Chapter 16

23 3 0
                                    

Kali's pov

Alam kong hindi nagustuhan ni kuya ang sinabi ko. Baka isang mag ibang tao ako, baka isang araw lahat ng taong nasa tabi ko mawala dahil lang sa pinagdaanan ko.


Naglelesson ngayon si sir domingo ang professor namin sa science. Mabait naman sya pero hanep magbigay ng mga assignments, project at requirements.

"Class, listen I want you to have this copy and make a reflection paper. Maximum of two bondpaper long and make sure that the spacing is 1.5 pass it on thursday Understood!...sabi ni sir domingo tsaka lumabas ng room.

Hanep din tong si sir eih! 3 days kaming gagawa tapos itytype pa.

"Kuya von..tawag ko sa kanya pero di nya ako pinansin.

Wow auh ang gwapo nya para di ako pansinin!

"Kuya von..tawag ko ulit pero sadyang matigas ang bunbunan at ayaw akong pansinin.

Ayaw.mong mamansin auh!

"Auh hindi ka namamansin! Walang sisihan auh...sabi ko pero wala parin sya kibo tuloy lang sya sa pagsusulat.

Kelan sya nagsulat na walang tinta? Kuya tanga lang?

Tumayo ako at lumapit sa kanya inabot ko naman ang ballpen ko tsaka nya ako tingnan.

Sinenyasan ko naman syang tanggapin yun pero ayaw nya pa rin.

Sige magmatigas ka pa.

Tiningnan ko naman sya ng nakangiti pero poker face pa rin sya "Tanggapin mo na kasi..sabi ko sa kanya.

"Ayoko umalis ka nga dyan..sabi nya tsaka tinataboy ako na parang aso.

Mukha nya parang aso.

"Ayaw mo edi wag..pagtataray ko tsaka umalis sa harap nya bahala nga sya dyan.

Sya na nga binibigyan ng ballpen ayaw nya pa. Sino ba namang asungot ang mag susulat ng walang tinta ang ballpen.

Bumalik na ako sa upuan tsaka tumunganga hinihintay na lang naman namin ang uwian. Wala naman kaming ginagawa. Napatingin ako sa gawi nila divine at liam.

Masaya silang nagkwekwentuhan habang si divine ay napatingin sa gawi ko. Napasinghap ako ng bigla nyang hinalikan si liam sa labi na itinugon naman ni liam. Nag iwas ako ng tingin sa kanila.

Nagbasa ako ng nagbasa ng notes ko. Sulat ako ng sulat sa likod ng notebook ko. Hay nababaliw na ako.

Tumayo naman ako at naglakad palabas ng room hindi nila ako napansin kasi may kanya kanya silang ginagawa. Napahinto ako sa isang bench ng school medyo maalikabok na rin ang mga upuan kasi sa sobrang tagal na nito.

Medyo ancient na kasi ang eskwelahan namin kahit si papa ay dito nag graduate sa eskwelahan na to. Maging magulang nila iris,faith, vannah at tricia ay dito rin nagmula.

Uupo na sana ako pero bigla akong pinigilan ni--yohanne. Teka pano to nakasunod dito?.

Pinagpagan nya ang upuan tsaka tumingin saken. "Hindi ka dapat umuupo kung saan saan.

"Pano mo ako nasundan dito?..tanong ko sa kanya pero tinawanan nya lang ako.

Hindi ka ata nauubusan ng ngiti eih.

"Seryoso kasi pano ka nakasunod saken..tanong ko ulit sa kanya.

"Obvious ba? Sinundan kita syempre..sabi nya saken tsaka inabot yung brownies.

"San galing to?..tanong ko saka kumagat.

"Masarap?..tanong nya saken ngumiti naman ako saka tumango.

Walang echos masarap talaga.

"Wala naman akong nakita na brownies sa cafeteria auh..taka kong sabi sa kanya.

Tumawa sya saken. "Ako ang nagbake nyan..sabi nya saken tsaka kumagat din.

"Lupet magalit ni tricia noh..sabi nya saken.

Tumango naman ako sa kanya. "Sa aming lahat si tricia ang pinaka tahimik pero pag sumigay grabe..kwento ko sa kanya. "Nag kaganyan lang naman yan nung na heart broken sya eih.

"Bakit naman?.tanong nya.

"Niloko sya nahuli nyang may kahalikan sa library..sabi ko sa kanya tsaka sumubo ng brownies.

"Kawawa naman si tricia..sabi nya pero tinawanan ko sya.

Naku nakailang sapak pa.sya dun sa lalaki eih.

"Ikaw nagkaboyfriend ka na ba?..tanong nya saken.

"Wala pa, wala pang nagkakamali eih..natatawang sabi ko sa kanya. Inabutan nya naman ako ng mineral water na agad ko namang tinggap yun.

"Mali pala ako...may binulong sya pero hindi ko narinig.

Ano daw?

"Ano yohanne? May sinasabi ka?..tanong ko sa kanya.

Umiiling naman sya saken. "Wala akong sinasabe auh..sagot nya tsaka umiwas.

Wala naman sigurong multo dito diba.

"Iniisip mo bang may multo dito?..tanong nya saken kaya tumango ako.

Ikaw kaya ang may marinig tingnan natin kung di ka kilabutan.

"Ano ka ba walang multo dito noh easy ka lang..paninigurado nya saken.

Nagkwentuhan kami ni yohanne ng kung ano ano hindi naman masyadong mainit dahil nakaharang ang puno ng mangga sa inuupuan namin. Bigla syang tumayo kaya sinundan ko sya ng tingin pumunta sya sa likod ko saka tinakpan nya ang mata ko.

"Hoy yohanne anong trip mo?..sabi ko sa kanya at pilit tinatanggal ang kamay nya.

Tinanggal nya ang kamay nya kaya minulat ko ang mata ko medyo blurred ang paligid ko kaya kinusot ko ang mata ko.

Bumungkad saken ang tatlong rosas na hawak hawak nya.

"Para sayo kali..sobrang laki ng ngiti ni yohanne kaya napangiti din ako.

"Yohanne ano to?..natatawang tanong ko at kinuha ang bulaklak saka ko inamoy.

Ang bango kasing amoy ng nag bigay!

"Wala naman masamang magbigay ng bulaklak sayo diba..ngumiti ako ng todo sa kanya bumalik naman sya sa tabi ko.

"Nagustuhan mo?..tanong nya saken.

Tumango naman ako bago sumagot. "Syempre naman teka san mo ba to nakuha?.

"Dala ko yan kanina pa hindi ko lang pinakita..sagot nya saken.

Krrrrriiiiiiinnnnngggggggg!!!

Inalalayan nya ako patayo saka kami naglakad pabalik sa room.

"Oh pano hatid na kita pauwi?..tanong nya saken pero umiling ako.

"Naglalakad kasi kami pauwi nakaugalian na namin yun nila athena..sagot ko sa kanya.

"Sige basta mag ingat ka auh..sabi nya saken at kinurot pa ang pisngi ko.

"Kilala ko kung kanino galing yan..pang aasar ni athena kaya tinawanan ko lang sya.

"Ang laki ng ngiti mo auh..sabi ni vannah saken.

"Bigay ni yohanne..ngiting sabi ko sa kanya.


"Tsk...sabi ng kung sino.

Kanino galing yun?

Itutuloy..

Don't forget to Vote, Comment and Share.

Sumainyo sana ang crush nyo!😘

Her Painful Misery (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon