurant. Mabuti na lang at hindi ito umalis kahit na nahuli siya sa usapan nila ng halos tatlumpung minuto.
May valid reason naman siya kung bakit na-late.
Nang mapalingon ito sa gawi niya, kinawayan niya ito.
"Hi," bati niya rito pagka-upo sa silyang kaharap nito. "Sorry kung ngayon lang ako."
"Kung nagkita lang sana tayo malapit doon sa venue ng pinuntahan mong event, eh 'di hindi ka na sana nagmamadali na pumunta rito," sagot naman nito. Hindi naman ito mukhang galit; ang ngiti pa nga nito ay parang nanunukso. "Bakit kasi ayaw mo pa ako ipa-kilala kay Nicola. Kinakahiya mo ba ako?"
"Hindi, gusto ko lang makasiguro na ikaw na nga yung hinahanap ko. Ayaw kong magpakilala sa bestfriend ko ng 'fling' lang."
"Ha? Tayo na 'di ba?"
"Sabi ko maghintay ka muna ng at least dalawang buwan 'di ba?"
"Grabe ka talaga sa akin, Love. Hindi ka pa ba convinced? Ang dami ko nang napatunayan sa 'yo ah. Ano'ng nangyari sa sinabi mo dati?"
"Na ano?"
"Na kung una palang ay sinabi ko na sa 'yong nag-wish din ako na kasabay mo, sana matagal nang tayo."
"Ah, 'yun ba?" Natawa siya nang makitang nakanguso ito. "Gusto ko kasi na kapag ikukwento kita kay Chasie makikita niyang pinaghirapan mo akong ligawan. Para naman yun din ang papangarapin niya paglaki."
"Okay, sige. Naiintindihan ko naman. Pero hindi ba pwedeng sikretong maging tayo na lang? Tutal, pareho naman tayo ng nararamdaman sa isa't isa."
"Akala ko ba kahit ligawan mo ako hanggang sa tumanda tayo, okay lang sa'yo?"
Napa-sigh na lang ito. "Hindi na ako aalma. You win, Love."
Ngumisi siya. "Maghintay ka na lang kasi, Love."
"Ano pa nga ba?" Nagbuntonghininga ulit 'to. "Pasalamat ka, malakas ka sa 'kin."
"Thank you."
Nagsimula na itong mag-order ng pagkain. Hindi na niya kailangan pang sabihin dito ang gustong i-order dahil kabisado na nito ang paborito.
Pagkatapos mag-order ay humarap ito sa kanya. "O, so kamusta ang pinuntahan niyong event? Kilala niyo na ba kung sino si writer na crush ng bestfriend mo?"
Simula nang nagkaaminan at nagkaalaman na sila ng nararamdaman sa isa't isa, wala 'ata siyang kwento na hindi pa nasasabi rito. Kahit maging sa kinahuhumalingan ni Nicola na writer, sinabi rin niya rito.
Tiningnan niya muna ito. "Maniniwala ka ba kung sasabihin kong si Theon si MonochromaticSky?"
"Ano?" Bulalas nito. "Sigurado ka?"
"Oo naman. Kitang-kita ng dalawang mata ko na nakatayo si Theon sa stage at pinakilala bilang si MS."
"Hala, nagsusulat pala 'yon?
"Hindi kapani-paniwala 'no? Ako rin nagulat, eh. Mas lalo naman si Nammy. Kung nakita mo lang reaksyon niya."
"Matukso nga 'yon bukas." Ngumisi ito na parang may naisip na magandang kalokohan. "Sasabihin kong fan niya 'ko matagal na at kikiligin ako kapag bibigyan niya 'ko ng librong may pirma."
"Ang sabihin mo, gusto mo lang maka-libre ng libro."
"Isa na rin 'yon."
Natawa siya. "Pero, alam mo. May kutob ako na hindi talaga siya si MS."

BINABASA MO ANG
Just One Wish
Novela Juvenil(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...