CHAPTER XIII
Ilang araw nang napapansin ni Cherish na napapadalas ang pag-inom ng mama niya. Walang araw o gabi na hindi ito umuuwi ng sumusuray.
Palagi rin itong galit sa kanya-na hindi naman na bago. Pero, hindi niya kinakaya ngayon. Halos masampal nga siya nito sa sobrang galit.
Ngayong gabi ay hindi bago; napapitlag siya nang bigla na lang bumukas ang pinto. Tumambad ang mama niya na mukhang nakaubos na naman ng tatlong malalaking bote ng beer.
Agad siyang tumayo para alalayan 'to.
"Ma, broken-hearted ba kayo? Napapadalas 'yang pag-inom niyo ah," Biro niya rito habang inaalalayan na umupo ito sa may sofa. Sinubukan lang nito na hampasin ang kamay niya. "Oh, upo muna kayo, pagtitimpla ko kayo ng kape. Wait ka lang diyan, Ma."
"Ring, kailangan nating lumipat."
Napakurap siya. "Ha? Bakit naman? May tinataguan ba kayo?"
"Basta kailangan nating lumipat."
"Ma, nag-aaral pa ako..."
"Hindi ka ba nag-iisip? Pwede ka naman ding lumipat ng school. Ah basta, kailangan na nating lumipat hangga't maaga pa."
"Saan naman tayo lilipat?"
"Kahit saang malayo dito."
Napakunot-noo siya. "Ma, sa sobrang kalasingan niyo kung anu-ano na sinasabi niyo. Ang mabuti pa, hatid ko na lang kayo sa kwarto niyo."
"Sabing lilipat tayo, eh!" Tinulak siya nito gamit ang natitirang lakas. Bibiruin niya sana ulit ito pero hindi niya inaasahan ang tingin nitong parang sasakmalin siya nito anumang oras. "Ikaw-ikaw talaga ang rason kung bakit nagkaka-ganito ako!"
"Ako?" Takang turo niya sa sarili niya. "Anong nagawa ko? Teka, huwag niyong sabihin na may gusto kayo kay Yannis? Naku ma-"
"Putragis! Ilugar mo yang pagiging walang modo mo," Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. Kahit halos matumba na ito ay nagawa pa nitong duruin siya. "Ikaw na bata ka, ikaw talaga rason ng lahat ng kunsumisyon ko sa buhay, eh. Ikaw at yang anak-"
"Ma, huwag mo naman idamay ang bata. Kung ano man yang pinuputok ng buchi niyo, sa'kin niyo na lang ibuhos."
"Hah," natawa ito, 'yong mapait na tawa. "Manang mana ka talaga diyan sa totoong nanay mo eh, no? Ang landi-landi mo na nga, wala ka pang utang na loob. Nasagot ka na talaga sa'kin ha?"
"Hindi naman po ako nasagot sa inyo. Sinasabi ko lang naman na huwag niyo na idamay si-"
"Ano 'yang ginagawa mo, aber? Mga wala kayong utang na loob. Mga wala kayong modo!"
"Ma..."
"Wala na ngang ginawang maganda yang Elizabeth na yan...ako na nga 'tong nagpalaki sa'yo...hindi na nahiya sa'kin...pinalaki kita ng mabuti, ako ang nag-aruga sa'yo. Ibibilin ka niya sa 'kin, tapos ano? Gano'n lang? 'Yang binibigay niya sa'kin, kulang pa 'yang panukli para sa lahat ng paghihirap ko sa'yo."
"Hindi ko na kayo nagegets..."
Nagpatuloy lang ito, "Hindi porket nagpapadala siya ng pera pang-aral sa'yo-"
"Ma, ano 'yang sinasabi niyo?" Napakunot ang noo niya sa narinig. "Nagpapa-aral sa 'kin? Sinong 'niya'? Sino ba 'yang Elizabeth na tinutukoy mo?"
"Hindi mo siya kilala!" Sinisigawan na siya nito. "Hindi mo siya dapat makilala!"
Bigla siyang kinutuban. Hinawakan niya ito sa braso at pilit na hinuhuli ang tingin nito. "Sabihin niyo nga sakin, 'yang si Elizabeth...'yan ba ang pangalan ng totoong nanay ko?"
BINABASA MO ANG
Just One Wish
أدب المراهقين(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...