II

67 7 0
                                    

CHAPTER II

Sa sobrang panic ni Cherish ay napatakbo siya sa loob ng CR. Nag-kulong siya do'n.

Habang sapo parin ang kumakabog na dibdib, hindi niya maiwasang hindi mag-isip.

Kung si Yan-yan man 'yong lalaki na nakita niya kanina, ikakalat kaya nito sa buong campus kung paano siya nagkalat no'ng magkasama sila sa club? Ikakalat kaya nito kung gaano siya kalandi at ka-easy to get?

Jusko, bigla siyang kinabahan.

Oo, aminadong malandi siya, pero first time lang sa tanang buhay niya ang humalik at sumama sa lalaking hindi niya pa lubusang kilala.

Wala siguro maniniwala kung sasabihin niya ito, pero ang ka-M.U niya na si Kristoff ang naka-una sa kanya-at huli. Dahil nang mabuntis siya nito, wala nang kahit sinong lalaki ang pinayagan niyang makalapit pa sa kanya.

Pwera na lang kay Yan-yan.

Gusto na nga niyang kalimutan 'yong pinag-gagawa niyang pagkakalat kasama nito. Gusto niyang ibaon na lang 'yon sa limot, 'yon bang parang masamang panaginip na hindi na dapat inaalala pa.

Pero, hayun, mukhang napagtripan siya ng mapaglarong tadhana...

Ang mga mata nito. Ang mata nito talaga ang may sala kaya siya natukso.

Napapitlag siya nang may nagbukas ng pinto ng CR-dahilan para mapatayo siya bigla. Nakarinig siya ng mga babaeng nagdadaldalan. Nasapo niya bigla ang dibdib.

Jusko, ganto na ba talaga siya kabaliw at naisip niyang sinusundan siya ni Yan-yan?

Unconsciously, napatingin siya sa may inidoro. Nagtaka siya nang may makitang bilog na kumikinang. Nang titigan niya 'yon ng mabuti, saka niya narealise na barya 'yon. Hindi lang piso, kungdi sampung piso!

"Pisteng yawa-" hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Kukunin niya ba 'to gamit ang kamay? Sayang naman kasi, pwede nang pamasahe 'yon pauwi. Naghanap siya ng kahit na ano-papel, tissue paper, ballpen-pero wala siyang makita. "Argggh. Kung sinuswerte ka nga naman,"

Wala na siyang magawa. Alangan namang damputin niya iyon. Bigla siyang may naisip....

"Para naman may silbi 'yang pagkahulog mo diyan...hihiling na lang ako, wala naman masama di'ba? Sa pond nga, nagwiwish yung mga tao! Bakit hindi sa inidoro? Pareho lang din namang may tubig 'yon. Sus, logic!" sabi niya bago pumikit; pinagdikit pa ang mga palad. "Wish ko ay sana hindi si Yan-yan yung nakita ko kanina. Sana kamukha lang niya 'yon. Sana naconfuse lang si braincells, para stress-free na ang lola mo!"

Pagka-wish ay pinindot na niya ang flush.

Nakakahinayang, pero hindi niya kering ilubog ang kamay at kunin ang barya sa inidoro.

Sana lang talaga at matupad ang wish niya.

  -x-

Kung meron man siyang nireregret na ginawa niya sa tanang buhay niya, bukod sa sumama sa hindi niya kilala na lalaki, iyon ay ang pag-wish sa inidoro.

Sana hindi na lang ako nagwish sa CR. Mukhang napasama pa yata.

Paano ba naman kasi, pagkalabas niya ng CR at pagkaliko sa may mga classroom ay nakasalubong niya mismo ang grupo ng kalalakihan na nakita niya kanina.

Napa-sigaw pa nga siya ng 'Ay, bakulaw!' sa harap mismo ng mga ito. Bukod sa tawanan, napuno rin sila ng kantiyawan; nagtuturo pa nga ang mga ito kung sino ang tinutukoy niyang bakulaw.

"Ikaw siguro 'yon, Lucian!" Natatawang sabi ng isa.

"Anong ako? Baka itong bata nating si Yannis-" Napasinghap siya. Wala na ngang duda; ito 'yong lalaking nakaharutan niya! Mukhang napansin nito ang ginawa niya, kaya bigla nitong tinapik-tapik ang likod ng katabi-iyong pinaka-matangkad sa kanila. "-naku pare, may isa na naman bang babae ang nahulog sa patibong mo?"

Just One WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon