FINAL CHAPTER

66 3 0
                                        

FINAL CHAPTER

Hindi niya mapigilan ang inis habang nilalahad ni Yannis ang rason kung bakit may kopya si Race ng private dance showdown nila. 

Pati pala si Yannis ay minanipula nito. 

"To be honest, matagal na niya akong kinakausap. Hindi ko lang masabi sa'yo kasi ayokong isipin mo na kinokompronta ko yung kaibigan mo. I swear, siya ang unang lumalapit sa'kin. Sabi pa nga niya na meron ka raw crush, Cent pangalan. Iba raw 'yon sa mga past crushes mo dahil palagi mo raw ka-text. Nainis ako noon, kasi minsan ka lang mag-text sa'kin, eh. 

"So, yun. Sabi niya sa'kin, may balak ka raw makipag-date dun kay Cent. Sabi ko nga nung una, sa akin ka lang may gusto. Kaso na-convince niya ako na nagkakamabutihan na kayo. Pinilit ko siyang sabihin kung saan kayo magde-date nung Cent, sabi niya sasabihin lang niya sa'kin kapag nagbigay ako ng video na sumasayaw ka. Kaya 'yun, ni-record ko yung pagsayaw natin noon. Sorry na, Love. Wala, eh. Nacurious talaga ako dun sa pakikipag-date mo kay Cent." 

"Okay na, Love. 'Di na ako galit." Niyakap niya ito at hinalikan ang naked chest nito. Kakatapos lang nila gawin ang forbidden jutsu. Sinugod kasi niya ang binata sa sarili nitong condo at pilit na pinapag-explain kung bakit nagawa nitong ibigay ng basta basta ang video niyang sumasayaw na parang tanga. 

Noong unang nagpaliwanag ito ay hindi niya naintindihan, nauna kasi ang galit niya. Pinagpapalo niya ito at pinagsabihan ng masasakit. Ilan sa mga nasabi niya ay... 

Pinagsisihan kong naniwala ako sa'yo! Hindi ka talaga mapagkakatiwalaan! 

Haliparot ka talaga! Siguro ito talaga plano mo sa simula pa lang 'no? 

Akala ko ba mahal mo ako? Bakit nagawa mo kong ibenta? At kay Race pa! 

Siguro may ibang babae ka nang kinakalantari kaya nagawa mo 'yon no? 

Ayoko na sa'yo. Bahala ka! ‘Di na tayo bati! 

Okay. Inaamin ni Cherish na yung ibang nasabi niya ay sobrang childish.

Napabilib naman siya kay Yannis dahil sinasalo lang nito ang suntok at palo na binibigay niya rito. Nang mapagod siya ay ito naman ang gumanti...

...ng halik. 

Wala na siya nagawa nang hapitin nito ang bewang niya at halikan siya nang buong pagmamahal. 

Kaya heto sila, pagod at satisfied. 

Hindi naman niya masisi si Yannis. Kilala na niya si Race, at base sa pagkakakilala niya sa weirdong binata, walang makakaligtas sa manipulation skills nito. 

Kahit maging si Theon. 

"Alam mo, lagi ko 'to naiisip." 

Napaangat siya ng tingin dito. "Ang alin?" 

"Kung hindi dahil sa ginawa ni Race, baka hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nako-convince na mabuti at walang malisya ang hangarin ko sa'yo." 

"Sa mabuti ang hangarin siguro maniniwala pa ako. Pero yung walang malisya? Hmm..." 

"Sige, mabuti lang." 

Natawa siya, niyakap niya ito ng mahigpit. "Agree ako sa'yo. Weirdo itong si Race, pero malaki talaga ang naitulong niya sa'tin. Kahit na yung pag-tulong niya eh mukhang hindi pagtulong at nang-uurat lang." 

"Tama. Nung time na kinukulit niya ako, muntikan ko na siyang sapakin." 

"Sabi nga rin ni Nicola, eh. Muntik na rin daw niyang masapak."  

"Kinulit din niya bestfriend mo?" 

"Ay, kung alam mo lang. Nag-date pa nga sila." 

"Nag-date? Talaga? Anong reaction ni Theon? Nagalit din?" 

"Ang kwento sa'kin ni Nammy, gumawa raw ng plano itong si Race para magbago isip niya. Kinuntsaba si Theon. Dahil desperado na rin ang kuya mo, ayun, eh 'di nag-agree na lang siya. Pero, feel ko no choice si Theon, eh. Magaling gumawa ng plano itong si Race." 

"Pakiramdam ko rin." 

"Tapos, alam mo ba...itong si Race-" 

Bago pa man niya maituloy ang sasabihin ay hinalikan siya nito sa labi. Nagtagal ng ilang minuto ang palitan nila. 

"Tama na sa pagbanggit sa kanya," sabi nito pagkaputol sa halikan nila. "Thankful ako sa ginawa niya, pero ayoko pa rin na pinaguusapan siya. Lalo na sa mismong kama ko." 

"Okay, okay." Napahagikhik siya. "Love, ang galing no? Sino mag-aakalang nameet lang natin ang isa't isa sa club. Hindi lang 'yon, plano ko talagang kalimutan ka na lang. Masyado kasing hindi makatotohanan na mai-inlove ka sa'kin agad." 

"Alam mo bang nung time na 'yon, nangako ako sa sarili ko na yun na ang last time na papasok ako sa club. Wala naman kasi ako mapapala dun. Aalis na nga sana ako, ang kaso napansin ko yung likod mo. Ang puti tapos parang kumikinang ka pa. Pagka-harap mo, para akong natunaw. I noticed your unique eyes first." 

"Ang mga mata mo rin ang una kong napansin. Pati 'to," hinawakan niya ang labi nito. Napangiti siya nang hagkan nito ang daliri niya. "Kaso alam ko na agad na playboy ka. Yung titig mo pa lang, halatang marami ang nahuhulog." 

"Well, I can't deny that. I was once like that anyway." 

"Hindi ko masasabing pareho tayo, pero mahilig ako sa mga gwapo." 

"Kaya ka nga nahulog sa'kin, 'di ba?" Ngumisi ito. 'Yung ngising makalaglag panty. 

"Ay, nahulog nga ako pero hinindian kita. Kasi naman, too good to be true ka talaga." 

"Ikaw rin naman. You're too good to be true. Akala ko nga panaginip lang yung nangyayari nang sabihin mo totoo mong pangalan. Sobra talaga pagkagulat ko. Inisip ko talagang coincidence lang 'yon, kaya pinilit kong kalimutan. Kaso nagpakita ka naman sa campus. Who would expect it? Kaya ginusto ko na 'agad na makuha ka. Pakiramdam ko baka mawala ka na lang bigla kapag pinalampas ko ang pagkakataon." 

"Thank you sa pagpursue sa'kin. Salamat Love, kasi pinakita mo talaga na I'm worth it, na may tao pa palang makakatanggap ng buong pagkatao ko." 

"Of course," hinalikan ulit siya nito. "You are worth the wait, Love." 

  -END-

Tapos na! Yehey! Punta na tayo sa One Last Lie. Hehehe.

Just One WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon