Chapter 53

7 1 0
                                    

Kali's pov

It's Monday at kailangan pumasok. Tumayo na ako saka naglakad sa banyo, naligo na ako bago nagbihis.

Inayos ko ang sarili ko para naman hindi zombie tingnan kung saka sakali.

Nagmukmuk talaga ako ng dalawang araw feel ko yata nangangayayat na ako.

Pagbaba ko nakahanda na ang agahan pero wala akong balak kumain pero ang adobo pati fried rice kumikinang sa mata ko.

"G-good morning anak, kain na. Umiling lang ako saka kumuha ng fresh milk naka ilang inom lang ako pagkatapos ubos agad.

Gutom nga talaga siguro ako nagkupong maghapon, walang kain, hindi pa ako naligo kahapon malapit na akong maging taong grasa.

Mas masakit pa yatang mawalan ng cellphone kesa mawalan ng pagkain.

Paglapag ko ng baso naglakad na ako papunta sa pinto narinig ko pa ang pagtawag ni kuya sakin pero hindi ko siya pinansin.

Neknek mo.

Paglabas ko ng gate sakto naman na palabas ang kotse ni liam.

"Kali? Pagtawag niya bored naman akong tumingin sa kanya.

"What? Sabi ko sa kanya pero siya nakangiti sakin.

"Sabay ka na sakin. Sabi niya kaya sumunod nablang ako. Besides wala din akong masasakyan kakapagod mag commute.

Tahimik lang ako nakatingin lang din ako sa labas akala mo saan nakatingin pero ang totoo wala naman. Hindi masyadong traffic ngayon kasi maaga pa.

"Kali, sorry nga pala ulit. Sabi niya bakas naman sa tono niya ang pagiging sincere.

Kahit pa mahal ko siya wala akong magagawa kundi patawarin siya. Bakit ganun kahit galit ka wala kang choice kung hindi ay patawarin siya. Ang unfair kapag ako ang nagkamali yun lang ang maalala nila.

Hindi ganito ang mundo pantay pantay naman lahat pero syempre merong perpekto, merong hindi at merong pa perpekto. Feeling na alam niya ang lahat ng bawat galaw ng mundo pati na rin ang tao.

"Okay lang. Sabi ko bago bumalik ang tingin ko sa labas.

Ayoko ng maraming diskusyon bahala na mangyayari naman siguro ang dapat na mangyari.

Pagdating sa school nag park siya ng sasakyan kaya naman bumaba ako agad. May flag ceremony kasi lunes kaya naman mabilis akong pumunta sa room. Naabutan ko pa ang kambal,si yohanne at charls sa room.

"Mukha yatang may hinihintay kayo. Sabi ko agad naman silang napatingin sakin. May kinakain pang muffins sila faith at rid pero mukhang naagaw ko rin ang atensyon ng dalawa.

"Kumusta? Tanong ni vannah sakin alam kong ackward kasi nga boyfriend niya si kuya pero anong magagawa ko.

Ngumiti ako. "Okay lang ako.

Ayokong mag-away sila ni kuya dahil lang sa may problema kaming pamilya. Labas ang mga kaibigan ko dito hindi sila pwedeng madamay sa mga problema ko.

As if naman na hindi ko kakayanin to. Maybe it takes time to forgive them but I need to think. Hindi ako dapat magpabigla-bigla.

"Ang galing mo nung friday hindi mo ba alam. Sabi ni iris sakin kaya natawa ako. Napatingin ako sa kamay nila ni nathan na halos ayaw bumitaw sa isa't isa.

Maputol sana.

"Alam kong magaling ako bukod sa maganda't mataray sapakin kaya kita.

Her Painful Misery (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon