Chapter 6

30 8 0
                                    

Avannah's pov

  Lumabas si Von kaya naman sinundan ko ang mokong. Ang daming drama netong lalaking to pero kasi kapatid nya ang nasaktan, ganyan si von masaktan na sya wag lang ang kapatid nya dahil simula't sapul sya na nag aalaga kay kali sila dalawa ni tito Nilo dahil nga iniwan sila ng nanay nya at pinagpalit sa ibang lalaki pero kahit ganun never nyang iniwan si kali na umiiyak at ayaw na ayaw nya nun.

"Woi! Ayos ka lang ba?..tanong ko sa kanya

"Ayos lang ako vannah..simpleng tugon nya sa akin

"Alam mo Von naiintindihan naman kita eih, wag mong kimkimin ang galit dyan sa puso mo ano ka ba naman...saad ko sa kanya peeo tiningnan nya ako yung paraan ng pag tingin nya parang natutunaw ako

"Si kali ang unang babaeng inalagaan ko bata pa lang kami ako ang nagpapakain, nagpapaligo, nag aalaga at nagtuturo na dapat si mama ang gumagawa....panimula nya sa kwento nya at heto ako nakikinig sa kanya. " Bata pa lang ako nasaksihan ko kung pano pinagtaksilan ni mama si papa....saad nya sa akin

"Paano Von??..tanong ko sa kanya

"Dinala nya ang kabit nya sa bahay at dun sila gumawa ng milagro habang si papa naman nag tatrabaho para mapakain kami ni kali tatlong beses sa isang araw, hanggang sa tuluyan nya kami iniwan nila papa. Nag elementary kami at kailangan kong huminto pero sa kabutihang palad nagkasabay din kami ng kapatid ko sa pag aaral...malungkot nyang kwento saken at alam ko na ayaw na ayaw ngyang nag kukuwento

"Ganon mo talaga kamahal ang kamahal ang kapatid mo noh...sabi ko sa kanya tsaka sya ngumiti saken, ang gwapo talaga ni von.

"Syempre naman kapatid ko sya eih prinsesa ko yun....saad nya na parang prinsipeng ayaw masaktan ang bunsong prinsesa nya.

  "Thank you auh..

"Para saan naman?...tanong nya sakin tsaka natawa ayyy loko pinagtawanan ba naman ako

"Kasi kinuwentuhan mo ako tungkol sa buhay mo masaya ako kasi pinagkakatiwalaan mo ko...sabi ko sa kanya tsaka ngumiti

"Alam mo vannah di ka mahirap magustuhan kasi ang bait mo, masayahin kaso parehas kayo ni kali...sabi nya tsaka muling natawa

  "Anong parehas?.

 "Parehas kayong mataray kay nagkakasundo kayong magkakaibigan eih parehas kayong matataray...sabi nya saka inambahan ko naman sya ng batok pero sinalo nya ang kamay ko tsaka tinitigan ako

Anak ng pating dalawangput lima!!!!!

 
"Vannah alam mo ang swerte ng lalaking mamahalin mo...sabi nya saken

"Bakit naman?..

"Kasi totoo ka sa kapwa mo hindi ka peke, kahit ugali mo hindi ka mahirap kaibiganin...napangiti naman ako sa sinabi nya

 Minsan may bahid ng bait itong mokong na to hindi mo talaga makakaila pero infairness auh ito ang unang pagkakataon na naging ganito yan saken pano ba naman kasi kadikit parati si liam opssss speaking of liam.

 "Anong balak mo kay liam?..tanong ko sa kanya

"Hindi naman sya saken may kasalanan eih, sa kapatid ko kaya dun sya humingi ng tawad....saad nya saken Tama pala! Ayaw na ayaw ni von na nakikisawsaw sa nararamdaman ng kapatid nya

"Si kali? Kumusta sya?...tanong ko sa kanya

"Papasok naman sya nagpalate lang talaga yun...sabi nya teka wait nagpalate lang pala yun eih akala ko may sakit.

"Akala ko ba may sakit sya?..tanong ko sa kanya

"Kilala mo naman si kali diba ayaw na ayaw nyang tinuturing syang mahina lalo na tayo...sabi ni von.

"Kelan nya sasabihin kay liam ang tungkol sa ka-..agad akong pinutol ni von.

"Kilala mo si kali vannah ayaw nyang umamin kaya nga pag gabi laging nakatingin sa buwan eih..

"Kahit kelan talaga si kali oh paboritong paborito ang buwan...iling iling pang saad ko.

"Ganun talaga sa tuwing nalulungkot sya oh kahit anong emosyon na meron sya buwan ang kakapitan nya...makahulugang saad ni von.

"Ayokong mawala si kali, von hindi ko kaya....saad ko na may tumulong luha sa kanya

  "Ganun din ako, sana nga vannah ayoko magbago si kali....saad ni von at ngumiti ng pilit

  Sa buong highschool ko si kali ang kasabay namin sa lahat ng bagay, malaki man ito o maliit. Never ka nyang susukuan dahil lang sa ugaling meron ka, pero wag na wag mong ipaparamdam sa kanya na ka iwan iwan sya dahil yun ang pinaka ayaw nya dahil nawalan na sya nanay at pakiramdam nya hindi sila sapat nila tito para hindi sila iwan ng nanay nya kaya't sinabi nya samin kung bumalik man daw ang nanay nila hindi nya na to tatangapin pero mukhang malabo dahil mapagpatawad si kali ni minsan ay hindi sya nagtatanim ng galit maging sino man.

  "Alam mo von swerte ang magiging girlfriend mo kasi ang bait mo, maalaga sa kapatid tsaka higit sa lahat uunahin ang pamilya...ngiting sabi ko sa kanya kayat ayun abot langit ang ngiti ng mokong.

"Mas maswerte ako sa kanya...

"Paano mo naman nasabi na mas maswerte sya?...tanong ko sa kanya.

 "Kasi kapag minahal ko sya hinding hindi na ako maghahanap ng iba....saad nya tsaka ngumiti ng nakakaloko

"Gago, wala na yan sa panahon na to noh..

"Bakit? Di ka ba naniniwala na kaya kong magmahal ng totoo?

"Hindi naman sa ganun pero kasii--..pinutol nya sasabihin ko anak ng kagang

" Kasi baka lokohin ko lang?...tanong nya at tumango ako

  "Alam mo choice naman ng tao kung magloloko sya diba. Kapag sakto sasabihin boring ka iiwan ka, pag sobra sasabihin nakakasakal ka na iiwan ka, pag sakto iiwan ka....sabi nya kayat ngumunot ang noo ko.

  So anong dapat kong gawin para di ako iwan?

"Wala naman talaga tahong dapat gawin, hindi naman natin sila dapat pilitin eih kasi kung iiwanab ka iiwanan ka wala tayong magagawa..sabi nya Boom! Sapul yun sa heart ko ha lintek na von to ang alam ko wala pa tong girlfriend eih

"Sakit naman nun...sabi ko sa kanya tsaka sya nataaa ng bahagya

  "Kung hindi ka nasasaktan pwes hindi yan pagmamahal...aba! Namumuro na ako auh kanina pa to bumabanat ng hugot eih

  "Von? Sino ba yang babaeng yan?...tanong ko pero ginulo nya ang buhok ko. Kainis!

  "Sa susunod makikilala mo sya, kilala na nga ni kali eih..lumaki ang mata ko sa sinabi nya wala naman nababanggit si kali saken eih

  "Sige sabi mo eih...sabi ko sa kanya tsaka ngumiti at ginantihan nya naman to

Hmmmm andito na kaya si kali??...

Itutuloy......

Her Painful Misery (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon