Kali's pov
Chismoso. Yan lang naman si kuya pano ba naman ang daming tanong daig pa yung lomi na kinain namin ni yohanne eih.
"Sagutin mo nga kasi yung tanong ko..inis na sabi nya saken abnormal talaga hindi na nadala.
"Ano ba kasing gusto mo malaman..inis na sabi ko sa kanya kanina pa talaga to.
"Bat si yohanne ang naghatid sayo..usisa nya saken nainis na talaga ako kaya humarap ako sa kanya.
Bumuntong hininga muna ako saka ko kinwento sa kanya ang lahat. As in mula nung pagpasok ko sa library ay kinwento ko na mahirap na baka mamaya tanungin pa ako mula sa umpisa edi nagsimula na naman ako.
"ANO? Kaya ka nya iniiwasan kasi ayaw ni divine?..tanong ni kuya kaya tumango ako.
Hindi ko gusto ang nalaman ko kay liam. Minamanipula ni divine si liam hindi nya naman kailangan sabihin yun. Wala akong balak mang agaw ng may karelasyon na.
Ano ako? Alipores nya.
"Ibang klase din talaga ang babaeng yun noh..sabi ni kuya tumingin naman ako sa kanya.
"Kuya pwede ba hayaan mo na sila..sabi ko sa kanya saka ako tumayo at tiningnan ang rice cooker pero walang laman balak ko pa naman kumain ulit.
"Ang galing walang luto..sarkastiko kong sabi sa kanya napakamot naman sya ng ulo.
May kuto ata tong asungot na to eih.
"Sorry na medyo nauna lang ako bago ka dumating..sabi nga saken saka kinuha ang folder nyang may lamang reflection.
"Pinakain ka na ni liam ng sandwich diba?..tanong nya kaya tumango ako. "Tapos pinakain ka pa ni yohanne ng lomi't siopao..tumango ulit ako sa kanya.
Walang'ya talaga inisa isa pa ang kinain ko.
"Takaw mo!..singhal nya saken aba nahiya naman ako sa ice cream ko na inubos nya dati.
"Heh! Tumigil ka nga..sabi ko sa kanya saka kinuh ang bag ko para umakyat.
"Teka teka usap nga muna kasi tayo..sabi nya saken saka hinila ako paupo.
"May pag asa ba si yohanne sayo?..tanong nya saken. Hindi naman mahirap magustuhan si yohanne.
"Siguro..sabi ko sa kanya.
"Anong siguro ang labo mo naman eih..singhal nya saken.
Ako pa talaga malabo.
"Oo meron..sabi ko kaya humalakhak sya ng sobra.
Sa tagal tagal ngayon ko lang nalaman na nag dudrugs si kuya.
"Anong nakakatawa dun?..takang tanong ko sa kanya kaya tumingin sya saken.
"Syempre si yohanne ang gusto ko para sayo..umiling naman ako saka kinuha ang bag ko.
Umakyat ako sa kwarto ko pero sinundan nya pa rin ako. Humiga sya sa kama ko. Pumasok naman ako sa banyo saka nagpalit aalis din naman siguro yun.
Paglabas ko laking gulat ko ng kinakalikot nya ang cellphone ko at tinitingnan ang pictures ni vannah.
Baliw.
"Pakialamero ka rin noh..tumabi ako sa kanya sa ko hinablot ang cellphone ko inagaw nya naman saken kaya tiningnan ko sya ng masama.
"Ang sweet nyo dito oh..sabi ni kuya saka nya pinakita saken ang picture namen ni liam nung 7 year old pa kami.
BINABASA MO ANG
Her Painful Misery (UNDER EDITING)
Novela JuvenilKali Sythe Villamore also known as Kali Villamore. Talented, smart, beautiful and fighter in life wala yata siyang sinukuan na problema sa buhay. Until her heart fall in love with his bestfriend parang nalito lalo ang puso niya. Sa tagal ng panahon...