CHAPTER VII
Nang kinaumagahan ay wala siyang narinig na kahit na anong sumbat galing sa mama niya. Mukhang good mood pa nga.
Bago kasi siya umuwi kagabi ay dumaan na siya sa grocery, bumili narin siya ng isang bote ng beer para sa mama niya. Binigyan din niya ito ng 1k. Kahit na ganoon ang trato nito minsan sa kanya ay hindi parin niya ito matiis.
Binayaran narin niya ang lahat ng utang niya sa tindahan. Giliw na giliw pa nga ito sa kanya, siya lang daw ang suki nila na nakakapagbayad ng buo. Dahil doon ay binigyan siya ng tindera ng libreng itlog.
Ang ibang tindera naman ay inofferan niya ulit ng mga Avon products, sakto rin na nagbayad na ang ilan sa mga nag-order sa kanya.
Ang natira sa pera ay inipon niya at tinago. Gagamitin din niya iyon pampuhunan sa naiisip niyang online business.
"O, gising ka na pala," agad na bati ng mama niya pagkalabas niya ng kwarto. Nakabihis na siya papasok, pero hindi pa siya nakakapagsuklay. Binaba niya si Chastity nang magpumilit itong bumaba; sinundan niya ito ng tingin nang tumakbo ito pabalik sa kwarto.
Siguro ay maglalaro na naman ito.
"Nga pala..." napatingin siya sa mama niya nang magpatuloy ito. "Nabalitaan mo na ba ang nangyari?"
"Anong nangyari?"
"Si Buboy nahuli raw ng mga tanod. May motor daw na nawawala, nahuling gamit niya. Nanlibre pa nga raw nang sandamakmak na alak dyan sa may malapit bago nahuli. Ayun, pwedeng makulong ang gago."
Pinilit niyang kontrolin ang emosyon. "Sa'n niyo naman nakuha yang chismis na yan?"
"Kanino pa ba? Dun kay Carol. Paano ba naman kasi, nang tinanong daw si Buboy kung may kasama siya, ayun! Dinawit si Joselito. Nakita pa ng mga tanod na natutulog sa may kalye diyan," napailing ito. "ewan ko ba diyan sa kapatid ni Carol, wala nang nagawang maganda."
"Wala nga talaga," ang tanging nasabi niya.
Hindi lang yon ma, hindi rin nagtu-toothbrush ang hype na yon! React ng isip niya.
Ayaw na niyang maalala pa ang nangyari kagabi.
"Meron din pala akong nasagap, Ring."
Napatingin siya dito. "Ano na naman yun ma?"
Tinitigan siya nito ng mabuti. "May nakakita sa'yo kagabi, may kasama ka raw na matangkad na lalaki. May inabot daw sa'yong malaking pera. Aminin mo, do'n mo nakuha yung pera mo no?"
Gusto niyang sabihin dito ang totoo; na kay Raley talaga galing ang pera at inutang niya 'yon, pero ayaw niyang isipin ng mama niya na nakakahiram siya sa pinsan niya. Baka mamaya ay utusan siya nitong umutang ng umutang dito; nakakahiya na 'yon.
Napa-'oo' na lang siya. Bahala na kung anong isipin ng mama niya.
Mukhang disappointed naman ito. "Kung boyfriend mo yung lalakeng 'yon, okay lang sakin. Pero sa oras na malaman ko na nagpopok-pok kang bata ka, tatamaan ka talaga sa'kin. Isipin mo ang anak mo. Huwag kang gagaya sa mama mo, parang awa mo na."
"Promise, mama..." nilapitan niya ito at hinawakan ang kamay. Walang pagkurap na tinitigan niya ito sa mga mata "...never gagawin ng only daughter mo 'yon, over my dead body! Hindi ko keri gawin yung gigiling sa harap ng maraming tao-hindi nga ako marunong sumayaw!"
Tiningnan siya muna nito ng mataimtim, para bang sinisigurong hindi siya nagsisinungaling. Makalaunan ay iniwas na nito ang kamay. "O sya, naniniwala na 'ko. Huwag mo na akong dramahan."
BINABASA MO ANG
Just One Wish
Dla nastolatków(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...
