CHAPTER XI
"Hindi mo ba ako kukulitin?"
Ang mahinang boses ni Cherish ang pumutol sa katahimikang bumabalot sa kanila simula nang tumambay sila sa may front porch ng bahay nila.
Pagkaalis ni Kristoff ay saka lang nagawang magpakilala ni Yannis sa mama niya. Dahil nababalot pa ng pagkagulat sa nangyari, saglit lang silang nagpalitan ng salita bago nagpaalam ito para kamustahin si Chastity.
Mukha talagang na-shock ang mama niya, ngayon lang yata nangyari na hindi ito nagbunganga sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat, may nagbugbugan sa salas nila kani-kanila lang.
Ito namang si Yannis, ayaw pang umuwi. Kahit na pinipilit na niya itong umuwi dahil palalim na ang gabi, ayaw parin talaga magpatinag. Hinayaan na lang niya ito.
Ang ineexpect ni Cherish ay kukulitin lang siya nito, pero ni isang salita ay wala itong binanggit. Sinamahan lang siya nito sa may porch.
Nang tumingin siya rito para lang sana i-check ang binata, napansin niyang nakatingin lang ito sa kanya. "B-Bakit ganyan ka makatingin?"
"Iniisip ko lang kung saan niyo nahuhugot yang lakas niyo para buhayin ang mga anak niyo na kayo lang mag-isa? Nakaka-amaze lang kasi. Imbis na mapuno kayo ng hinanakit at galit, parang mas lalo pa kayo tumatapang."
Tiningnan niya ito nang mataimtim, pilit na iniintindi ang sinasabi nito. May nag-click na ideya sa utak niya bigla. "Sinasabi mo bang pareho kami ng sitwasyon ng kapatid mo?"
"Hmm, medyo? She's married already, hiniwalayan lang niya ang asawa dahil nahuli niyang may ibang babae. I mean, iba ang sitwasyon mo compare sa kapatid ko, yes, pero pareho kayong may anak sa kanila. I just can't believe that you could still smile despite what's happening. I don't know..." he shrugged. "I just find it really brave."
"Teka lang, hindi ko ineexpect na maririnig 'to galing mismo sa'yo. As in, wow! Coming from you talaga, Yan-yan the Haliparot King?" Bigla siyang napailing, hindi pa rin makapaniwala. "Akalain mo yun? May deep side ka rin pala. Akala ko puro landi ka lang at yabang."
Tumawa naman ito. "Sabi ko naman kasi sa'yo, subukan mo muna akong kilalaning mabuti. Oh ano? Nabilib ka na ba sa'kin?"
Malapit na! Gusto niyang isigaw dito, pero kinontrol niya ang sarili.
"Alam mo, ito lang masasabi ko sa sinabi mo kanina," sabi niya makalaunan. "Kaya kami tumatapang kasi may pinoprotektahan kami. Napupuno rin naman kami ng hinanakit at galit, 'kala mo ba? Pero sa tuwing nakikita namin sila, nayayakap, nahahalikan at nakikitang masaya ang anak namin, nawawala agad yung lungkot..." Nang maalala si Chastity, napatigil siya nang maramdaman ang luha na kumikiliti sa gilid ng mata niya.
Naisip niyang matutulad si Chastity sa kanya na walang nakagisnang ama habang lumalaki. Kahit na tanggap na niya iyon matagal na, hindi pa rin niya maiwasang hindi maging emosyonal.
"S-Sorry-hahaha-" sabi niya habang pinipigilan ang nagbabadyang luha. Pinunasan niya agad ang pisngi niya nang may nakalusot na butil ng luha sa kanang mata niya. "-yung sinasabi ko-shit-ang kulit ng luhang to ayaw papigil-haha-ikaw naman kasi-"
"-huwag mong pigilan," saglit siyang napatingin dito nang putulin nito ang iba pang gustong sabihin. Naramdaman niyang lumukso ng bahagya ang puso niya. "Bakit kailangan mong magpanggap sa harap ko? Sabi ko naman sa'yo, alam ko kapag hindi ka okay, Cherish. Kaya kung gusto mong umiyak, cry. I won’t stop you."
"P-Pero-"
Hindi niya inaasahan na yayakapin siya nito; ikinulong siya sa mainit nitong bisig at marahang hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.
BINABASA MO ANG
Just One Wish
Novela Juvenil(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...