CHAPTER IX
Kinaumagahan, habang nasa school ay pa-simple niyang dinadalangin na huwag na sana niyang makita itong si Yannis. May pakiramdam siya na mangungulit na naman ito; isa rin sa kinakatakot niya ay baka banggitin nito si Chastity.
Hindi naman niya tinatago ang anak niya. Ayaw lang niya madamay ito sa sariling issue niya.
Nang makita niya si Yannis na naglalakad palabas ng cafeteria kasama ang mga kaibigan nito, gusto niya nang magtago sa kung saan man pwedeng taguan. Pero, medyo hindi niya inaasahan ang simpleng pagkaway lang nito sa kanya bago nag-focus sa pakikipag-usap sa mga kasama.
Siguro ay dahil sa may mga kasama silang mga babae-hindi lang basta babae, mga magagandang babae talaga.
Hindi maiwasan ni Cherish ang hindi ma-insecure. Maganda siya, alam na niya 'yon, pero aminado naman siya na hindi na siya kasing payat nang dati bago pa man siya nabuntis. Hindi naman talaga siya mataba, pero kung ikukumpara siya do'n sa mga babaeng nakita niya kanina, mas sexy sila.
Kung may laban man siya, ilalaban niya ang height niya.
Siguro ay napagtanto na rin ni Yannis na hindi talaga siya worth it na i-pursue; sino ba naman ang matinong papatol sa may anak na?
Kahit medyo nagugustuhan na niya ng slight si Yannis, kailangan niyang tanggapin ang katotohanan.
"Why the long face?"
Napalingon siya nang marinig 'yon. Kita niya si Race na pinagmamasdan siya. May napapansin talaga siya ditong kakaiba; kung minsan ay umaakto itong parang ibang tao. Race ang mukha, pero ibang personality...katulad ngayon.
"Sino ka ngayon?" Biro niya dito.
"I won't reveal my name," patol naman nito sa tanong niya. "Miss Cherish Gale."
"Ang weird mo na naman. Nakainom ka na ba ng gamot mo?"
"Later," pantay na boses na sabi nito. "Anong problema natin ngayon?"
"Anong problema? Wala akong problema."
"Bakit parang gusto mong magwala at umiyak diyan?"
"Hala, kung anu-ano na naman sinasabi niya!"
"About kay Yannis ba 'to?"
Tiningnan niya muna si Race, bago nag-sigh. "Sige na nga, aamin na ako sa'yo. Dahil marami ka naman nalalaman, sasabihin ko na nga. 'Parang' nafo-fall na 'ata ako-" kinowt niya sa kamay ang salita. "-na hindi. Nafo-fall na hindi. Ganern."
"Ang gulo, Cherish Gale. Parang yung nararamdaman mo."
"Magulo naman kasi talaga nararamdaman ko! Kasalanan kasi niya. Bakit kasi siya magiliw sa mga bata...bakit kasi ang kulit niya...bakit ang ganda ng mga mata niya? Bakit ang hot niya?! Bakit alam niya kapag hindi ako okay, bakit gusto niya akong makilala pa nang mabuti? Eh playboy yun eh, nakita mo yung nakita ko kanina? May kasama siyang mga babae! Bakit kasi ako pa pinili niyang pag-tripan, hindi na lang sila?! Nakakainis! Alam mo ba nafi-feel ko ha? Katerina Grace, sumagot ka!"
"Oo naman," sabi nito. "Hindi ka makapaniwalang makakakilala ka ng isang lalaking 'perfect' para sa'yo, yung matse-check lahat ng attributes na gusto mo para sa The One mo."
"Ha?" Gulat na napalingon siya dito. "At paano mo naman nalaman yan? Stalker ka talaga eh! Aminin mo na."
Tumawa ito. "Hindi ba pwedeng nahulaan ko lang?"
"Hindi pwedeng hula lang 'yon. Masyadong accurate, nakakapangilabot nga isipin eh."
"Swear, it's just a hunch. I just like observing people, at base sa nakikita ko sa'yo, you're a person na secretly pining for a 'perfect' person, or atleast a person na matsi-check lahat ng gusto mong attributes...you're a dreamy person despite your witty personality. At ang maganda sa'yo ay alam mo mismo yung gusto mo."

BINABASA MO ANG
Just One Wish
Teen Fiction(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...