CHAPTER VIII
Kinabukasan, habang nasa Literature class ay hindi inaasahan ni Cherish na babanggitin ni Theon ang pangalan ni Yannis.
Sa totoo lang ay si Nicola ang unang nagbanggit, kinorek lang ni Theon at siniguro niya.
Ang akala niya ay makakatakas na siya dito sa Yannis na 'to.
"Wala ka bang ibang set of friends, Theon?" tanong agad niya dito.
"Hindi ka na talaga nahiya no, Cherish," sabi naman ni Nicola na hindi niya pinansin.
"Pwede kitang ipakilala sa kaibigan ko," Sabat naman ni Race; napatingin agad siya dito. "taga Clarkson International School."
Na-excite siya bigla. "Talaga? Gwapo ba?"
"Gwapong gwapo sa sarili, oo. Cent ang pangalan niya. Pwede kong ibigay ang number niya sa'yo kung gusto mo."
Ayun! Distraction ulit!
"Sige, ipakilala mo ako, dali!"
"Ano na nangyari sa pagmamahal mo kay sir Alec?"
Napatingin naman siya kay Nicola nang magsalita ito. Nginitian lang niya ito na para bang hindi big deal sa kanya yung 'pagmamahal' na tinutukoy nito.
"Wala na. Boom!" nag-gesture pa siya ng parang fireworks sa kamay. "Gone. Disappeared. vanished. Babush!"
-x-
"Sinalo mo lang ako kanina no?" Sabi niya kay Race. Kasalukuyan silang nasa campus ng school. Hinihintay siguro nito si Nicola. Siya naman ay pauwi na. Sinusundan lang siya nito palabas ng school para kulitin.
"Paano mo naman nasabi?"
"Alam nating dalawa kung bakit. Ayaw mong mapansin nila na kilala ko si Yannis."
"Hmm..." Tumingin ito sa kanya at ngumisi. "Bakit ko naman yun gagawin?"
"Ewan ko nga rin, eh. Bakit nga ba?"
"Baka kasi concern ako sa'yo?"
"Talaga?"
"Hindi." Bigla itong tumawa ng nakakaloko.
Napailing na lang siya. Naalala niya bigla ang offer nito. "Tungkol dun sa friend mo, kailan mo ako pwede ipakilala?"
"Kung kailan mo gusto...gusto mo ngayon?"
"Ngayon?" Napaisip siya. "Very tempting ha! Pero kailangan ko na kasing umuwi nang maaga ngayon. Hindi pwede bukas?"
"Pwede naman. Game ka?"
"Sa Saturday na lang kaya?"
Ito naman ang napaisip. "Baka maging busy tayo sa Saturday."
"Bakit naman?"
Nginitian lang siya nito. "Hintayin mo na lang. Sabihan na lang kita kung kelan pwede. Sige, ingat ka!"
Tumango siya at nagpaalam din dito nang makarating sila sa may entrance. Tumakbo na ito papalayo.
Pagka-uwi niya ng bahay ay ineexpect niyang may tatakbo at sisigaw ng 'Mama!' sa kanya, pero walang tumatakbo na bata. Kahit tawagin niya ang pangalan nito ay wala.
Unang tumakbo sa isip niya ay nasa kabilang bahay ang anak niya, pero hindi parin niya maiwasan ang magisip ng kung anu-ano.
Nang madatnan ang mama niya na papasok sa bahay nila ay sinugod niya agad 'to.
"Ma-"
"Kung hinahanap mo ang anak mo, ayun, dinala ko sa may clinic sa baranggay."
Kinabahan siya ng sobra sa narining. "Anong nangyari? Bakit mo dinala sa clinic? Ma, huwag mo sabihin prank 'to, ha? Ma, si Chastity yung pinag-uusapan dito, hindi ko alam gagawin ko kung may mangyari man na-"

BINABASA MO ANG
Just One Wish
Ficção Adolescente(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...