XIV

41 4 0
                                    

CHAPTER XIV

Kinabukasan ay sabay silang pumasok ni Yannis kahit na mas maaga ang klase nito kaysa kanya. Ayaw naman niyang magpaiwan sa bahay nito-baka may makakita pa sa kanyang kakilala nila kung mamaya pa siya aalis. 

Mabuti na lang talaga at naka-uniform siya nang maglayas siya. Nilabhan niya 'yon kagabi at agad na sinuot pagka-tuyo.

Bigla namang sumagi sa kanya ang sitwasyon sa bahay. Kung sarili lang niya ang iisipin niya, gusto pa sana niyang lumayu-layo at mag-isip ng ilang araw pa. Pero naiisip niya si Chastity, siguro ay umiiyak na naman ito ulit at hinahanap siya. 

Kailangan ko na talagang umuwi. 

"Bakit hindi ka na lang dumiretso umuwi?" 

Napatingin siya kay Yannis; ang akala niya ay iniwan na siya nito. 

"Halata bang bothered ang lola mo?" 

Ngumisi ito at hinaplos ang pisngi niya. "Para sa 'kin, oo. Kung nag-aalala ka na talaga, lalo na kay Chasie, bakit pipilitin mo pang pumasok?" 

"Mukha lang akong gagita at malandi, pero seryoso ako sa pag-aaral. Kailangan kong grumaduate 'agad para makahanap na ng work." 

"I salute you for that," sabi naman nito. "Pero, kung hindi ka naman makapag-concentrate dahil diyan, eh wala rin. You get my point? Ngayon ka lang naman a-absent eh." 

Nag-buntonghininga siya. "Sige na nga. Ang galing ng convincing powers mo." 

Napa-ngisi lang ito. "Hatid ba kita?" 

"Anong hatid? 'Di ka rin papasok?" 

"Oo. Pwede ko namang idahilan 'yung basketball training namin eh." 

"Huy, hindi pwede! Kailangan mong pumasok. Para namang 'di ko kaya umuwi mag-isa. Anong akala mo sa'kin, damsel in distress?" 

"Sorry na, sorry na." Natawa na lang ito. "Sige, uwi ka na ha? Mag-ingat ka. Papakasalan pa kita." 

"Loko! Anong pinagsasabi mo?" Gulat na bulalas niya. Ramdam ni Cherish ang pag-init ng mukha. 

"Mabilis ba masyado?" 

"As usual, kailan ka ba hindi naging mabilis?" 

Natawa ulit ito. "Eh 'di mag-ingat ka, sasagutin mo pa ako." 

Nag-make face na lang siya rito; pero inaamin niya, muntikan na siyang mapa-'sige'. "Ewan ko sa'yo, Yan-yan. Babush!" 

Sinunod ni Cherish ang bilin ni Yannis. Pagka-alis ng binata ay dumiretso na agad siya palabas ng school. Totoo naman kasi talaga ang sinabi nito-hindi talaga siya makakapag-focus sa klase dahil iniisip niya kung ano nang nangyayari sa bahay. 

Pagka-rating niya sa bahay nila ay agad niyang nakita ang mama niya na nakaupo sa may sala; parang hindi nito inaasahan na maaga siyang uuwi. Pasimple nitong pinunasan ang pisngi. 

"Ma-" bigla itong tumayo at pumasok sa kwarto. Mukhang ayaw makipag-usap ng mama niya sa kanya. 

Pinili na lang niya pumasok sa sariling kwarto para tingnan ang sariling anak. Pagbukas niya ng pintuan ay agad niyang nakita ang anak niya na naglalaro. Nang mapansin siya nito ay agad itong tumakbo palapit sa kanya. 

"Mama!" 

"Hi, baby. Did you miss me?" Agad na sabi niya rito pagka-buhat. "Hinanap mo ba ako kagabi?" 

Umiling naman ito. "Sabi mama lola may need ka gawin eh. Nag-sleep ako kwarto niya." 

"Talaga baby?" Tanong niya. Tumango naman ito. Gano'n ang kadalasan na sinasabi ng mama kay Chastity sa tuwing kailangan niya mag-overnight para sa projects o kung gagala man siya. Mabuti na lang at walang sinabi ang mama niya dito na may misunderstanding sila kagabi. 

Just One WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon