CHAPTER XVI
"Sayang lang na ngayon lang tayo nagkakilala, eh 'di sana si Chastity 'yung unang inaanak ko."
Hindi mapigilan ni Cherish ang mapabungisngis sa sinabi nito. Puro tungkol kasi sa kung gaano ito kagwapo ang tanging kinukwento nito, kaya naisipan niyang ikwento na lang ang buhay niya.
Hindi naman siya nito hinusgahan nang mabanggit niya ang anak; gusto pa nga nito na makita si Chastity.
"Hayaan mo, Cent. Gagawan natin ng paraan 'yan."
"Talaga?" Mukhang natuwa naman ito sa sinabi niya. "Sabi mo yan ha? Pwede bang ngayon na?"
Natawa siya rito. "Hindi ko nga lang alam kung may rules na sinusunod ang pagiging ninong ha. Binyag na si Chastity, eh."
"Okay lang yan! Nagpe-presinta ako bilang isang mabuti na ninong sa anak mo!" Sabi nito na itinaas pa ang kamay. Nakakaaliw talaga to, parang siya lang. "Papangako kong magiging mabuting impluwensya ako kay Chastity. Hindi ko rin siya tataguan 'pag pasko. Promise! Pero okay lang ba kung bente lang ibibigay ko?"
"Kahit nga pagkain okay lang 'no, huwag nang pera," sabi niya rito habang natatawa. "Para naman damay rin ako."
"Ah, oo nga no. Matakaw ka rin pala!" Nagtawanan sila na parang nakawala sa mental. Natigil lang siya nang tumigil ito. "O paano, kailangan ko nang umalis."
"Kaagad? Akala ko ba-"
"-busy na pala ako," putol naman nito. "Pasabi kay Race magparamdam naman siya kung minsan ha?"
"Ha? Sige, pero-"
"Kailangan ko na talagang umalis. Saka, mukhang may kanina pang naghihintay sa'yo." May nginuso ito sa gilid nila. Napatingin naman siya; agad na nagreact ang puso niya nang makita si Yannis na prenteng nakaupo sa may malapit na outside table ng isang restaurant.
May hawak itong drinks at taimtim na nakatitig sa kanila.
Hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinabahan; nag-iisip na nga siya ng mga dahilan na pwedeng sabihin dito kapag kinompronta na siya nito.
Pakiramdam niya ay nahuli siya nitong nag-chi-cheat.
Agad siyang tumingin kay Cent. Nginitian niya ito na para bang walang problema. "Hayaan mo 'yon. Stalker ko lang 'yan."
"Ah, stalker?" Sabi nito. May kakaiba sa boses at tingin nito, pero hindi na siya nagtanong. "Sige, ingat ka!"
Pagkasabi no'n ay naglakad na ito palayo. Napatingin siya sa kung saan nakaupo si Yannis. Hindi na 'to nakatingin sa gawi niya, pero kitang-kita niya ang ngiti nitong kakaiba habang pinaglalaruan ang paper straw ng drinks nitong ubos na.
Nilapitan niya ito para batiin.
"Mukhang nag-enjoy ka sa date mo," sabi nito sa kanya sa mapanuksong tinig. "May pa-holding hands pa kayo while walking."
"Teka, nakita mo-" napatitig naman siya kay Yannis. Inaasahan niya na kukumprotahin siya nito, pero mukhang tuwang-tuwa pa ito sa nakita. Hindi niya mapigilan ang inis. "Eh ano naman kung magka-holding hands kami? Tiningnan lang namin kung bagay ba kami."
"Nakita ko. Mukhang bagay naman."
Hindi niya alam kung nang-aasar ba ito o ano. Tiningnan niya ito. "Ah, so boto ka sa kanya?"
"Ewan ko, siguro?" Tumawa ito, pero 'yong tawang pilit. "Sa totoo lang hindi ko alam ang dapat na reaksyon ko."
"Bakit naman? Ikaw naman nagsabi sa'kin na pwede akong manlandi ng ibang lalaki, eh."
BINABASA MO ANG
Just One Wish
Teen Fiction(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...
