CHAPTER VI
-x-
"Hay, sa wakas ay tapos narin kayo mag-usap,"
Gulat na napalingon si Cherish nang makarinig ng malalim na boses na pamilyar na sa kanya.
Nakita niya si Race na nakaupo sa pwestong inupuan ni Yannis kanina.
Tinitigan niya muna ito ng mabuti. "Isa ka rin bang stalker tulad nang isang 'yon?"
Ngumiti ito, yung mapaglarong ngiti. "Siguro?"
Napa-sigh siya. "Kakatapos ko lang makipag-usap sa makulit na tao, Katerina. Huwag ka na sanang dumagdag pa ano?"
"Mas maaapreciate ko kung tatawagin mo akong Race."
"Mas bet ko ang Katerina," natawa siya nang umismid ito na parang nangdidiri. "Bakit ba kasi ganyan ang pangalan mo ha? Sobrang pambabae, may Grace pa!"
"Hindi ko nga rin alam sa nanay ko eh," napa-iling ito.
"Bakit hindi mo tanungin?"
Nag-kibit balikat lang ito.
"Ano palang ginagawa mo diyan, ha? Kung hindi mo ako inii-stalk, bakit nakikinig ka sa usapan nang may usapan?"
"Malay mo..." ito na naman ang kakaiba nitong tingin at ngiti. "...may gusto pala ako sa'yo kaya ako nandito?"
Tiningnan niya ito, hindi makapaniwala. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, hindi niya maalis yung pakiramdam na may hindi tama.
Nang mas maobserbahan niya ang binata, dun niya napagtanto ang totoo nitong pakay.
"Katerina Grace," nilapitan niya ito at nilagay ang kamay sa balikat ng binata. Halos magkasing tangkad sila; mas lamang lang ng ilang inches itong si Race. "Huwag na tayong maglokohan dito. Wala ka talagang gusto sa'kin, may gusto ka lang patunayan. Tinetest mo ko no? Hindi ka rin mukhang playboy katulad ni Yan-yan, kaya imposible na nilalandi mo ako nang walang dahilan!"
Natawa ito bigla. Inalis nito ang kamay niya sa kaswal na paraan, pagkatapos ay umakyat ito sa may bench at umupo mismo sa may sandalan.
Sa isang iglap, parang biglang nagbago ang lalaki. Yung mga mata nito, kung tumingin sa kanya ay sobrang lamig. Mapaglaro din, pero hindi tulad ng dati. Parang wala nang emosyon...
Bakit parang bigla siyang kinilabutan?
"Damn," sambit nito na medyo natatawa-tawa pa. "I didn't expect you, of all people, to get it this fast."
"Ano?" Napakunot ang noo niya, naguguluhan sa sinasabi ni Race.
"Nah..." tumulala muna ito, bago umiling. Tapos biglang tumawa. "Hindi ko lang inaasahan na mabilis kang pumick-up sa mga bagay-bagay. Kailangan ko palang mag-ingat pag kasama ka."
"Ha?"
Yes, close na rin sila ni Race dahil kay Nicola. Pero, may oras na naaawkwardan din siya rito. Minsan kasi ay sobrang weird nito...katulad ngayon.
"Wala, sinasabi ko lang na people shouldn't underestimate you. Mukha ka man maligalig at gagita sa surface, there's something in you na..." Race snapped his fingers. "...just like that."
"Ha???" Mas lalo siyang naguluhan. "Ewan ko sa'yo, Katerina. Hindi na talaga kita naiintindihan."
"I really prefer it kung tatawagin mo ko sa nickname ko, Grace or anything huwag lang yan."
May kung ano sa tono ng pananalita nito; para bang sinasabi nito na isa pang Katerina at may mangyayaring hindi niya magugustuhan.
"Okay, Race..."

BINABASA MO ANG
Just One Wish
Teen Fiction(EVER AFTER SERIES BOOK #2) "Sana hindi ko na makilala si the one!" Iyon ang wish ni Cherish pagdaan ng isang shooting star, pero bigla din naman niyang pinagsisihin sa huli. Paano kung hindi na nga talaga dumating si the one? Kaya, laking gulat niy...