CHAPTER IV
-x-
Gustong pagsisihan ni Cherish na nag-agree siya sa paghatid ni Yannis sa kanya.
Dahil naka-motor sila, kailangan niyang kumapit. Gusto sana niyang kumapit sa likod niya, pero walang makakapitan. Kaya ngayon, kahit na labag sa loob ay kumapit siya sa balikat nito.
Hindi niya 'to yayakapin patalikod-never-kahit na sa likod ng isip niya ay natetempt siyang gawin 'yon.
Minsan, kapag kailangan nito lumiko ay hindi sinasadyang sumasagi ang gilid ng hita niya sa may gilid nito. Minsan pa nga ay bigla nitong papaandarin ng sobrang bilis ang motor-wala tuloy siyang magawa kundi kumapit.
"Walanghiya kang haliparot ka!" Sigaw niya dito nang pinabilis na naman nito ang pagtakbo. Napakapit na talaga siya ng husto sa likod nito. "pag di tayo nakasurvive dito, sinasabi ko sa'yo...ha-huntingin kita sa impyerno!"
Ramdam niya ang pagtawa nito. "Easy, hindi ako reckless driver."
"Eh ano yang ginagawa mo? Hindi ba reckless yan?"
"Motor 'to Cherish, hindi bisikleta-" napa-aray si Yannis nang paluin niya ang likod nito. "-bakit ka ba nananakit? Wala naman akong ginagawa sa'yo, ah."
"Anong wala-" napakapit na naman siya dito nang pinabilis nito ang takbo ng motor. "-sinasabi ko talaga sa'yo! Nananadya ka na, eh!"
Natawa lang ito.
Gustong mag-Hallelujah ni Cherish nang makarating sila sa may kanila. Ligtas nilang narating ang bahay. Inalis na niya ang helmet na suot at agad na bumaba sa motor. Bago pa man ito makababa ay binigay na niya dito ang helmet at lumakad na papunta sa bahay nila.
"Gano'n na lang yon? Wala man lang bang 'thank you' kiss?" Narinig niyang sabi nito.
Hinarap niya ito. "Thank you lang, walang kiss."
"You're welcome," nakangising sabi nito.
Tumayo siya sa harap nito at tiningala ito. Gusto niyang maging honest dito.
"Alam mo Yannis, dideretsuhin na kita ha? Ang gwapu-gwapo mo, sa totoo lang! Walang halong eme-ang sarap hawakan ng abs mo, nakakagigil!" Kinumpas pa niya ang kamay na parang gusto niyang pisilin ang dibdib nito. Napansin niya na tiningnan siya nito na parang amused.
"Kung isa akong normal na babae at bigla kang sumulpot sa harap ko, una kong iisipin na baka isa kang Greek god na bumaba sa lupa para sumagap ng fresh air dito sa Earth, basta huwag ka lang sa kalye-imposible ang fresh air do'n."
Natawa naman ito sa sinabi niya. "Nakaka-aliw ka talaga kausap, eh no?"
"Oy, teka! Hindi pa 'ko tapos," saway niya dito. "Kapag sumulpot ka na lang talaga bigla sa harap ko tapos single ako, magtiti-tili talaga ako sa kilig, jusko! Tapos yang mesmerizing eyes mo na parang may magic na nakakalalag na lang ng panty bigla? Oh Diyos ko, hindi ko talaga kinakaya pagiging hot mo!"
"Kung attracted ka na pala sa'kin sa una pa lang, bakit hindi na'tin subukan?"
"Ayun na nga problema. Kilala ko mga tulad mo; hindi kayo nawawalan ng mga babae. Sigurado ako na punong-puno ng mga babae yang contact list mo sa phone. Mukha lang akong malandi-na aminado naman ako-pero, hindi ako normal na babae..." ayaw na niyang ipaliwanag pa dito kung ano ang ibig niyang sabihin. "...wala akong time sa paglalandi,"
Tumaas ang kilay nito na parang hindi naniniwala. "Pero may time kang pumunta sa club at makipaglasingan sa lalaking hindi mo kilala? Isn't that ironic?"

BINABASA MO ANG
Just One Wish
Teen Fiction(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...