Chapter 11

20 5 1
                                    

Kali's pov

Naglalakad kami ngayon ni papa papuntang park at sa wakas makakapag bonding din kaming dalawa. Sa hinaba haba ng panahon ngayon pa lang ako malalabas na solo ni papa, busy kasi sya parati sa trabaho doble kahod sya para samen dalawa ni kuya. Kaya kailangan talaga namin makapag tapos ng pag-aaral ni kuya.

Nandito na kami sa park at nilatag ko na rin ang banig na pag uupuan namin ni papa.

"Anak? Anong balak mo kina kuya mo at kay vannah...tanong nya saken.

"Pa aaminin natin si kuya sigurado naman ako hindi nya sasayangin ang pagkakataon na'to...sagot ko sa kanya at kumuha ng nova tsaka kinain.

"Alam mo sky, bilib ako sayo kasi sa kabila ng mga pinagdadaanan mo malakas ka pa rin...tumingin saken si papa na tila sinusuri ako.

     Alam kong nag aalala ka saken papa.

"Pa, natatakot ka ba?...tanong ko sa kanya at tumingin naman sya saken.

"Natatakot ako sa nararamdaman mo dahil baka isang araw mag bago ang sky na nakilala ko, na nakilala ng mga kaibigan mo...makahulugang sabi ni papa saken.

   May pag-asa bang magbago ako?

"Papa naman syempre hindi ako magbabago...

     
"Hindi mo masasabi anak, may mga taong nagbabago kasi nasasaktan pero kahit ang  dahilan ay hindi nila kayang ipaliwanag...sabi ni papa tsaka tumingin saken.

"Bakit ba kailangan magbago ng isang tao?...

"Kasi nasaktan sila sa parehong dahilan at sa iba't ibang pamamaraan...paliwanag ni paoa saken.

     Pinalaki ako ni papa na ganito, pag nasaktan ako ng todo todo magbabago din ako?.

"Depende pa rin yan sa tao, bat mo babaguhin ang nakasanayan nila patungo dun sa taong ayaw nilang makita...ayown! Tama si papa depende pa rin yan sa tao naka depende pa rin yun.

       
Nagkwekwentuhan kami ni papa ng biglang mag vibrate ang cellphone k, kaya tiningnan ko naman kung sino ang nag text si kuya von pala.

  From Kuya Torpe:
Nainis ko yata ang
kaibigan mo. Ano ang
paboritong pagkain ni
Vannah??

    Aba tarantado! Binigyan ko ng oras inaway lang pala si vannah.

  To Kuya Torpe:
Madami syang paborito
pero ipagluto mo na lang ng
sinigang or adobo. Alagaan
mo si vannah auh:>

Ps: wag ka ng maging torpe kuya

Sent.

    
Nang matapos kong i send ang message ko kay kuya ay agad akong kumain masaya ako dahil nakasama ko ulit si papa kahit sa ganito lang pagkakataon. Minsan inaamin ko nalulungkot ako, naiingit ako, naiinis ako kasi yung ibang batang kilala ko lumaking may nanay, bat ako wala.
     
Kung may mali man saming pamilya bat kailangan iwan kesa ayusin ang pinagsamahan.

"Galit ka ba sa mama mo?..tanong saken ni papa tsaka ako tumingin sa kanya napansin nya sigurong nakatingin ako sa mag inang nagkukulitan.

    
"Iniisip ko lang kung anong mali namin ni kuya...

"Bakit? Wala naman mali sa inyo auh...sabi ni papa.

"Kung ganon ba't nya kami iniwan?...natahimik si papa sa sinabi ko, lumaki akong walang kinalakihang ina.

"Alam mo pa, hindi naman ako nagreklamo sa buhay na meron tayo ang iniisip ko lang, anong kulang samen para lumaki kami na kulang ang pagkatao...

"Hindi kayo nagkulang anak...sagot ni papa saken.

"Kung ganon ikaw ba ang nagkulang?...tanong ko kay papa at natulala naman sya.

"Sorry po..paumanhin kong saad kay papa pero nginitian nya lang ako.

"Nung panahon na naging kami ni mama mo masaya naman kami katulad din sa mga magkarelasyon away bati ang lagi namin ginagawa"...kwento ni papa at nakinig naman ako.

"May panahon na hindi kami nagkakaintindihan pero dahil sa lagi kong sinusuyo ang mama mo hindi nya rin ako natitiis dumating sa puntong napakasal at naka anak kami yun si kuya mo kahit di pa ganun kaginhawa ang buhay namin nun masaya naman kami"..napansin kung pumatak ang isang butil ng luha galing sa mata ni papa.

"Hanggang sa may nakilala syang lalaki na kaya syang bigyan ng bagay na hindi ko ibigay sa kanya, hangga't sa nahuli ko silang may ginagawang milagro sa loob ng kwarto namin ilang taon ka pa lang nun eih..kwento ni papa hindi ko na rin nakaya at niyakap ko na si papa.

"Tahan na pa, ako ang hindi mang iiwan sayo kahit na mataray ako tapos si kuya torpe mahal ka namin..

"Ikaw talagang bata ka pati si kuya mo dinadamay mo...sabi ni papa saken pero tinawanan ko lang sya.

      Ako pa talaga ang nandamay auh.

"Matagal na kaya yun may gusto kay vannah sayo ata nagmana yun eih...biro ko kay papa tsaka nya naman ako tiningnan ng masama.

"Loko loko ka talagang bata ka pati loveletter ni kuya mo pinakialaman mo.

"Hindi ko naman sinasadya eih..sagot ko at nagkamot ng buhok, ang bango talaga ng buhok ko at ang haba na rin.

     Hindi ko naman talaga sinasadya, sinadya ko lang.

"Kung bumalik ang mama mo? Tatangapin mo ba uli sya?...seryosong tanong ni papa saken. Si mama tatanggapin ko pa? Dapat pa ba?

     Iniwan nya na nga kami ni kuya diba?

"Bat pa sya umalis kung babalik rin naman sya, kontento na ako sa buhay ko pa..sagot kay sa kanya. Nagkaron ako ng isip na wala si mama, nagdalaga ako na wala si mama tapos.kung kelan okay na ako saka sya babalik.

      Para san sya babalik? Para kanino sya babalik?

"Sana balang araw mapatawad mo ang mama mo sa pag iwan nya s ainyo ni kuya mo..

"Papa wag na ho natin pag usapan si mama masaya naman panigurado yun eih...sabi tsaka kumain na lang alam kong ayaw ni papa na magtanim ako ng sama ng loob kay mama. Hindi naman talaga ako ganito eih hindi marunong magalit sa kanila pero ibang usapan pagdating kay mama.

    Kung dumating ka man para samin pero di ko mapapangako na matatanggap kita ulit.










Itutuloy..

Her Painful Misery (UNDER EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon