Chapter 1

146 13 11
                                    

Kali's POV






First day na naman ng klase, kahit inaantok pa ako bumangon ako at ginawa ang mga ritwal ko sa katawan. Parang kahapon lang elementary ako,ngayon highschool na ako konting-konti na lang ga-graduate na ako ng college. I'm Kali Skythe Villamore, the youngest of our family, the high maintanance, and low-tempered.

I have a brother, his name is Keiler Von Villamore. Dalawa lang kami magkapatid, si Papa lang nag-aalaga sa amin at mag-isa niya kaming tinaguyod ni Kuya. Well, my mom? I don't know where she is.


Mula ng iniwan niya kami wala na kaming balita sa kanya kung anong ginagawa niya o kung nasaan siya.


"Taray, gising ka na ba," Sabi ni Kuya habang kumakatok sa pinto ko. "Gumising ka na baka ma-late tayo."

Binilisan ko na ang kilos ko. "Gising na, nagbibihis na lang." Sigaw ko.



Mabilis akong nagbihis ng uniform pagkatapos ay nilagay ko na ang mga gamit ko sa bag. Kapag talaga unang araw ang gaganda ng gamit pero kapag pataos na ang klase halos hindi na makilala yung gamit. Pagbaba ko naka-upo na si Kuya habang may binabasa sa cellphone.



"Good morning Kuya." Bati ko sa kanya napansin kong wala si Papa.



Tumango ako sa kanya. "Good morning din, kumain ka na mala-late tayo."




"Si Papa?" Tanong ko sa kanya, binaba niya ang hawak niyang dyaryo.



"May inasikaso sa opisina, tsaka ang aga-aga ang taray mo bawasan mo nga." Sagot ni Kuya sa akin.



Sinamaan ko siya ng tingin. "Nagtatanong lang ako," Sagot ko sa kanya. "Bobo hindi kita tinatarayan."

"Pipitikin kita," Banta niya sa akin. "Bilisan mo na nga." Sabi ni Kuya bago ako iwan.




Nagwalk-out sakin, ibang klase talaga. Sa lahat ng ugali na namana ni Kuya kay Papa yun ay ang pagiging pikunin. Ang dali niyanv mapikon kaya lagi ko siyang inaasar na asar-talo. Pagkatapos kong kumain niligpit ko muna yung pinagkainan ko bago kunin ang bag ko para umalis, dumeretso na ako sa kotse ni Kuya.



Habang nasa byahe medyo traffic, buti at maaga kaming umalis ngayon din kasi ang umpisa ng klase ng ibang school. Kung tatanungin magkaklase lang kami ni Kuya, huminto kasi niya noon dahil nagkasakit siya. Mga kalahating buwan din ang itinigil niya kaya hindi na siya nakahabol.

Pagka-parada niya ng kotse bumaba agad ako.



"Hoy! Hintayin mo ko." Sigaw niya sa akin pero hindi na ako nag-abala na lumingon, hindi naman siya mawawala dito.


Ang daming transferee hindi ko naman nabalitaan na gumanda ang school namin pero bakit ang daming bago. Wala naman gwapo dito para mag-transfere sila.


Pagpasok namin ng room ang ingay sobra, halos hindi ko na marinig ang tawa ng kabilang room sa lakas ng ingay ng room namin. Nasanay na lang ako sa ganitong sitwasyon kahit unang araw ng klase pakiramdam ko nasa gitna na kami ng buwan.



Her Painful Misery (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon